episode 7
-Light
Matapus subuan ng Lugaw ni Zander si Light ay binuksan nito Ang distilled water na binili nya at Naglagay ng tubig sa disposable na baso.. Inilapit nito sa bibig ni Light itinaas nya bahagya Ang kanyang kamay upang sapuhin Ang ilalim ng baso at Ininom naman nya ito..
Nakita ni Zander na Nanginginig pa ng bahagya Ang kanyang mga kamay..
"Kumusta Ang pakiramdam mo.? mukhang Nanginginig pa ang mga kamay mo ah.." wika ni Zander..
"okey okey Naman na ako.. medyo nanghihina parin pero iba Naman na di tulad kanina.." sagot Naman nya..
"Ahh mabuti naman gagaling kana Kasi may dextrose kana at nakakapag gamot na.."
"Kaya nga, Salamat Zander ha.? Kung hindi dahil Sayo ay baka kung ano ng nangyari sakin.."
"naku Wala yun Sheena ako din naman Ang dahilan kaya ka nagka ganyan.."
"Hindi naman, pero paano pala ang trabaho mo.? naabala na kita.. Sige umuwi kana ako na ang bahaha sa sarili ko.."
"okey lang, pahinga ako ng Isang buwan may kapalitan ako dun buwanan kami mag duty.. pag Wala ako duty namamasada ako ng tricycle sa amin.." wika nito habang nakatingin sa kanya at naiilang na ngunmiti..
Tumango-tanho sya Dito.. "ahh okey.. may tatawagan lang ako huh.?" paalam nya Dito Saka kinuha Ang cellphone sa kanyang Bagpack..
Tiningnan nya Ang relo nya sa pulsuhan at nakitang alas tres na ng madaling Araw.. Naisip nya na maaaring labis ng nag-aalala sa kanya Ang pamilya nya kaya tatawagan nya Ang mga ito.. Tumingin sya Kay Zander at mukhang nakuha Naman nito Ang ibig nyang sabihin.. Tumalikod ito sa kanya at lumabas ng pinto.. Saka sya nag dial sa cellphone nya..
"hello baby, how are you.. where are you now..?" tanung ng mommy ni Light..
"mom, I'm okey don't worry.. I know everyone are in there, please don't worry so much about me coz I'm fine.. wag nyo narin po muna ako hanapin, I just need to be alone this time.. I know i would miss you all but i know i really need to do this to let go.. I'm so-sorry Mom, i love you and all of you.." wika ni Light sa kabilang linya..
"But baby can we just know exactly where are you please.?"
"mom please, just give me some privacy.. I had live all my life being controlled by everyone of you and you knew that it never been hard for me.. I just let myself to be in controled by everyone of you in my whole life because i love all of you and i am happy with that.. But this time, please give me a chance to seek my freedom to find wisdom.."
"I know sweetie, i know.. We trust you, okey sweetheart, just please keep on updating me huh.? and please take care of yourself for me, for us baby please.?
"yes Mom, promise I'll be fine.."
ini hang na ni Light Ang call.. alam nya na nandun lahat ng mga Kapatid at Daddy nya at alam nya na nka loudspeaker Ang mommy nya.. Pero pinili nyang hindi sila kumustahin dahil ayaw nyang maging emotional sa ngayon dahil sa kanyang kalagayan kailangan nyang magpa lakas at magpagaling.. Alam nyang sapat na sa pamilya nya Ang malaman na ligtas sya para Hindi na mag-alala Ang mga ito..
Ngunit muling napaisip si Light, ng maalalang muli Ang mga tagpo ng ipakilala sa kanya ng Daddy nya Ang step sister nya daw..
"They named her Sunshine and that name where so close to mine.. how insensitive huh.?" nausal sa sarili ni Light at nagtiim ang kanyang bagang na hindi napigilang mapatulo ang luha sa naisip..
Hindi sya masamang tao at Hindi din sya mapanghusga o matapubre.. Sadyang mahirap lang pala talaga mag control ng emosyon kapag ikaw na mismo Ang dumaramas ng sitwasyon na tulad ng sa kanya sa ngayon.. Selfless din si Light pero nahihirapan syang tanggapin na may kahati Sila o sya sa daddy at mga Kuya nya.. Para bang nagsi selos sya na Ewan, Basta Hindi nya matanggap iyon..
