DIYOS NG MGA BAMPIRA

2645 Words
One attendee raised his hand.  Myls nodded to acknowledge him. "Anong mangyayari kapag nalason ang bampira ng dugo ko?  "Ikababaliw ng rafa ang dugo mong may lason at mawawala ito sa sariling isip hanggang pwersahan na itong iinom ng dugo ng ibang markado.  Uunahin nya ang pamilya mo sa galit sa ginawa mo sa kanyang paglason. Pagkatapos noon ay magiging rufus na ang rafa dahil sa iba't-ibang lason ng dugong humalo sa dugo nya.” So that’s how rafa mutates into crazy Rufus, the audience thought to themselves. "Alam naman ng rafa kapag may lason ang dugo na nainum niya, malalasahan nya ito at iluluwa kaagad. Kaya hindi namimilit ang mga rafa na pwersahing inumin ang mga tao. Kailangan ay kusang nagpapa-inum ang mga tao sa kanila bago nila ito markahan."  "Alam pala ng rafa ang tungkol sa lason, bakit dumami pa rin ang mga rufus?” Doon pinaliwanag ni Myls ang treaty of Avlam. "Magulo noong wala pang treaty, paubos ng paubos ang mga tao. Ang daming rafa na nag-aagawan sa pagkain kaya naging rufus ang iba sa kanila. Habang ipinatutupad naman ang treaty ay may mga ilang rafa na naiinip hintayin ang paglaki ng mga bata para sa bagong henerasyon ng mga tao, nagrebelde ang iba sa kanila. Inatake nila ang mga tao at hindi na nila ginalang ang kanilang mga sarili, nagsalo sila sa iisang pagkain, hinayaang dumami ang lason sa kanilang katawan, kaya yun nagkaroon ng mga rufus. Hindi dapat nagsasalo ang dalawang rafa sa iisang pagkain, hindi pwedeng maghalo ang pareho nilang lason sa iisang katawan o magsalinan sila ng dugo ng isa't-isa habang nasa proseso sila ng pagkain.” Maya-Maya ay may lumabas na bagong video sa malaking screen, isa-isang pinapaliwanag ni Myls ang kwento sa likod ng mga nangyayari sa video. "Libong taon na ang lumipas ng huling pagharian ng mga tao ang mundo. Dumating ang panahon na natapos ang siglo ng tao at nagsimula ang siglo ng mga bampira. Ang totoo, wala na dapat tayo sa mundo. Nagkaroon ng napakaraming sakuna, delubyo at nakamamatay na sakit ang daigdig na naging dahilan ng kamatayan ng maraming tao at pagkasira ng iba't-ibang bahagi ng mundo. Pero isang nilalang na may mabuting puso ang nagligtas sa sangkatauhan, kaya naman tinuring na natin syang diyos nating tagapagligtas. Binuo nya ang mundo at ginawa itong isang pamayanan. Tinigil nya ang gyera sa pagitan ng mga tao, sya ang nagbigay sa ating mga ninuno ng kapayapaan at paraisong matatagpuan lamang sa ating mundo.” May lumabas na larawan ng isang lalaking napaka-gwapo at matipuno. Kaakit-akit ang itsura nito na parang sa isang anghel. Nagbulungan ang mga tao, na-excite sa pinanonood. "Sya si Kein, ang diyos ng mga bampira.” Nagtanguan ang mga tao na para bang alam na nila ang sinasabi ni Myls, walang kamalay-malay si Vera tungkol sa mga bampira at sa kwento ng pinagmulan nila. "Si Kein na rin ang ating diyos, gaya ng mga bampira ay immortal sya, pero hindi sya bampira, higit pa sya. Wala syang vulnerabilities na kagaya ng sa mga bampira. Sa pag-iikot ni Kein sa mundo ay nakita nya ang kasamaan ng mga tao. Wala daw tayong pagpapahalaga sa buhay ng isa't-isa kaya namili sya ng mga taong karapat-dapat lamang mabuhay. Tinuruan nya ang mga ito para mabuhay ng marangal. Pero palaging namamatay ang mga taong tinakda ni Kein para ipangalap ang kanyang mga turo.” Naglabas ulit si Myls ng isang larawan ng lalaking nasa late 40's ang edad pero matikas at kagalang-galang ang itsura pati sa suot nitong damit na parang sa isang sinaunang pari. "Sya si Caiphiaz, ang unang immortal na ginawa ni Kein. Sa wakas ay nakakita na rin sya ng pinunong pwedeng turuan nyang maghari sa mundo. Si Caiphiaz naman ang ama ng mga royal blood vampires."  