Nagyakapan lang kami sa harap ng bahay. Di ko alam kung gaano katagal pakiramdam ko na kalutang ako. Yung feeling na nandito na sya sa tabi ko, namiss kong yakapin sya ng ganito kahigpit "I miss you so much Ayen" bulong nya sa tenga ko. Hinampas ko sya sa dibdib "Kainis ka! Lagi mo nalang akong pinaghihintay" Umiiyak na sumbat ko sakanya. Hinuli nya ang aking mga kamay at niyakap ako. Naramdaman ko ang pagdampi ng malambot nyang labi sa noo ko. "Im so sorry baby. I'll explain everything later okey?" I nod my head. "Daddddddy!" Rinig kong sigaw ni Zayne. Inalis ko ang yakap ko kay Zeke yumuko sya para salubungin ang yakap ni Zayne. "Princess!" Naka ngiting niyakap ni Zeke ang anak nya. Nanunubig ang aking mga mata sa aking nakikita. Humikbi si Zayne. "I thought you will never co