Napabalik sya sa kasalukuyan ng may kumatok sa pinto.. Pinunasan nya Ang mga luha sa pisnge nya at inayus Ang sarili..
"come in.!" wika nya..
at pumasuk ang Isang nurse..
"mag ra-rounds lang po aq ma'am.." wika ng nurse na pumasuk at sumunod Naman sa likuran nito si Zander..
"okey po.." sagot nya..
"kumusta po ang pakiramdam nyo ma'am.? nahihirapan pa po ba kayo huminga.?" tanung muli nito saka nilagyan sya ng oxygen meter sa daliri..
"okey okey naman na po, hindi naman na po ako masyado nahihirapan huminga, konti nalang po.."
Nakita naman ng nurse sa oxygen meter na galing sa daliri nya na stable Naman na nga Ang oxygen level nya kaya hininaan nito ang level ng kanyang oxygen..
"may ituturok lang po ulit aq sa dextrose nyo na gamot ma'am huh.? para po ito sa pangangati nyo at para sa pamamaga ng puso nyo dahil sa allergic reaction.." Tumango tango lang Naman si Light Dito..
"Nakakalunok kana po ba ng maayus.? I mean kaya mo na po ba lumunok ng mga tablets medicine.?" muling tanung ng nurse..
"yeah I bet naka kain Naman na po ako ng Lugaw kanina.. pero yun lalamunan ko feeling ko medyo maga pa.. But i know tuwing nagkaka ganto aq before, in just 3 days okey na aq.."
"okey ma'am, so aware naman po pala kayo sa allergies nyo.. ingat nalang din po next time.. Mamaya po pag rounds ng doctor malalaman po natin kung ipag tablets nalang kayo ng gamot or tuloy parin yun direct sa dextrose nyo.."
"okey po.. salamat po.."
Nagpaalam na Ang nurse na noon ay tapus na sa kanya..
Pagkalipas ng tatlong Araw ay tuluyan na ngang gumaling si Light at mkakalabas na ng Ospital.. Hindi sya iniwan ni Zander Hanggang sa palabas na sya.. umaalis lang ito at umuuwi sa kanila pero bumabalik din sa ospital para bantayan sya.. Malaki Ang utang na loob nya dito kaya napalapit sya Dito agad at nangako sya sa sarili nya na ibabalik nya Ang lahat ng kabutihan nito sa kanya..
Palabas na si Light sa ospital at nandun parin si Zander.. Naalis na Ang dextrose nya at handa na sya para maligo.. pakiramdam nya ay bahung baho na sya at lagkit na lagkit sa sarili nya dahil sa tatlong araw na pagka confined.. Na buhos lang Ang ligo Kasi Hindi nya makuskos Ang sarili dahil sa sagabal na dextrose..
Pag labas nya ng Banyo ay naka handa na Ang mga gamit nya.. Namangha sya at napangiti sa pagiging masinop ni Zander, Nakita nya pa ang huling ginagawa nito.. Inaayus nito ang cover ng kanyang bed ward na para bang isa itong room attendant.. Nakita nya din na isinasara nito ang zipper ng kanyang maleta..
"Inayus ko na Ang mga gamit mo.. Ibinalot ko sa plastic ang labahin mong mga damit at Dito ko na Inilagay sa Bagpack ko, para hindi na mahalo sa malilinis mong mga damit.. akin na pala yan hinubad mo para maisama ko na Dito.." mahabang paliwanag ng binata Saka iniabot Ang kamay sa kanya upang kunin Ang mga hinubad nya na noon ay naka tupi narin at hawak hawak.. iniabot nya ito sa binata at manghang napatango nalang..
'mukhang magkakasundo kami nito..pareho yata kaming masinop sa gamit at maayus sa Kwarto..' tanging nausal sa isip ni Light..
