Pagsuway, ito ang unang kasalanan nang kainin nila Eba at Adan ang prutas ng puno na magtuturo sa mga tao ng kaalaman patungkol sa mabuti at masama. Ang akala ng marami, murder ang pangalawang kasalanan ng tao nang patayin ni Cain ang kapatid nyang si Abel dahil mas pinaboran ng Diyos ang alay ng huli kaysa sa una. Pero ang totoo, inggit, inggit ang unang kasalanan ng mga tao, dahil nainggit si Cain sa pagpabor ng Diyos sa alay ng kanyang kapatid at nainggit sina Eba at Adan sa isiping pwede rin silang maging Diyos kapag kinain nila ang bawal na bunga. Gaya nila Cain, Eba, at Adan, inggit din ang nagtulak kay Salome para gawin nya ang mga ginawa nya higit limang daang taon na ang nakararaan. Sakay sa karuwahe ay nag-aapoy pa rin sa galit si Salome. Ayaw nyang isipin ang mga nangyari noon

