CHAPTER - 15 - PART 3 ***Junior's POV*** Heto kami ngayon ni tito Albie naka upo sa sala, kinekwento niya lahat. Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig. May ganoon pala talagang tao. Kayang gumawa ng hindi maganda kapag nasa ilalim na ng impluwensya ng alak o droga. Nalungkot din ako dahil hindi naman nila ginusto na ganoon sila. Doon lang nila nailalabas ang dark side nila. Ngayong nalaman ko na ganoon pala si uncle ay naiintindihan ko na siya. Hindi niya mapigilan ang sariling makapanasakit ng ibang tao kapag siya ay nasa ilalim na ng impluwensya ng alak at droga. Nilahad lahat ni tito Albie ang buhay ni uncle noong sila ay mga bata bata pa, ang mga kalokohan nila, ang mga s*x ecapades nila pero hindi naman detalyado. Medyo Ikinalungkot ko din noong marinig ko ang isang kwento

