Isabel's POV "Hoy Campus Nerd! Nakasimangot ka nanaman! Kaya ka lalong pumapanget eh. Sabi ko naman kasi sayo, ngiti ngiti din pag may time. Walang mawawala sayo kung ngingiti ka naman. Hahahaha!" Hay nako Cyrus.. Kelan mo ba ko titigilan sa pang-aasar mo? Ang sakit na kaya sa tenga! Gusto ko sanang sabihin kaya lang nasa class room kami.. Lahat ng kablock naming babae, nakatingin sakin ng masama.. Kung nakakapatay lang ang tingin, baka kanina pa ko patay.. Kanina pa kasi ako inaasar ni Cyrus.. Simula ng dumating siya hanggang ngayon hindi niya pa rin ako tinitigilan.. Hayssss! Pero kung titignan mo kami sa malayuan, hindi mo mapapansing nang-aasar si Cyrus.. Parang nag-uusap lang kami.. Hindi naman kasi siya ganon kalakas mag salita.. Kaya siguro kung anu-ano nanaman iniisip ng mga baba

