Vera stepped back, confused, when the people started to approach her. It felt like hoard of shallit is attacking her instead of this kindhearted people who seem to be excited about something she couldn’t understand.
“Prrrt! Atras! Atras po mga meses at mester. Kayo mga bagets…alis… alis dyan…dali…”. Si Gervis na tumalon sa harapan ni Vera at pilit hinahawi ang dumadaming tao sa paligid nya.
“Wag nyo syang takutin!” Si Nabeel naman ang sumigaw na humarang din kasama ni Gervis.
"Bakit sila nagkakaganyan?" Napakapit si Vera sa braso ni Nabeel. Kinabig naman sya nito at itinago sa gawing likuran ng lalaki.
Vera remembered what her father told her.
“Matutuwa sila kapag nakita ka ng mga taga Hebron Vera…”
Ganito ba talaga matuwa ang mga taga Hebron, bakit parang nakakatakot naman? Sa isip-isip ni Vera.
Hindi man lumapit ang mga tao ay nanatili ang mga itong nakatitig sa dalaga hindi kalayuan. Nang masigurong kalmado na ang lahat ay hinawakan ni Nabeel si Vera sa kamay at saka hinatak palapit sa mga elders ng Hebron.
"T...totoo ang sinabi nya na babalik sya..." sabi ng isang lalaki
"Ito kaya ang propesiya ng Zseir kaya walang tigil ang pagsulat nya?" tanong ng isang babae
"Panahon ng pangako..." nasambit ni Raju na parang wala sa sarili habang papalapit si Vera sa kanya.
Rinig lahat ito ni Vera habang naglalakad sya kasama ni Nabeel. Ramdam kaya nito ang panlalamig ng kamay nya sa takot at kaba?
Bigla nahimasmasan ang lahat sa pagsulpot ni Jehu. An elderly man with overpowering personality made way into the crowd. He looks fierce and more scary than the others.
Napahigpit ang kapit ni Vera sa kamay ni Nabeel at saka nagpumilit tumago sa likuran nito.
"Anong pangalan mo anak?" Masuyong tanong ni Jehu. Nagulat si Vera sa lambing ng tinig nito na opposite sa matapang nitong itsura.
"V..vera...Verakah Belen po."
Nagbulungan ang mga nakarinig ng pangalan ni Vera. Lalong nalito ang dalaga.
"Tahimik!" Sigaw ni Raju.
"Ang pangalan ba ng iyong ama ay Gideon?"
Nanlaki ang mga mata ni Vera. Ngayon ay alam na nya kung bakit sila nagkakagulo, dito nga galing ang kanyang ama. Naandito nga ang iba pa nyang kamag-anak.
Mabilis na tumango si Vera, habang naluluha. Muling umingay ang paligid. Sumenyas ng katahimikan si Raju.
Jehu touched Vera’s cheek gently. Gustong mailang ng dalaga pero haplos ng parang sa isang ama ang naramdaman nya dito.
"Gideon..." sabi nito na titig na titig sa kanya.
"Anak ni Yzachar, pinsan mo sya Gervis." sabi ito ni Raju.
“Ayiiii! Pinsan! Sabi ko na kalahi kita eh, kagaya mo Pareho tayong magand…”
PAK! Sapak ni Adda kay Gervis
“Pogi…pogi pala ako at maganda ka!” Niyakap ni Gervis si Vera. The act calmed Vera down.
Pinsan ng ama ni Gervis si Yzachar na mula sa lahi ni Zarte.
"See, mahal ko...proud ka ba sa akin dahil niligtas ko sya?"
"HEEH!" Singal ni Adda na hindi naman pumalag nang niyakap ni Gervis.
“Sya ang surpresa namin sa Iyo pinunong Jehu.” Mayabang na sabi ni Nabeel.
"Verakah ang pinangalan nya sa iyo. Nagpadala si Gideon ng mensahe sa atin..." Nawala ang ngiti ni Jehu na parang may naalala.
