Episode 4

3196 Words
episode 4 Napapitlag si Light at nagising sa mga katok sa kanyang pinto.. iminulat nya Ang kanyang mga mata at Wala syang makita, madilim na Ang paligid.. tanging liwanag lang ng buwan Ang liwanag na nagmula sa kanyang sliding glass window.. sinanay nya Ang mata nya sa dilim at lumakad ng dahan dahan patungo sa switch ng ilaw.. Ang mga Kuya nya ay Hindi na Maka pangulit dahil Hindi nya sinasagot Ang mga text at tawag ng mga ito pati ng dalawa nyang kaibigan.. Minsan nya lang ini text Ang mga ito sa iisang mensahe na ipinadala sa kanila lahat.. 'hayaan nyo muna ako mapag Isa, please ayaw ko muna makipag usap kahit kanino.. promise ako Ang unang kukuntak sa Inyo pag handa na ako makipag usap sa inyo.. Just please let me be alone this time, i just want to think on my own..' ito Ang text message na ipinadala nya sa mga Kapatid, sa mga kaibigan at maging sa mga magulang nya.. Nauunawaan Naman ito ng lahat, at dahil Kilala nila si Light na Isang mabuting tao, matalino at may malawak na pang unawa ay hinayaan muna nila ito sa nais nyang mapag-isa.. Tanging Ang mommy nya lang Ang nag-iintindi sa kanya upang kumustahin at hatiran sya ng pagkain.. Alam nila na kailangan nya lang tlga ng space para makapag isip at matanggap Ang sitwasyon at katutuhanan sa kanyang pamilya.. Nang mabuhay na Ang ilaw ay dumiretso sya sa Banyo upang mag toothbrush.. muli nyang narinig Ang mga katok sa labas ng pinto ng kanyang kwarto.. "anak, please buksan mo itong pinto.. pag Hindi mo pa ito binuksan ay kukuhain ko na Ang master key Kay manang Laura.." nag-aalalang wika ng mommy ni Light sa labas ng pinto.. Alam ng mommy niya na madali syang magising sa mahinang ingay Lalo na sa mga katok sa pinto.. naka ilang ulit na itong kumatok at umiimik sa labas ng pinto kaya't nag-aalala na ito.. Pag labas nya ng Banyo ay Saka nya pinagbuksan ng pinto Ang mommy nya.. "I'm sorry Mom, I just brush my teeth first.." wika ni Light pagkabukas niya ng pinto.. Nakita ng ginang ang Mukha ni Light, muktong mukto Ang mga mata at halos namumutla na.. kaya Naman parang tinusok ng kung ano Ang puso nito at labis na naawa sa kanyang Unica iha.. Alam at ramdam nitong labis syang naguguluhan at nahihirapan tanggapin Ang mga nalaman nya.. "sweetie, I brought you food for dinner.. alam Kong Hindi ka parin lalabas para Kumain sa dining room kaya hinatiran nalang kita.." wika ng mommy nya na pumasuk na tuloy upang ipatong sa side table nya Ang mga pagkain.. Nakita nito Ang pinagkainan nya ng lunch na nka salansan sa tray na pinaglagyan nito.. malinis na Ang mga iyon dahil hinugasan nya na sa kanyang sink.. "Thank you mom.." malungkot ngunit iniiwasan narin niyang umiyak dahil sumasakit na Ang kanyang ulo at mga mata.. Umupo sya sa kanyang kama at tumabi Naman sa kanya Ang mommy nya.. "I'm getting worried with you sweetie.. can we talk please.? just lean on me, throw me your burden and hug me.. I Know you need it and I just want you to know that I will always be here for you my baby.." pigil Ang luhang wika nito sa kanya.. "I'll be fine mom.. I just need some time to Heal 'coz I really felt broken hearted this time.." malungkot nyang wika ngunit Wala ng luhang tumutulo sa mga mata nya.. Na drain na yata ang mata nya sa kakaiyak ng halos 2 Gabi at Isang Araw.. Tulog lang Ang pahinga pagkatapus paggising ay mag-iisip na naman sya at muli na namang luluha.. Pero Ngayon ay Wala na syang mailuha pero bakas parin Ang kalungkutan sa kanyang Mukha.. "I know sweetie it will be fine, and please don't get mad on your Dad.. he's just a man and that was just a bad temptation