Chapter 42 Ellah's POV Kanina pa ako nagmamasid sa paligid at panay ang sulyap sa clinic. Gusto ko talagang pumasok doon at alamin ang tungkol sa mga gamot na tinutukoy nung lalaking kausap ng nurse Kailangan kong makakuha ng isang piraso niyon para malaman ko kung anong mayroon sa gamot na iyon Kung totoong pumapatay ang gamot na iyon imbes na magpagaling ay siguradong nanganganib sina Josh at Blake. Sa clinic ginamot si Blake at tinurukan naman ni Chase ng pampatulog si Josh na nanggaling sa clinic at—f**k pati si Hell! Pero, wala namang nangyari sa kanila e. Argh! "Chismosa" "Ay kalabaw!" Napatalon ako sa gulat at agad na sinamaan ng tingin ang nagsalita sa likuran ko "Mr. concerned SSG President, h'wag ka ngang manggugulat" inis na sabi ko sa kanya, emphasizing the word concern