"Nasaan ang iyong ama?" tanong ni Raju kahit alam na nya ang sagot dito. Naalala nya ang mission na binigay nya mismo kay Gideon at sa hukbo nito halos dalawang dekada na ang nakararaan.
Ang alam nyaý nabigo ang magaling na Jabezzite warrior. Yun pala ay iba ang tinakdang tadhana dito ni Yswah. Umiling si Vera bilang pagsasabi sa sinapit ng ama. Tumango si Jehu saka bumuntong hininga.
"Verakah..." muling sinambit nito ang pangalan nya
"Dugo ng pinagpala..." Jehu said the meaning of Vera’s name. Vera remembered how her father used to say the same thing.
"Isa kang pinagpala Vera, tandaan mo yan!" Sabi ni Gideon.
Ngayon ay naniniwala na sya. Ngumiti si Vera kahit lumuluha na sya.
I'm home... I'm finally home. Iyak ng puso ng dalagang sobrang saya.
Noon biglang sumagi sa kanya ang mukha ng among bampira. Kumirot ang kanyang puso. He is your home, sabi ng munting tinig. Mabilis din namang nawala at naglahong parang bula ang alaala ni Caleb sa isip ni Vera dahil sa dami ng nagaganap sa kanyang paligid.
"Pagpahingahin sya at pakainin. Bukas ay aakyat ako sa lugar ng mga Zseir, kailangan nating malaman kung ano ang nakikita nya sa ating kinabukasan." Sabi ito ni Jehu.
Agad namang nilapitan si Vera ng mga kamag-anak ni Gervis at nagpakilanlan sila.
“Vera, ako si Adda ang mapapangasawa ni Gervis. Magiging magpinsan na tayo…”. Sabi nito.
“Tumpak! Welcome sa lahi ng mga magaganda at gwapo, my love!” Umirap lang si Adda kay Gervis na umilag sa pag-aakalang masasapak na naman sya. Natawa si Vera.
"Isa lang ang ibig sabihin nito, nagbalik si Helen, nagbalik si Helen para kay Caleb..." sabi ng isang babae sa hindi kalayuan.
Napatingin si Vera kay Nabeel, nagtatanong. Umiling lang ito. Hinawakan ni Rebekah, na ina ni Gervis, ang pamangkin.
"Halika, sa bahay ka matutulog at magpapahinga ngayong gabi."
"Salamat po."
Yun lang at hinatak na sya ni Rebekah para umuwi.
******
Caleb is instantly on his feet as soon as he wakes up. He suddenly felt fine after a long rest. All he can remember is that he felt sick, not physically but mentally and emotionally. It’s like he is depressed for a long time and now he is fine.
He thought that the guilt for what he did to his new slave overwhelmed him somehow. He behaved weird that day and he swore to himself that it would not happen again.
“Revin!" bulong lang ang sinabi ni Caleb pero agad bumukas ang pinto at pumasok ang rafang naglilingkod sa binata.
"Panginoon..." Yumukod ang rafa
"Umuwi na tayo..."
"Sige po, ipapa-ayos ko na po ang mga karwahe.” Tuwang-tuwa si Revin dahil mukhang maayos na ang among bampira.
"Ilagay mo sa karwahe ko ang aking bagong markado…"
Caleb couldn’t wait to see her again. He knew that he has to be careful around her though, so as not to get carried away with his selfish desire for her.
Natulala si Revin sa utos ng amo. Hindi sya makapagsalita.
"Anong problema?" Biglang kinutuban si Caleb nang hindi maganda.
"Ang sabi po ni...Nalason nya po kayo...kaya..."
"Hindi nya ako nalason Revin, hindi ko lang kinaya ang pagpasok ng sariwang dugo sa aking sistema...at naparami ang aking ininom...Nasaan sya?" Caleb spoke fast, suddenly tensed and in panic. Ngayon lang nakita ni Revin na nawala sa composure ang kanyang amo.
“P..paumanhin panginoon...napunta po sya sa karwahe ng mga ulila..."