"ahm, pano yan saan pala kita pwede ihatid ngayon kung diba sabi mo ay Wala ka namang personal na kakilala or kamag-anak Dito.?" tanung muli nito sa kanya matapus mailagay sa Bagpack nito Ang kinuha sa kanyang mga hinubad na damit..
Napaisip Naman sya, gusto nya sana mag trabaho sa ospital na ito ngunit Wala pa Naman syang lisensya Kasi Hindi pa sya nkakapag masteral at Bar exams.. Pero gusto nyang magtrabaho at matuto maging independent..
"ahm, may alam Kaba Dito na pwede ko pag-applyan ng trabaho.?" casual nyang tanung dito ngunit pinakita nya Dito na seryuso sya..
"Seryuso ka ba.?" Hindi mkapaniwala nitong tanung..
"oo Naman bakit may problema ba.?" tanung nya..
"Ahm, Wala naman, meron sana akong alam pero tingin ko sayo ay hindi ka marunong ng mga Gawain doon.."
"bakit ano ba trabaho yan.? Malay mo naman kaya ko ikaw Naman.."
"ahm, may kaibigan Kasi ako na anak ng may-ari ng isang hotel, resort, restaurant sa may amin.. pwede sana kita ipasuk doon kahit waitress lang alam ko hiring Sila dun Ngayon.." wika nito Saka tumingin sa kanya..
"ahm, Sige try natin dun.. kaya ko Naman siguro yun Diba may training naman yun.?" wika nya habang patangu-tango..
Napatingin naman sa wall clock si Zander at Nakita nito na alas tres na ng hapon.. Alam nito na kaya ni Light na mag check-in muna sa hotel or umupa ng apartment para may matuluyan habang Hindi pa nkapasuk sa trabaho.. Pero gusto muna siya nito maipakilala sa pamilya nito, kaya may naisip si Zander..
"ahm Sheena," tawag nito sa pangalan nya na Sheena dahil ito ang pakilala nya Dito bilang alyas para Hindi agad sya matunton ng pamilya nya.. "ahm, hapon na, nasa Bahay Kasi Ang Ilan mong mga damit Kasi pinalabahan ko na sa inay yung mga binihisan mo nung mga nakaraang Araw.. eh kung okey lang Sayo sa amin kna lang muna matulog kahit ngayong Gabi lang.. may Kwarto Naman ako doon kahit maliit lang doon ka nalang muna matulog.." pagpatuloy nito..
"huh.? naku nakakahiya naman sa inay mo pinaglaba mo pa ng mga damit ko.." wika nya na mahihiya sa isipin na nalabhan ng inay ni Zander Ang mga damit nya..
"naku Wala yun mabait Ang inay ko at ipinakilala na kita sa Kanila sa picture.. sorry pero pinicturan kita ng tulog para ipakita sa kanila.."
Natawa sya Dito.. "bakit Naman Hindi mo sinabi para gising ako at nakapag smile sana sa picture nakakahiya tuloy Lalo.." wika nyang muli..
"Hindi Naman, ginawa ko lang din Naman yun para maniwala Sila na may pasyente akong binabantayan Dito sa ospital.." naiilang na ngumiti ito sa kanya..
"Naku masyado na ako nakaka abala sa iyo at pati narin pala sa pamilya mo.." wika nya Dito na alanganin syang mapangiti o mapangiwi..
"walang problema yun Sheena Basta dun ka muna matulog sa amin para makabawi ka.. pinagluto ka din nila itay ng sariwang isda at pinaubong native na manok.. pag bigyan mo lang Sila ay quits na Tayo.." wika nito Saka maluwang na ngumiti sa kanya..
Wala na syang nagawa kundi pumayag dahil nahihiya din Naman syang tumanggi at naramdaman nya din Naman na sincere so Zander sa sinasabi nito.. At take note, pinaglutuan pa sya ng pamilya nito para sa dinner.. paano pa sya makaka tanggi.?
Nasa byahe na sila ni Zander pauwi sa Bahay ng pamilya nito.. naka sakay sya sa loob ng sidecar ng tricycle at tumitipa sya sa cellphone nya..
