episode 27 -Reniel's POV Hindi natuloy si Reniel na mag-enroll sa Naga dahil hindi siya pinayagan ng tita Rosie niya na mag byahe.. At maging si Light ay hindi din siya pinayagan na umalis ng araw na iyon dahil baka daw siya ma beynat.. Kahit na naka Friend zone pa si Reniel kay Light ay masayang masaya siya dahil alam niyang mahal din siya nito.. Kahit nasanay siyang madali nakukuha ang mga babaing nagugustuhan niya ay handa siyang baguhin ang sarili niyang pananaw sa pagkuha kay Light.. Hindi lang dahil nalaman niyang galing pala ito sa mayamang pamilya, Hindi din dahil sa alam niyang siya ang posibleng magiging first boyfriend nito.. Kundi dahil iyon sa malinis ang kaniyang intensyon para kay Light.. Paulit ulit na pinag-isipan ni Reniel ang pagluwas ni Light at alam niya na kahit s