"Hindi!" Dumagundong ang boses ni Caleb, inalala nya ang mukha ng babae, ang napakagandang mukha nitong nagbibigay nang kakaibang saya sa kanyang damdamin. Ito ang dahilan kung bakit nasurvive nya ang pagkamuhi sa sarili matapos nyang halos patayin ito sa pagsipsip ng dugo.
His desire to see her again is his only source of strength, until now that he learned what happened. The idea of not being able to see her again, ever, put so much fury and pain in Caleb’s dead heart.
Nanlisik ang kanyang mga mata na kung pwede lang ay patayin na nya si Revin sa ginawa nito.
“B..bakit mo ginawa yun nang hindi ko inuutos?!?” Kinabig ni Caleb sa leeg ang rafa, nagngangalit ito sa sobrang poot. Hindi makapagsalita si Revin, pilit kinalma ni Caleb ang sarili knowing that Revin did not act on it alone.
"Salome!"
Napapikit si Caleb, tiim bagang bago binitiwan sa pagkakasmal nya si Revin.
"P..patawad panginoon..." yumukod si Revin, totoo, sising-sisi sya.
"Kailan pa?!?” Nakakuyom ang palad ni Caleb, nagtitimping sumabog muli ang galit na naiipon sa naninigas nitong panga.
Revin, despite his fear, told Caleb about what happened to his slave and how they were attacked by shallits on their journey to Tavach.
“B..baka po wala na sya o isa na ring shallit.”
Narinig nyang kakaiba ang angil ni Caleb. Ngayon lang nya nakita kung gaano ito kagalit.
"Bakit hindi mo sinasabi sa akin agad?!?”
"Hinang-hina kayo, panginoon...i...sang lingo na kayong tulog lang ng tulog."
"Ano?!?" Imposible? Gising ang bampira sa gabi. Hindi makapaniwala si Caleb sa narinig. It felt like he has only been sleeping for a day. What happened to him?
"Nag-aalala na po si Salome sa inyo, pero hindi ko sinabi ang inyong totoong kalagayan."
Sa narinig ay kumalma ng konte si Caleb.
"Mabuti. Keep it that way!" Ayaw ni Caleb na makialam si Salome sa susunod nyang gagawin.
"Magmadali ka, hanapin natin ang aking pagkain."
"P...pero nakumpirma ko po na wala na talaga..."
Revin visited what remains of the attack that happened the day that he heard the news. Halos puro buto at luray na laman na lamang ang mga naroroon at mangilan-ngilang mga shallit na paikot-ikot.
"B...buhay pa sya Revin, nararamdaman ko ang lasong nilagay ko sa kanyang dugo."
Revin understood. Whenever his marked slaves died, he could also feel it in his blood. As if a part of him died as well once the poison in his dead slave is gone.
Bago pa nakasagot si Revin ay mabilis nang nakalabas ng silid ng hotel ang lalaking amo. Tarantang sinundan naman ni Revin ang sheik.
Dalawang gabi bago narating nila Caleb at Revin ang lugar kung saan na-ambush ang mga karwahe.
Ilang rafa ang natagpuan nila sa paligid.
"Nasaan ang mga biktima?" Tanong ni Revin
"Nasalansan na po namin doon..." tinuro ng rafa ang mga nagkalat na mga buto at bangkay na buhay at naging shallit pero lasog-lasog na at hindi na makaatake.
"May hinahanap kami... isang... babae..." napatingin si Revin kay Caleb. How will he describe the marked slave without offending Caleb. Sobrang bango at kaakit-akit na babaing paglalawayan ng kahit sinong bampira. Revin regretted what he did to her but then, did he have a choice?
"Siguro po ay makikita nyo sya sa mga nakasalangsang basura doon." Sabi ng rafa.
Tumigas ang anyo ni Caleb. Huminga ito nang malalim. isang expression na nakaugalian na nya kahit wala naman talagang hangin ang kanyang hininga.
"Hindi na kailangan, wala roon ang hinahanap ko." Sabi ni Caleb saka ito lumipad sa ere pa-akyat sa di kalayuang mataas na batong naroroon.