that he didn't resist at all.." masuyong niyakap sya ng mommy nya at hinaplos haplos Ang kanyang buhok.. "honestly, I really don't know how to understand it mom.. Your so kind and sweet and a loving wife, I know how you love Dad all your life mom.. But how come that he didn't resist the chance of getting that secret relationship with our Yaya.?" naka kunot Ang noong wika ni Light.. "it's okey sweetheart.. I Know you could understand it all when you feel Inlove on your own.. when you feel Inlove with someone, and you know and you felt that he loves you too.. you can bare everything that is impossible to bare in this crazy world.. You can forgive and forget just to keep your relationship last longer.." malambing na paliwanag ng mommy nya.. Naiisip din nya, marahil ay Tama ang mommy nya.. Baka kaya Hindi nya maunawaan Ang sitwasyon na ito ay dahil Hindi pa nya nararanasan Ang magkaroon ng minamahal.. Tumingin Ang mommy nya sa kanyang wrist watch at Nakita Ang uras.. "okey sweetheart, it's 8 o'clock na.. kainin mo itong mga pagkain para Hindi ka manghina.. everything will be okey just stay strong my baby you can take it just as sooner or later.." saka bumitaw sa pagka yakap ang ginang at iginiya sya sa harapan ng pagkain na Dala nito.. "okey mom, thank you i'll just take it when you leave.." "okey then I'll be going, when you need anything don't hesitate to call me okey.?" "okey mom" Muli sya nitong niyakap Bago ito tumayo at dumiretso na sa pinto upang lumabas.. "drink the medicine on the side of that tray after you eat alam ko masakit Ang ulo mo.. may gatas din Dyan pero mamaya mo inumin Bago ka matulog.. bye for now sweetie.." wika nito muli Bago ito lumabas ng pinto at ngumiti ng malambing na ngiti sa kanya.. "okey mom.! thank you.." Kinain nya Ang pagkaing Dala ng mommy nya, nilagang baboy Ang nasa bowl, may inihaw na liempo na chop na ng maliliit kanin at tubig na nasa pitchill.. may gatas din pero mamaya nya iyon iinumin Bago matulog.. naubos nya Ang mga pagkain maliban sa gatas.. uminom sya ng tubig at ng pasadahan nyang muli Ang kanyang mga pinagkainan ay napangiti sya.. naisip nya na naibuhos ata nya sa pagkain Ang sama ng loob nya.. Pagkatapus ay Ininom Ang biogesic sa gilid ng tray.. Pagkatapus Kumain ay hinugasan nya sa sink ng kanyang Banyo Ang mga pinagkainan Saka nag toothbrush.. Wala talaga syang kabalak balak na lumabas ng Kwarto.. Sadya naman syang home body, Bahay eskwelahan lang sya at pag walang gala Kasama Ang mga besty nya ay talagang nka kulong lang sya sa Kwarto at nagpipinta.. mahilig din Kasi sya magpinta kahit doctor Ang natapus ay hilig nya lang Ang pagpinta.. Kaya Naman Hindi na naninibago Ang mga magulang at mga Kapatid nya sa kanya kung magkulong man sya sa kanyang Kwarto Lalo na sa sitwasyon Ngayon.. Nang makabalik sa higaan ay napatingin sya sa kanyang wrist watch.. 10pm na.. Humiga sya sa kanyang kama at napaisip muli.. 'gusto ko munang lumayo, kailangan ko munang lumayo sa kanila.. Ewan ko pero pakiramdam ko Wala talaga akong mukhang maiharap sa mga tao.. At Hindi ko talaga kayang harapin si Daddy at Ang Sunshine na yun.! Hindi ko kaya..' bulong sa isip ni Light habang nakatitig muli sa kisame.. May naisip syang ideya, maglalayas sya.. inisip nya kung paano pero alam nyang magandang tyempo Ngayon dahil Gabi tulog Ang lahat maliban sa mga gwardya.. Alam nya kung saan Ang mga CCTV camera sa buong Mansion.. At alam nyang Ang Wala lamang camera ay sa likod kung saan pwede syang dumaan sa bintana.. walang bantay doon ngunit malawak na bukirin Ang dadaanan nya doon.. Nag umpisa syang kumilos, nag