'hey, Guess what.? I'm going to apply for a job somewhere here.. And I'm excited to do it even though it's not related to my course.. I want to try new things and explore, I want to try how to earn money as a simple person.. Please don't be worry, I can handle this.. If ever it would takes too hard for me, I will tell you and will get back home as soon as possible.. I love you and please don't call.. I'm fine or else, I would turn off my phone..'
Inisend nya ito sa mommy nya, at ini copy paste para isend din sa mga kuya nya at sa dalawa nyang best friend na alam nyang nag-aalala narin sa kanya.. At kahit may tampo, ini send nya din ito sa Daddy nya just to get informed.. Hindi din sya nagbubukas ng kanyang mga social media accounts.. Pero noong nasa hospital sya, nagsi selfie sya just to remember the memories..
Matapus nya mag send ng message ay muli syang nagselfie na kitang nasa loob sya ng sidecar ng tricycle.. Maya Maya ay nagreplyan na Ang mga initext nya na puro 'i love you, take care, at I missed you' Ang mga minsahe ng mga ito.. Parang batas Naman na sumunod Ang mga ito sa pakiusap nya na walang tatawag sa kanya kahit alam nyang atat na atat na Ang mga itong tawagan sya Lalo na Ang mommy nya..
Nasa twenty minutes silang nagbyahe Bago inihinto ni Zander Ang tricycle nito sa harap ng Isang Bahay na half body Ang hollow block pagkatapus sa paitaas ay hardeflex, Simple lang ito at Hindi malaki halos malaki pa Ang Salas nila kung tingnan sa labas.. Pero Ang harapan nito ay puro halamanan at maraming iba't ibang uri ng mga bulaklak na napagka ganda.. at Ang maiksing pathway na dadaanan mo bago ka makapasuk sa maliit na terrace nito Ay may naka hilerang mga bulaklak sa gilid.. Nakita nya sa terrace Ang mga tao na waring nag-iinuman at tingin nya ay may ukasyon sa Bahay ng mga ito..
Ipinarada ni Zander Ang tricycle nito sa maliit na garage Saka Bumaba at mabilis na umikot sa sidecar upang alalayan sya palabas mula dito.. Inilahad nito Ang kamay sa kanya at inabot Naman nya iyon bago naramdaman nya na ipinatong nito Ang Isa pang kamay samay ulunan nya.. At nang makalabas na sya ay may lumapit sa kanilang babae at mga Bata.. kinuha ni Zander Ang maleta nya at backpack bago humawak sa siko nya upang alalayan sya patungo sa Terrace na nakikita nyang maraming tao..
"ahm, Zander bakit maraming tao may ukasyon ba kayo.? parang nakakahiya naman yata.." pabulong nyang wika dito..
"ahh Wala naman, ganyan lang talaga Dito samin kapag may bisitang bago naghahanda ang may bahay ng pupuntahan mo tapus mag iimbita ng ilang mga kaibigan o kamag-anak.. wag ka mag-alala mga tiyuhin ko lang yan at mga pinsan, yun iba Kapatid ko.." pabulong din na paliwanag nito sa kanya..
"Hello po ate Sheena.! welcome po.!" Isa Isang bati sa kanya ng mga batang lumapit sa kanila.. Habang ang babae naman ay kinuha kay Zander ang mga gamit nya at ngumiti lang ito sa kanya na halatang naiilang..
"hello Sheena.!" matipid na bati nito na naka ngiti at saka tumalikod..
Napakunot Naman Ang noo nya sa bati ng mga ito sa kanya.. Iniisip nya kung maipakilala naba sya ni Zander sa mga ito Kasi tinatawag sya ng mga ito sa pinakilala nyang pangalan.. Para kasing Wala syang narinig na pinakilala na sya, pero binalewala nalang nya ito..
Nang Maka lampas Sila sa mga halamanan ay naka rating Sila sa maliit na terrace na may table sa bandang dulo at may naka palibot na upuan.. Isa Isang bumati ang mga tao doon sa kanila at nakita nya ang nagniningning na mga mata ng mga ito..
"hello po.!" matipid nyang bati pabalik sa mga ito Saka ngumiti..
