*Alex Pov*
Sobrang saya ko ngayong gabi na finally yung pinapangarap ko lang dati ay natupad na ngayon at dahil yun kay lucas. dati ko pa talagang gustong pumasok at matikman ang masasarap nilang pagkain dito.
Pangarap ko ding makagawa ng isang masarap na dish. gaya ng chef dito balita ko may sarili syang istilo at technique sa pagluluto kaya nagugustuhan at binabalikan talaga ng mga tao dito ang mga pagkain nila kahit may kamahalan ito.
balita ko din hindi purong italian ang chef dito may dugo din daw itong pilipino. kaya ako magsisikap talaga ako para makaipon at makapagtayo ng sarili kong restaurant.
"Good Evening Sir, maam. Do you have a reservation? - tanong samin nung waiter pagkapasok namin.
"Yes, reservation for Mr. yap please. - sagot ni lucas. habang hawak nya ang kamay ko na naka angkla sa braso nya.
"This way sir. - sinundan naman namin yung waiter.
"mukhang hindi mo pinaghandaan to ah! di ko alam ganito pala ka bongga ang bestfriend date na sinasabi mo. mahirap kaya magpa reserve dito! at ang mahal mahal pa! -bulong ko sa kanya.
"It's ok bes! It's worth it naman and you deserve this, okay? about that reservation buti nalang may nag cancel na customer dito kaya na swertehan ako. - he said while smiling at me.
"Just relax alex, don't think to much!ako nalang tignan mo at wag na ang mga ibang tao para mawala yung pagkailang mo. - sabi nya na pansin nya ata akong nakatingin sa mga nandidito. lahat kasi talaga puro sosyal. at di ako nababagay dito. di ko kasi mapigilan ma concious.
"Hey?! - untag nya sakin.
"Okay. - tipid na sagot ko sa totoo lang kinakabahan ako. pinaghila nya pa ako ng upoan ng makarating na kami sa table namin.
believe talaga ako sa kakayahan ni lucas. parehas lang kami ng estado sa buhay hindi mahirap,hindi din mayaman yung sakto lang pero sa nakikita ko sa kanya ngayon kaya nyang makipagsabayan kahit saan.
dahil sa dami ng nandito sa menu di ako makapag pili kasi parang gusto ko tikman lahat. gusto ko din kasi pag-aralan yung pagkain nila.
jusko yung simpleng pagkain nila eh libo-libo na yung halaga.
"ikaw nalang mag order, di ako makapili eh! - sabi ko kay lucas. agad naman nya naunawaan ang gusto kung ipahiwatig baka kasi pag ako pumili eh di na kami makalabas dito dahil kulang yung pambayad namin. parang gusto ko orderen lahat eh. tumango sya at agad sinabi sa waiter yung order namin.
"And can you add two glass of red wine please. - pahabol nya sa waiter, tumango naman ito at isinulat ang pahabol na order. nakataas ang kilay kong nakatingin sa kanya.
"Don't worry hindi nakakalasing yun. - agad nyang sabi sakin.
"siguraduhin mo lang! - masama ko syang tinignan pero ngumiti lang sya sakin.
inikot ko yung tingin ko sa buong paligid at manghang-mangha ako sa lugar. kaya no doubt sikat ito.
"I'm sorry about yesterday. - napatingin naman ako sa kaharap ko.
"Ok lang yun naiintindihan ko naman. - ngiting sabi ko sa kanya.
"kamusta na pala si trisha? - di ko mapigilan itanong sa kanya kahit naman inis ako sa babaeng yun eh naawa padin ako sa kanya kahapon. parang ang laki talaga ng dinadala nyang problema.
"Di ko pa alam eh! tinatawagan ko sya kanina di naman sya sumasagot. di naman sya nagsasalita kahapon ng ihatid ko sya. nag-aalala na nga ako eh! - sabi nya. kita ko nga sa mga mata nya. pinili ko na lang manahimik. dapat di nalang ako nagtanong. nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko sa huling sinabi nya.
natahimik kaming dalawa. alam ko naman na si trisha iniisip nya. nakatingin sya sa phone nya habang ako nakatingin lang sa kanya.
kung lalagpas ako sa lugar ng aming pagkakaibigan at susubukan kong ang daan ng pag-iibigan madadapa at masasaktan lang ako at higit sa lahat maiiwan lang ako sa kawalan. dahil alam ko iba ang daang tinatahak nya. ibang pag-ibig ang gusto nya. tulad ngayon kaharap ko sya pero parang ang layo layo nya parin. ok narin to sa anong meron kami ngayon kuntento na ako dahil dito walang iwanan, at hindi sya masasaktan hayaan na ako nalang. susuportahan ko nalang sya sa kasayahan nya.
nabalik kami sa realidad ng pag-iisip ng dumating an yung inorder namin.
"grazie. - lucas said.
masaya akong nakangitin sa mga pagkain sa harap ko,sa wakas matitikman ko na.
I giggled.
"Someone's excited! - he teased. sinamaan ko sya ng tingin. basag trip eh. nagsimula nakong kumain hhhmmm masarap nga. I heard him chuckle. hinayaan ko lang sya,bahala sya basta ako isa-isa kong tinikman yung naka serve sa harap ko.