gayak sya ng mga damit sa maliit nyang maleta na kaya nyang buhatin oh hilahin kahit sa bukid.. Inilagay Naman nya sa kanyang paburitong Bagpack Ang ilang personal belongings nya.. Toothbrush, mga perfume, wallet CP at iba pang mga kailangan.. Naglagay din sya ng 1litter na mineral sa gilid ng maleta nya na may bulsa na sadyang lagayan ng Bote ng tubig.. Nagbihis sya ng skinny jeans at Gray na T-shirt na sinusunan nya ng leather jacket.. At nagsuot din sya ng headlight na kinuha nya sa kanyang drawer.. At may baon din syang extra na Flashlight in case na maubos Ang charge ng headlight nya.. Pinagbuhol buhol nya Ang mga kumot nya pati bedsheets at itinali sa kama Ang Isang dulo habang inihagis Naman sa labas ng bintana Ang Isang dulo.. sa tingin nya ay kulang pa ito kaya hinila nya itong muli upang dugtungan pa.. kumuha sya sa kanyang cabinet upang kumuha muli ng kumot.. At ng sa tingin nya ay aabot na iyon sa baba, itinali nya sa dulo ang kanyang maleta Saka dahan dahang ibinaba iyon sa labas ng bintana.. Nakita nya at naramdaman na sumayad pa sa lupa Ang maleta nya.. Pero Bago sya Bumaba doon ay naisip nyang mag-iwan ng note.. 'Dear mom, I'm sorry Mom, but I really need to do this.. I want to be alone and live far away from everyone of you.. Please don't call a police to find me, I'm not too young, I can handle myself .. Just please give me enough time to realize more things.. Trust me mom, I'll be fine.. Love, Light.. Ipinatong nya ito sa ibabaw ng kanyang side table at inipit lang ng kaunti ng kanyang lampshade.. Isinuot nya sa kanyang likod Ang kanyang backpack at nag umpisa na syang Bumaba at dahan dahan syang nagpaibaba sa bintana.. dahil maliwanag Ang buwan ay Hindi nya muna binuhay Ang kanyang headlight upang Hindi Maka agaw ng pansin.. Matagumpay syang nakababa at Dali Dali nyang inalis Ang pagka Tali ng kanyang maleta sa kumot na ginamit bilang Tali.. Kahit kinakabahan ay buo na Ang pasya nyang Maka takas sa Lugar na iyon.. Nang maalis sa pagkatali Ang maleta ay binuhat nya muna iyon upang Hindi maghatid ng ingay at dahan dahan nyang nilandas Ang pagpasuk sa Malawak na maisan.. Nang alam nyang nkaka layo na sya ay ibinaba nya na Ang maleta at hinila iyon.. At Saka lang din nya binuhay Ang kanyang headlight kahit maliwanag Ang buwan ay kailangan nya ng tamang liwanag upang makita ng wasto Ang kanyang nilalakaran.. "Lord gabayan nyo po sana ako.. Sorry po alam ko pong mali Ang ginagawa ko pero kailangan ko po itong Gawin.." Nausal nya habang naglalakad.. Halos kalahating uras nya nilakad Ang maisan at pag labas nya ng maisan ay Manggahan Naman Ang kanyang natunghayan.. kahit paano ay alam Naman nya Ang pasikot sikot ng Lugar na iyon ng kanilang Hacienda.. Alam nya na sa dulo ng Manggahan ay kalsada na kaya't sasakay sya sa bus o kahit Anong pang pasaherong sasakyan Ang makita nya.. Narating nya Ang dulo ng Manggahan at natulala sya ng makita Ang mataas na pader.. "s**t bakit Hindi ko naisip na palibot ng pader Ang buong Hacienda.?" nausal nya habang nakatitig sa pader na may 10 feet Ang taas.. Nakita nya Ang Isang Puno ng mangga na Ang Isang sanga nito ay naka liban sa kabilang bakod.. inisip nya umakyat doon at doon dumaan para makaliban pero paano Ang mga gamit nya.? Hindi nya kayang umakyat na Dala Dala Ang Bagpack at maleta nya.. Lalo at Hindi Naman talaga sya marunong mangakyat.. Mawawalan na sana sya ng pag-asa pero sinubukan nyang baybayin Ang mga pader.. Nanlaki Ang mga mata nya ng makakita sya ng maliit na butas sa pader na ga kamao.. Naghanap sya ng bato upang ipang wasak ng tuluyan sa butas at