episode 25 Hinawi ni Sheena ang kumot na naka talukbong kay Reniel at nanginginig ito malamang ay dahil sa mataas ang lagnat nito.. Isiningit ni Sheena sa kili-kili ni Reniel ang thermometer na dala niya sa kaniyang first aid kit.. 39.1°c ang lagnat nito, masyado ngang mataas kayat minadali ni Sheena ang mapunasan ito.. Tinulungan siya ni Gian sa pag-aalis ng damit nito at pagpupunas ng katawan ni Reniel gamit ang inihanda ni niyang tubig sa plangganita na may alcohol at ice cubes.. Nang mapunasan na nila Ang buong katawan ni Reniel ay bumaba baba naman ang lagnat nito at kumalma narin ito Mula sa panginginig ng katawan ngunit nanghihina parin ito.. Pina dapa nila iyon at nag-umpisa na si Sheena na i-massage therapy ito mula ulo hanggang paa.. Pinaputok niya ang mga kasu kasuan nito at