Ni hindi kami nag-usap ni lucas,eneenjoy lang namin yung pagkain namin. kahit sya nasarapan eh. sana makagawa ako ng ganito kasarap na dish.
"hey?! may.. ahm..nevermind! - biglang sabi ni lucas na di ko naman naintindihan. nagulat nalang ako na may hawak na syang tissue at pinunas nya sa gilid ng labi ko. natigilan naman ako sa ginawa nya.
napansin ko din natigilan sya at nakatingin lang sa labi ko.
"So-sorry di ka kasi nag-iingat eh!- nauutal nyang sabi. magsasalita pa sana ako ng may mga lalaking biglang lumapit saamin na may mga dalang musical instrument. nanlaki ang mga mata ko ng kami yung tinutugtogan nila nakakahiya naman.
napatingin ako kay lucas na nakangiting nakatingin sa akin. base sa mga tingin nya may alam sya dito.
patuloy lang namin pinakinggan yung nanghaharana samin habang umiinom ng wine. sosyal ko ngayon kaloka! sa bagay ngayon lang naman to.
"hey lucas san ba tayo pupunta? - tanong ko sa kanya habang hila-hila ako. kakatapos lang namin kumain akala ko naman uuwi na kami. kaso bago pa man makalabas sa restaurant eh hinila nako nitong kumag nato.
"Basta! - tipid na sagot nya. sumakay kami sa elevator napatingin ako sa mga kamay namin na magkahawak hindi parin nya kasi binibitawan. ito tuloy dibdib ko nag-iingay sa loob. kala mo nagkakarera sa bilis ng t***k.
napabuntong hininga nalang ako. hindi ko alam kung hanggang saan at kailan ko maitatago ang nararamdaman ko.
*ting..
napatingin ako sa pinto ng elevator na unti-unting bumubukas.
"we're here! - sabay hila nya sakin palabas ng elevator. bumungad sakin yung malamig na hangin at nagagandahang tanawin mula sa baba at magagandang mga bituin sa langit.
"rooftop! ano ginagawa natin dito? - pagtatakang tanong ko sa kanya.
"look around diba napakaganda? - sabi nya. Oo sobrang ganda nga. nakakarelax napapikit ako para damhin ang simoy ng hangin.
binuka ko yung mga mata ko,kunot noo akong nakatingin kay lucas. nakalahad lang naman kasi ang isang kamay nya habang nakaluhod ang isang binti nya.
"May I have this dance? - gulat akong nakatitig sa kanya. naaaning naba sya?
"ano ba trip mo eh wa-wala namang togtog saka.. -bago ko man matapos yung sasabihin ko bigla nyang pinatogtog yung phone nya. nerecord nya pala kanina yung nanghaharana samin kanina.
"alam mo bang kanina pa kita gustong isayaw? kaya dinala kita dito dahil gusto ko maisayaw man lang kita bago kita iuwi sa inyo. so, Miss Alex, May I? - nakangiting tumango ako sa kanya at binagay ang kamay ko. kinuha nya isang braso ko at nilagay sa batok nya.
napalunok naman ako ng bigla nya akong hatakin palapit sa kanya. dahil mas matangkad sya sakin dinikit nya yung baba nya sa ulo ko.
hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob ng inalis ko yung braso ko sa batok nya at nilagay ito sa likod nya para makasandal ako sa balikat nya.
para kaming magkayakap habang sumasayaw ng dahan-dahan.
Oh God! I don't know what to do anymore! habang tumatagal lalong lumalalim yung nararamdaman ko.
How to Unlove you lucas?
How do I stop myself from falling in love with you when you are doing this to me? you even treat me like a precious gem, how do I stop loving you, if everytime I see you my heart beat so fast and everytime you hold my hand I feel warm,safe and secure. damn this feelings!
bakit pa kasi ikaw?
paano ako makakapasok sa puso mo lucas kung may iba na nagmamay-ari nyan.
kahit ano paman dito parin ako sa tabi mo, lihim na nagmamahal sayo.
natigil kami sa pagsasayaw ng may biglang ingay kaming narinig.
nagulat kami ng biglang nag fireworks.
"See? this night is our night! - sabi nya. nakangiti kaming nakatitig sa isa't-isa.
yeah, this is our night! what a coincidence na may nagpafireworks at nandito pa talaga kami sa rooftop.
"Thank you! - sabi nya ulit. nagtataka naman akong nakatingin sa kanya. eh dapat sa kanya ako nag papasalamat eh.
"Di ba dapat ako ang magsabi nyan sayo?
"Nope! I should be the one. kasi I feel satisfied? contented? confused? I don't know actually but There's one thing for sure! I'm happy , you make me happy tonight alex. - sabi nya nalito naman ako sa kanya.
"wala naman akong ginagawa ah. -which is totoo naman eh sya nga yung nag surprise sakin.
"I don't know..I..I can't say ba..basta masaya ako na kasama kita ngayon. siguro kasi ahm..ano... ngayon lang tayo lumabas ng ganito diba? - nauutal na sabi nya. kibit balikat nalang ako. sabagay ngayon lang kami lumabas ng ganito ang set up.
tumango lang ako sa kanya at binalik yung atensyon ko sa panonood ng fireworks.
I'd rather break my own heart by not letting him know how much I love him, than telling him and risk our friendship.
I don't want to ruin this Friendship.
I should forget this feelings I have for him.