tuwang tuwa sya ng makakuha sya.. "Thank you Lord, mukhang suportado nyo po ako ah.!" nawika nya at nag patingala pa sa langit.. Isinandal nya sa malapit na Puno ng mangga Ang maleta nya at Saka hinubad ang Bagpack at ipinatong iyon sa maleta.. Hinubad nya din pang samantala Ang kanyang leather jacket at inumpisahan nyang pokpukin ng bato Ang pader na may butas at siguro ay dahil sa katagalan, mahina na Ang pader kaya't Hindi na sya masyado nahirapan na palakihin iyon.. Namumula na at nananakit Ang kanyang mga kamay ng tigilan nya Ang pag p****k sa pader.. Alam nyang kasya na sya sa butas kaya't bumalik sya sa kanyang maleta ngunit umupo muna sya sa tabi nito upang magpahinga.. Rinig nya na Ang mga sasakyan sa labas ng pader ngunit may ilang dipa pa Ang layo ng pader sa kalsada.. Uminom sya ng tubig na baon nya at nagpunas ng pawis.. Kumuha din sya ng bagong damitkinuha nya Ang kulay black nyang t-shirt sa maleta at nagpalit dahil nabasa ng pawis Ang kanyang damit.. Alam nyang walang mga tao sa paligid kaya doon nalang sya naghubad.. Isinilid Naman nya sa bulsa ng pagpack nya Ang kanyang hinubad na T-shirt.. Nang mahimasmasan sa pagod ay muli nyang Isinuot Ang jacket nya at isinunod Naman Ang kanyang Bagpack.. hinila nya Ang maleta nya at tuluyan na syang lumabas ng pader.. Nang makalabas ay binitiwan nya sandali Ang kanyang maleta, idinipa nya Ang kanyang mga braso at pumikit habang umikot na wari bang nakalaya sa kung saang kulungan.. Aminado sya, Ngayon nya lang naramdaman Ang ganito.. tiningnan nya Ang kanyang wrist watch at Nakita nyang 3 o'clock na ng madaling Araw.. "haaay, Ang bilis ng uras.!" Naalala nya Ang kanyang headlight, kinuha nya Ang kanyang flashlight at binuhay iyon Saka pinatay Ang headlight at syang itinabi sa kanyang bag.. Napansin nya din na mukhang may daanan ng tao sa labas na iyon ng pader ng kanilang Hacienda.. marahil ay daanan iyon ng ilang mga bahayan sa dulo na Nakita nya.. binaybay nya Ang Daan papunta sa kalsada at napa buntong hininga sya ng makita Ang kalsada.. Walang masyadong sasakyan Nakita nya na may waiting shade sa Hindi kalayuan kaya't hinila nya Ang kanyang maleta patungo doon.. Nang makarating sa waiting shade ay pinatay nya na Ang kanyang flashlight dahil may ilaw na doon.. Naupo sya sa upuan habang naghihintay ng masasakyan.. "kailangan ko ng makaalis Dito dahil pag sumikat Ang Araw at mapansin nila na nawala ako ay tiyak na mahahanap kaagad ako.." Pabulong na wika nya sa sarili.. Ng mga 4am na ay may Nakita syang pang pasaherong jeep, pinara nya iyon at huminto Naman.. "manong dadaan po ba ito sa bus station.?" tanung nya sa driver.. "pwede kang Bumaba sa highway ineng, may dumadaan na doon na mga bus o kaya Naman ay sumakay ka ulit doon sa jeep papunta sa Terminal.." sagot Naman sa kanya ng driver.. at dahil may bakante sa front seat ay nag presenta na Ang lalaking sakay doon na abutin Ang maleta nya upang maisakay at Saka sya inalalayan sa pag sakay sa jeep.. "Salamat" wika nya saka nginitian nya ito ng bahagya.. "Saan ba Ang tungo mo iha.?" tanung sa kanya ng driver ngunit Hindi nya alam Ang isasagot.. Hindi nya Rin Kasi alam kung saan sya pupunta.. Naisip nya Ang bicol, pangarap nyang makarating sa bicol kaya't yun Ang naisip nya isagot.. "sa bikol ho.." wika nya saka nginitian Ang kausap.. "ahh ay sya pag labas ng highway ay may mga bus ng dumadaan doon pa bicol pwede kana doon pumara.. pero para makasiguro ka ay sa terminal ka nalang sumakay saan Kaba sa bikol.?" tanung muli ng kausap nya.. naisip Naman nya Ang pangarap nyang puntahan Ang Mayon volcano.. at alam nyang sa