Chapter 28 Ellah's POV Nakatulala lang ako sa lalakeng sumalo sakin, sheeems! Ang gwapo nya pala sa malapitan, pwede dito nalang ako forever? Hihi "Baba na! Ang bigat mo!" Tila bigla akong natauhan kaya nagmadali akong bumaba pero dahil sa may taglay akong katangahan ay na-out balance ako at bumagsak sa lupa Anak ng pating! "Aaawww!!" Hawak ko ang likod kong nasaktan habang nakatingin lang sakin si Hell, opo! Si Hell ang sumalo sakin, ang malas diba?! Gwapo nga! Demonyito naman, masungit pa! "Tsk, pinanganak ka yata talagang tanga!" Pokerface na sabi nya dahilan para mapangiwi ako Bwiset! Inirapan ko sya at saka tumayo habang hawak parin ang likod at balakang ko Nagmumukha akong tanga dito eh "ELLAH!!!!!!!!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pagkalakas-lakas na sigaw ni Ch