"Si Sheena po pala kaibigan ko po Taga maynila.. Sheena Sila pala Ang mababait Kong nanay at tatay, si tatay Nestor at nanay Cecilia.." pakilala ni Zander sa kanya at sa mga magulang nito.. "Sila Naman Ang mga Kapatid ko, Si Jake sumunod sakin, sina Jenneyrose at Jessica Naman Ang kambal at si Joshua Ang bunso namin.." pakilala naman nito sa mga kapatid saka Isa Isa din sa kanya pinakilala Ang mga bisita na nandoon..
Natutuwa naman sya sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga tao doon.. Pakiramdam nya ay welcome na welcome sya sa Bahay na iyon at waring mga matagal na nyang kakilala Ang mga tao dito..
"aba pinsan galing mo pumili ah Ang ganda.!" wika ng Isa sa mga pinsan ni Zander
"pamangkin kailan ba Tayo mamamanhikan.?" wika Naman ng Isa sa mga tiyuhin nya..
Nakita naman nya Ang pamumula ng Mukha ni Zander na halata kahit Moreno ito.. Nahihiya at naiilang na tumingin ito sa kanya..
"ahm, eh, kaibigan ko lang po si Sheena tiyo nakakahiya po.. Sige po at papasuk lang po kami sa loob, galing lang po Kasi sya sa ospital.." wika ni Zander saka iginiya sya sa pinto papasuk sa Bahay ng mga ito..
"Sige iha Kumain muna kayo Dyan sa loob Bago magpahinga.. kagagalingan mo lang sa sakit.." wika Naman ng tatay ni Zander na noon ay nandun din sa gitna ng inuman..
"Sige po nice to meet you all po..!" wika nya saka ngumiti sa mga ito bago ng pinto..
Hindi nya na naiintindihan Ang ibang usapan ng mga ito sa ibang salita na napapa iling nalang sya.. Pero naririnig nya Ang kasiyahan at tawanan ng mga ito..
Pagpasuk nila sa loob ay tumambab Ang maliit na Salas na may upang yari sa kawayan na maganda Ang native design.. may maliit na center table ito at iginiya sya ni Zander na maupo sa tapat ng center table na may mga pagkain doon.. Sa inuman sa terrace Nakita nya Ang mga alimsngo at hipon sa lamesa pero sa table sa harapan nya ay Wala.. Calderetang baboy, pinaupong mabok at putchero Ang nakahain na ulam doon at kanin.. Mayroon ding mga desert like letche plan, buko salad at graham cake..
Biglang kumalam Ang kanyang tiyan sa amoy ng mga pagkain sa harapan nya.. Nang mapatingin sya sa kanyang wrist watch ay Nakita nyang 7:20 na pala ng Gabi.. Ang bilis ng uras kaya pala sya nagugutom Kasi kaunti lang Ang kanyang kinain ng Tanghalian..
"iha, kumain kana sabay na kayo Kumain ni Zander at kami ay naka kain na.." wika ng nanay ni Zander..
"Sige po salamat po.." Matipid nyang sagot dito.. Nilagyan ni Zander ng kanin Ang Plato sa harapan nya..
"Nanay Celly nalang ang itawag mo sa akin iha.." wika ng nanay ni Zander sa kanya..
"Sige po nanay Celly, kain po tayo.." wika nya saka nag umpisa na syang kumuha ng ulam upang Kumain..
"Sige lang at kami ay tapus na.. doon ko pala Inilagay sa Kwarto ni Zander Ang mga gamit mo ha.? magpahinga kana pagka kain mo para tuloy tuloy kana maging malakas.." wika muli ng nanay Celly..
"Sige po salamat po ulit.." wika nya saka tuluyan ng humarap sa pagkain upang makakain na sya.. Lumabas na muli sa terrace Ang nanay Celly ni Zander at tumabi sa asawa nito..
Ewan nya pero pakiramdam nya talaga ay safe sya Kasama Ang mga ito napaka maasikaso at nakaka overwhelmed ang kabaitan ng mga ito.. Hindi nakakapag taka na napaka bait din ni Zander Kasi may pinagmanahan..
-to be continued-