Basang basa na ako sa ulan ngunit di pa rin ako binabalikan ni Zeke. Magdidilim na ang paligid. nilalamig at gutom na gutom na ako. Galit ako, galit ako kay Zeke dahil sa ginagawa nya saakin. Wala syang puso! Sagad hanggang ngalangala ang kasamaan nya Sino bang mabuting tao ang iiwan ang isang babae sa gitna ng ulan? Gustuhin ko mang umuwi di ko magawa dahil napaka layo ng lugar na ito sa bahay ni Zeke. Naiyak nalang ako sa itsura ko ngayon, para akong baliw dahil sobrang gulo ng aking buhok. Napasinghap ako ng may tumigil na pares ng sapatos sa harapan ko. Tumingala ako para tignan kung sino. Pakiramdam ko parang tumigil saglit ang pag ikot ng mundo ko. Seryoso ang mukha nyang naka tingin saakin. Hinubad ni Zeke ang suot nyang jacket at ipinatong sa nilalamig kong katawan. Hinil