Albay iyon matatagpuan.. "Sa Albay ho.. " Casual nya muling sagot dito.. "kuh ay mas mainam ineng na sa terminal ka nalang sumakay.." wika muli nito.. Natuwa Naman sya sa matanda na kitang matulungin sa kapwa.. kumuha sya ng pera sa wallet nya Isang libo at iniabot ito sa driver.. "Bayad ko ho.." wika nya.. "Naku iha Wala pa akong barya, 15 pesos lang Naman Ang pamasahe.." "sa Inyo na ho yan ihatid nyo nalang po aq sa terminal.." wika nya saka pilit ini abot Ang Pera.. Hindi nya na napansin ng pinagtinginan sya ng mga pasahero sa likuran nya pati ng katabi nya.. "ay sya Sige ineng salamat pero okey lang ba kung ihahatid ko muna sa bayan itong mga pasahero ko Bago kita ihatid sa terminal.?" "okey lang po.." wika nya at Tumango Naman Ang driver.. Sumandal sya sa headboard ng inuupuan nya at Hindi na namalayan na napaidlip sya doon.. "Iha gising na, nandito na Tayo sa terminal.." mahinang tapik sa kanyang balikat Ang nagpagising sa kanya.. Nang mag mulat sya ay Nakita nya Ang Mukha ng matandang driver ng sinakyan nyang jeep.. Inalalayan sya nito pababa ng jeep at Saka kinuha Ang kanyang maleta.. Napansin nya na Wala na Ang lalakingpasahero na katabi nya doon knina.. Sa may driver na ito dumaan sa utos narin ng driver na huwag sya abalahin sa pagtulog.. Tuloy tuloy na syang inihatid ng driver na iyon Hanggang sa Maka sakay sa bus na byaheng Albay.. "oh Dito kana iha.. mag-iingat ka sa byahe.." wika ng matanda ng maihatid na sya Hanggang sa makaupo sya.. ilalagay sana sa strebo ng bus Ang kanyang maleta pero sinabi nyang huwag nalang at itatabi nalang nya.. "Salamat ho manong ano nga po pangalan nyo.?" wika nya.. "ahh manong Danny nalang.." sagot nito.. "ahh Sige ho salamat ho manong Danny.. Sandali ho.." wika nya saka kumuha ng notepad at ball pen at may isinulat Dito.. at kumuha muli ng 2 libo sa kanyang wallet.. natuwa sya sa matanda Kasi Nakita nyang mabait at mapagkakatiwalaan ito.. Saka iniabot Ang papel at Pera sa matanda.. "ito ho sana ho ay makatulong, salamat po sa ligtas nyong paghatid sa akin Dito.." "naku ineng salamat pero sapat na Ang 1 libo ibibigay mo kanina Sayo na yan at magbi byahe Kapa.." "Hindi ho tanggapin nyo ho iyan at nakasulat din po Dyan Ang aking phone number.. tawagan mo nalang po ako pag may kailangan pa kayo.." wika nya saka pilit iniabot Ang Pera at papel Kay manong Danny.. "naku salamat iha malaking bagay na sa amin ito.. Mag-iingat ka sa byahe at naway makarating ka ng ligtas sa iyong pupuntahan.." wika nito.. "Salamat din ho at mag-iingat din po kayo sa pagmamaneho.. Sheena po pala nandyan din po sa papel Ang name ko kung tatawag po kayo pakilala nalang po kayo.. Salamat po ulit.." Wika nya Dito.. Tinapik sya nito sa balikat at Saka tuluyan na itong tumalikod dahil binuhay na Ang makina ng bus, hudyat na aalis na ito.. Nang umaandar na Ang bus ay Nakita pa nya sa labas si manong Danny na kumakaway pa sa kanya.. Napaka bait ni Light at madali din sya mapalapit sa mga tao.. para kasing nakikita nya Ang mga kalooban ng tao at nararamdaman nya kung tapat Ang Isang tao.. Kaya Naman kahit sa eskwelahan at sa mga orphanage na tinutulungan ng pamilya nila ay labis syang napapamahal sa mga ito.. Hindi nya alam pero pakiramdam nya ay malaki Ang pangangailangan ni Mang Danny at dahil Nakita nya Ang kabaitan nito ay handa syang tulungan ito.. Kaya't ibibigay nya Dito Ang kanyang number upang kung kailanganin ay tawagan sya nito.. maikli Ang panahon para makipag kwentuhan sya Dito pero ramdam nya talaga na ma mabigat itong problema.. -to be continued-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD