*Alex POV*
"San kaba pupunta? - tanong ko.
"Basta alis tayo.. hehe samahan moko pasyal tayo.. -nahihiyang sabi nya.
"Pasyal? San naman at ayuko.. wala akong budget ngayon.
"Eehh.. se...sege na bespren.. libre ko. - agad naman ako napatingin sa kanya.. libre daw eh..wala naman akong gagawin..at namimis ko na din tong mokong na to.
"Sege.. basta libre mo ha.. labas kana at maghahanda nako. -sabi ko at agad naman syang lumabas.
Naka black pants ako.. saka white tshirt yung sakto lang hindi fit at naka rubber shoes ako. saka syempre sombrero ko.
"Seryoso dito?? - reklamo ko sa kanya kala ko pa naman sa mall kami pupunta..dito lang pala sa plaza.. naka postora pa kami.. may pa tricycle2x pa eh dito lang pala malalakad lang naman to mula sa bahay.
"Bakit? Maganda naman dito ah.. saka mas mainam na dito kesa don sa mall... pagtitinginan lang tayo ng mga tao tas pagtatawanan ka. - dahilan nya. Nakaramdam naman ako ng lungkot at awa sa sinabi nya.
"Bakit naman ako pagtatawanan? -tanong ko..umupo na kami sa may bench.
"Kasi kasama mo ako.. di kaba nahihiya na may kaibigan kang katulad ko? nahihiya kaba pag minsan ako kasama mo? - tinignan ko sya ng mabuti bakas ang lungkot sa mga mata nya.
*Lucas POV*
"bakit naman ako mahihiya eh bespren kita.. mula pa bata ganyan kana..i mean yung ayos mo. Saka tanggap naman kita kahit ano kapa.. may problema kaba?.. -sagot nya..
Sinabi ko na lahat kay bespren ang nangyari. Pati yung nararamdaman ko kay trisha.
"Gusto mo talaga sya noh? -tanong nya sakin. nginitian ko lang sya.
"Sabagay sino ba naman hindi mag kakagusto sa kanya. Eh ang ganda-ganda naman talaga nya. -dugtong nya. Tama sya kahit sino magkakagusto sa kanya. Halos lalaki doon sa campus may gusto sa kanya.
"Ang hirap maging masaya noh? May gusto ka nga di ka naman gusto. Lahat sila pinandidirihan ako.
"Hindi naman mahirap maging masaya bespren.. may mga bagay lang talaga na kahit gustong gusto mo kung di nakalaan magkagusto sayo di talaga magkakagusto sayo. Hindi lahat ng bagay porket gusto mo eh kailangan gustohin ka din. Kailangan mo lang matotong tumanggap na hindi mo ma cocontrol ang mga bagay bagay.. lalo na ang gustohin ka ng gusto mo. Kung ayaw nya sayo accept it! Move on! - seryosong sabi nya sakin.
"Pero bes gusto ko talaga sya.. mahirap ba akong mahalin? -sabay tingin sa kanya nakatingin pala sya saakin at nagtama ang mga mata namin.
"Hindi.. - tipid na sagot nya sabay iwas tingin.
"Alam mo kasi bes.. di ka magiging masaya kung nabubuhay ka padin sa nakaraan mo. Wag mo sanang masamain sasabihin ko. Alam ko kung bakit ganyan ayos mo dahil umaasa kang babalik daddy mo, yan ang paraan mo para maging proud sya sayo sa pag sunod mo kung paano ka nya ayusan noon. Pero bes ilang taon na ba? Ilang taon kana bang umaasa? Ayuko masaktan ka bes. At kahit sinong ama magiging proud pag nagkaroon ng anak na katulad mo. Nasa ibang henerasyon na tayo ngayon bes. -nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita.. totoo yung sinasabi nya gusto ko maging proud ang daddy ko kahit umalis sya gusto ko pag balik nya makita nya ako na sinusunod ang mga simpleng turo nya sakin..lalo na pano nya ako ayusan. Kung anong ayos nya ganun din akin. Like father like son kung baga. Pero tama nga ata si bespren mukhang wala ng balak ang daddy ko makita kami ni mommy.
"Hoy seryoso nyo..at bakit dito kayo nag de-date ha? - biglang sulpot ni stef, may kasama syang lalaki..
Te..teka date? Di naman kami nag de-date ah.
"Anong date pinagsasabi mo? At anong ginagawa mo dito. Makapulupot ka sa braso ni marco eh daig mo pa ang syota nya. - si alex.
"FYI as in capital F,Y and I! Girlfriend nya ako noh at boyfriend ko sya..right baby? - magyayabang ni stef sabay sandal ng ulo nya sa balikat nung marco.
