Tumatakbo si Vera habang humahalakhak sa tuwa. Niyakap nito ang isang babae, nang Makita ni Caleb kung sino ito ay napa-ungol sya sa kanyang pag-tulog. Mukha ni Salome ang tumambad sa kanya na niyakap ni Vera. "Ikakasal na kami Salome,” masayang balita ni Vera sa babae. "T..talaga? Congratulations!" niyakap ni Salome si Vera, pagkatapos ay niyakap nito si Caleb nang mahigpit at mas matagal kesa kay Vera. Sa harap ng altar ay makalumang seremonya ng pag-aasawa ang nagaganap. Nakatakip ng puting belo ang mukha ni Vera. Nananabik si Caleb na buksan ang belo para mahalikan nya ang kanyang asawa. "I do..." "I do..." Binuksan ni Caleb ang belo. Napaatras sya dahil duguang mukha ni Vera ang nasa loob ng belo. Maya-Maya ay naging mukha ito ni Salome, nakangiti at Masaya. Nagmulat ang mga m

