"Ma'am tapos na po lahat ng cupcakes na pinapagawa nila. Kayo nalang po ba ang mag dedeliver?" Napalingon ako kay Kaycee na nasa pintuan ng opisina ko. Nakalimutan ko na ngayon pala yung orders ng Frontview company. Sa sobrang dami ng iniisip ko muntik ko ng malimutan ang trabaho ko. "Bakit ba nandyan ka? Pumasok ka nga dito" natatawang sambit ko Napakamot pa ito ng batok bago pumasok "Paki sabi kay Calvin iready na lahat ng cakes at cupcakes. Siguradin nya kamo na tama ang pagkakalagay sa sasakyan" Tumango ito bago lumabas so far okey naman ang pagtatrabaho ni Calvin alam ko na medyo mahihirapan sya dahil hindi naman ito ang trabaho na naka sanayan nya. Kung pwedi ko lang tulungan na mabawi lahat ng kinuha sakanya ginawa ko na. Wala talagang kasing sama si Zeke! Nag ayos ako bago l

