Aliyah's POV "Hubby.. Saan ba tayo pupunta?" "Secret nga. Wag kang makulit.." 'Di na lang ako sumagot kasi hindi nanaman sasagutin yung tanong ko. Ayaw kasi sabihin ni Cyrus kung saan kami pupunta. Ewan ko ba dito. May pasecret secret pang nalalaman. Ayaw pang sabihin ngayon. Kinakabahan lang ako sa ginagawa niya eh. Malalaman ko rin naman mamaya kung saan. Ano bang pinag kaiba kapag sinabi niya sakin? Wala naman. Kainis! Tumingin na lang ako sa bintana kasi naiinis lang ako. "Wag ka kasing excited. Malalaman mo rin naman mamaya kung saan tayo. Basta promise ko sayo, magiging masaya tong araw na to." Napangiti ako. Magiging masaya daw tong araw na to? Bakit? Ano bang meron sa araw na to? Nakakacurious naman kasi eh. Hmp! Nag park si Cyrus sa parking lot ng isang mall. "Seriously, sa