Revin still could’t fathom how Caleb can fly when their kind can just jump high. Tumalon si Revin sa tabi ni Caleb.
"Alam kong pamilyar ka sa amoy nya Revin. Sa mga bangkay na naririto, nalalanghap mo ba ang samyo nya?"
Pumikit si Revin, naalala nya ang amoy ng babae, naglaway ang kanyang bibig. Ah, ano ba ang pangalan nya? Bakit ba hindi ko inalam?
"Wala nga po sya dito."
"Naandito ang amoy nya Revin, doon sya tumungo." Sa kabilang direksyon nakaharap ang bampira. Nilanghap ni Revin ang hangin. Naandoon nga pero napakahina na ng amoy nito, natatabunan ng baho ng mga nabubulok na shallit.
"Nakaligtas kaya sya panginoon?"
Hindi kumibo si Caleb, lumipad lang muli ito at nanatili sa ere. May ibang naaamoy si Caleb, pamilyar na amoy na hindi alam ni Revin. Amoy ng Jabezzite warriors na nakahalo sa amoy ng markado nyang pagkain.
This gave Caleb hope. More than anyone, his marked slave is safe with Jabezzite warriors. The idea of his marked slaves being abused by just anyone, in any way or form, infuriated and worried him. Caleb flew towards the direction where he could smell the familiar scent he is hunting. Revin followed running and jumping behind him until the sun started to descend and the first ray of light peeks in.
"Panginoon?" tanong ni Revin.
Umangil na naman si Caleb. Naiinis sya, ayaw nyang huminto. He isn't even tired. This is rare considering that vampires are almost dead in the morning.
Caleb saw how Revin is losing his energy, he cannot continue the journey any longer.
"Dito na tayo hihinto."
"H...ho?"
"Wala na tayong oras makahanap ng masisilungan..."
"P..pero..."
Bumaba sa lupa si Caleb, mabilis itong naghukay dito.
"Bakit Revin, masyado ka na bang naging sanay sa luho at yaman na hindi ka na pwedeng muling mahiga sa ilalim ng lupa?"
Yun lang at sumuot na si Caleb dito para magpalipas ng maghapon.
******
There it is again, the woman running over the hill and Caleb running after her, excited and happy. Binilisan nya ang takbo hanggang sa mahawakan nya ang babae sa maliit nitong baywang. She pushed him on the ground and they rolled over and over down the hill laughing wildly. Humahampas kay Caleb ang mahaba at kulutang buhok nitong naglalabas ng kakaibang halimuyak. Sa isang iglap ay nasa paanan ulit sila ng burol, sa gitna ng mga bulaklak na ligaw.
He saw the woman’s face, the face of his marked slave. Nang pumaibabaw ito sa kanya ay napalitan ang suot nitong damit na bulaklaking bestida ng isang hapit na saplot na tila gawa sa balat ng hayop. Sapat lamang ang tabas ng damit para matakpan ang mayaman dibdib ng dalagang kayakap. Maikli naman ang palda nitong tumatakip sa makikinis na hita habang may boots itong hanggang binti na yari din sa isang organic na material. Sa ulo ay may headgear ang babaing tumatakip sa noo nito.
Caleb’s clothes matched those of the woman’s, both are Jabezzite warriors after all. The woman laughed while kissing his ears. Musika sa pandinig ni Caleb ang malakas na tawa ng babae.
"Huli ka..." sabi ni Caleb sa dalaga.
"Talaga?"
Biglang hinalikan ng babae si Caleb sa labi, matagal ang halik, sobrang init nito. Sabay tayo ng babae at takbo ulit paakyat sa burol.
Tumayo si Caleb pero napakabagal ng kanyang pagkilos. Nag-iinit pa rin ang kanyang katawan. Init na buhat sa halik ng magandang babae. Lalo tuloy nag-apoy ang kasabikan nya dito. Nang nawala ito sa paningin nya ay pilit binilisan ni Caleb ang pagbangon para hanapin at muling habulin ang babae.