"Ano? Kelan pa? Di ko nga nabalitaan nanliligaw si marco sayo eh pwera nalang kung ikaw ang nanligaw! - sigaw ni bespren habang nakapamewang. Dinaig nya pa ang nanay kung maka asta tong si bespren. Wala naman akong nakikitang masama kasing edad lang naman namin tong si stef.
"Ahmm..nung nakaraan lang nung iniwan mo kami sa perya.duh! - sagot ni stef.
Tinignan naman ni alex ng masamang tingin si stef.
"Tamang-tama nandito nalang din sila eh bat di nalang tayo mag double date. - masayang suhisyon ni marco ng syang kinagulat namin ni alex.
"Pwede ba marco di kami nag de-date may seryoso lang kaming pinag usapan nitong si lucas. - pag dedepensa naman ni bespren.. bat ba kasi naisip nila yun. Napakamot nalang tuloy ako sa batok ko.
"Kain nalang tayo ng fishball don bespren oh.. - aya ko sabay turo sa may nagtitinda ng fishball.
"Mabuti pa nga..tara.. - pagsang-ayon nya..
*Alex POV*
habang kumakain kami ng fishball may biglang pumarada na kotse malapit saamin.. nakuha nito ang atensyon namin dahil sa ganda at kintab ng kotse,kulay pula.. mukhang kakabili lang ata ng may ari nito.
"Ang ganda ng kotse baby noh? -malanding sabi ni stef kay marco.
"Sino kaya may ari nyan.. - si marco naman nagsalita..
Nakatingin lang kami don sa kotse inaantay kung sino ang bababa sa sasakyan.
Bumukas ito at niluha si..
Si trisha? Anong ginagawa ng bruha na yan dito. Tinignan ko si lucas at ayon gaya ng inaasahan ko natulala nanaman ang mokong.
At mukhang papalapit pa sya dito..
"Diba si..si trisha yan.. kailan pa kayo naging close nyan insan at pinuntahan kapa talaga dito. - anong pinagsasabi nitong pinsan ko.
"Di kami close nyan.. at di ako kailangan nyan. Itong katabi ko. - sabah nguso ko kay lucas.
"Talaga.. lucas pakilala mo naman ako. - singit ni marco.. di naman sya naka ligtas sa pinsan ko at siniko sya.
"Aray ko naman baby.. joke lang naman yun. - pag lalambing nya sa pinsan ko..
"Hi.. - bati ni trisha.
"Ano naman ginagawa mo dito? - pag tataray ko sa kanya.
"Gusto ko lang kasi sana makausap si lucas, and I..i just want to apologize for what happened last time.. galing ako sa bahay nyo.. -sagot nya sabay tingin kay lucas pero tulala padin ito.. kaya siniko ko. "Pero parang walang tao kaya uuwi na sana ako ng makita ko kayo dito.. dumaan nalang ako. Ahmm.. and also I want to talk to you if it's okay? - sabi nya kay lucas.
"W..wala yon..saka wala ka naman kasalan.. - seriously? Yan yung sinabi nya? Eh halata naman ginagamit lang sya nitong babaeng to eh. Sarap din untogin nitong lalaking to eh ng matauhan.
"Can i talk to you.. ahmm i know somewhere.. let's have coffee together.. if it's okay with you? - aba magaling..
"S..sure... le..let's ha..have coffee to...together.. - utal-utal nyang sagot. Halatang kinikilig ang mokong.. Sinamaan ko lang sya ng tingin pero nakapako ang tingin nya sa manggagamit na babae nasa harapan namin.
"Bespren una kami ha..andyan naman si stef. Uwi ka kagad ha. - mabilis na sabi nya sakin.. magrereact pa sana ako kaso mabikis syang naka alis sa tabi ko at sumama sa babaeng malandi nayon.
"Nakasimangot ka jan? - si stef nakatingin nangnakakaloko sakin.
Binaling ko lang tingin ko sa paalis na kotse.
"Iniwan ba naman ako..sumama pa sa malandi na yon! - maktol ko.
Tumingin ako sa dalawa na ngayo'y nakangising nakatingin sakin.
"Problema nyo? - pagtataray ko sa kanila.
"Cute mo mag selos insan. - sabi ni stef na lalong nagpakunot ng noo ko.
"Di ako nagseselos.. pake kung mas gusto nya sumama sa malanding yon! - sigaw ko sabay irap sa kanila at nag walk out nako.
"Di nga sya nagseselos.. - rinig kong sabi ni marco.. diko na pinansin.. mabuti pang umuwi nalang ako.
Mga pangit! Bwesit.
...