Hintay...wag kang aaalis! Caleb shouted after the running woman anxiously. Fear suddenly entered his mind and the idea of losing the woman again puts him in painful despair.
Then a burning sensation suddenly hits him hard in the stomach that Caleb fell on the ground unable to climb the hill. A burning liquid is flooding his throat.
"Akkk.... Grrakkk!" Sumuka si Caleb, gaya dati ay likidong kulay itim na berde ito.
He saw Revin sleeping not far from him. Still tired, Caleb covered his stinky vomit with dirt from the ground. It smells worse than the shallit's stink. He knew that it is still daytime, yet he is wide awake. Impossible! It’s because of the pain, I need to vomit it away, he just explained to himself.
Muling pinikit ng bampira ang mga mata. Inalala ang halik ng babae sa kanyang mga labi. Pakiramdam nya ay totoong-totoo ang lahat ng napanaginipan nya. Hindi man ay gusto nya itong maging totoo.
I need to see her... I must see her again! sabi ni Caleb sa sarili nya. Kahit anong mangyari, kahit saang lupalop ng impyerno ay desididong hanapin ni Caleb ang markado nyang pagkain. Kahit ikamatay pa nya ito.
Caleb couldn’t wait for the sun to go away. Darkness will ease his worry. He is on the edge thinking that his blood will burst anytime, signifying the death of his marked slave. It feels like he is waiting for his death too and this thought is driving him crazy.
To calm himself down, he tries to remember the face of the woman who touched his cheek lovingly. Why did i leave you behind? Caleb couldn't forgive himself somehow. Dapat ay pinauwi na ni Caleb ito agad sa kanyang Villa, kasama ni Revin, nakialam tuloy si Salome.
Then he saw Salome’s face in his mind. She looked different somehow, very young and innocent.
"Caleb...Caleb..." Umiiyak ito, duguan ang katawan. Near her on the ground, a young girl is cradling his marked slave, bleeding and dying.
"Hindi!!!!" Napaluhod si Caleb dito.
"C...caleb mahal...kk...ko..." Lumabas ang maraming dugo sa bibig ng kanyang markado. Niyakap ni Caleb ang babae, habang hinaplos naman nito ang kanyang pisngi. Yun na naman, nakita ni Caleb ang sobrang pagmamahal sa mga mata nito.
"Hindi ka aalis, hindi mo ako iiwan..." Caleb is sobbing but his marked slave just smiled lovingly at him.
"P..paalam mahal ko...hihintayin ko ang..." Biglang napuno ng matinding emosyon ang mga mata ng babae. Lumabas lalo ang maraming dugo sa bibig nito.
"C..caleb..." pumikit saglit ang babae, nang magmulat ay may determinasyon sa mga mata nitong nakatingin sa kawalan.
"Babalik ako!" Mariin at buo ang pagkakasabing ito ng babae. Saka ito tumingin muli kay Caleb. Lumambot ang itsura nito, naging maamo.
"C..aleb mahal ko..."
"Ate...ate..." umiiyak ang batang babaing nasa tabi nito.
Tumingin ng matalim ang babae sa kawalan, napuno na naman ng emosyon ang mga mata nito.
"Babalikan kita!" Mula sa pisngi ni Caleb ay ibinaba ng dalaga ang kanyang kamay sa tiyan ng batang katabi, at saka ito naputulan ng hininga.
“HINDI!"
Biglang bumalikwas ng bangon si Caleb, para syang nauubusan ng hangin sa baga gayong wala naman syang hininga. Meron din syang dugo sa mga mata.
Caleb saw Revin staring at him intently.
"K..kanina ka pa gising?" Tanong ni Caleb nang mahimasmasan at ayusin ang sarili.
Revin nodded, still wondering why it took a while for the sheik to wake up. Umuungol ito na parang nananaginip. Imposible, hindi nananaginip ang mga bampira.
Mabilis na tumayo si Caleb.
"Halika na, naghahabol tayo ng dilim..."