Naglabas ng apat na larawan si Myls sa screen. "Sila ang royal vampires na mga anak ni Caiphaiz. Sina Khandiz, Lekan, Azem, at Yzami. Si Khadiz ang namumuno sa Silangang bahagi ng mundo kung nasan tayo ngayon. Sya ang namamahala sa pagpapalago ng mga tao. Sya ang may akda ng treaty of Avlam na syang nagbibigay proteksyon sa atin laban sa masasamang elemento. Kung di dahil sa kanya ay ubos na ang mga tao sa mundo. Kaya Malaki ang utang na loob natin sa kanya. Ang pagiging markadong pagkain natin sa kanila ay isa lamang maliit na sakripisyo.” Itinuro ni Myls ang pinakabatang lalaking royal blood. "Si Azem ang namamahala sa Kanluran, sya ang nagpapatupad ng kapayapaan laban sa mga kaaway ng tao at kaaway ng mga bampira. Isa syang magaling na mandirigma. Halos lahat ng rafa na nagbabantay sa ating mga komunidad at namumuno sa lupon ng Laabtha ay galing kay Azem.” Ang sumunod na tinuro ni Myls ay ang pinakamatanda pero magandang lalaki pa rin. "Si Lekan ang namamahala sa mga pagkain ng tao na sa Timog ginagawa. Naandoon ang pabrika ng mga prosesong pagkaing dinadala sa mga community natin araw-araw. May natira ding mga kagubatan at sakahan doon na may mga halamang tumutubo kahit walang ulan, lupa, at araw. Si Lekan ang nagsisigurong nababayaran ang pamilya natin ng pagkain kapalit ng pagbebenta ng ating dugo.” Sa huli ay tinuro ni Myls ang magandang babaing royal blood. "Si Yzami, ang namamahala sa makabagong teknolohiya ng mga bampira. Napansin nyo naman kung gaano ka-high tech dito sa Kamara. Ang teknolohiya na iyan ay para lamang sa mga bampirang may dugong bughaw at matataas na uri. Sa ganitong paraan ay kaya nilang i-monitor ang mga tatak natin, lahat ng data information patungkol sa atin, at malagyan din ang tatak natin ng mga credit points na kailangan natin at ng pamilya natin para makipagkalakalan. The audience is in awe of their new learnings.  Even Vera started to understand and get swayed.  So, hindi pala masasama ang mga rafa, gaya ng tinuro sa kanya mula pagkabata nya.  Maya-maya ay dumilim na ang screen. "Si Kein bilang dyos, ay may kaisa-isang bugtong na anak na si Caiphiaz. Mula kay Caiphiaz ay lumabas ang apat na royal bloodline. Mula sa apat na royal bloodline ay lumabas ang mga sheiks. May mga levels ang sheiks, unang level ang mula sa royal blood, at pangalawang level pataas ang mga sheiks na gumawa pa ng bagong sheiks. Mula sa pagiging royal blood at sheiks ay lumalabas din ang mga rafa. Gaya ng mga sheiks ay may first level rafa and so on and so forth. The more mababa ang level, the more malakas ang power at malaki ang yaman ng isang bampira.” Myls showed different physical appearances of various rafas and sheiks.  Vera now understands why there are hideous looking vampires and those who are not.  Their appearances vary depending on their level.  Royal blood vampires look like angels, sheiks look like god and goddesses, and some rafas look pretty decent except for their black and sharp teeth. All of them have translucent skin and bloody eyes, though. "Pwede ba kaming maging sheik?" may nagtanong na isa. Ngumiti si Myls. "You wish. Wala pa akong kakilalang taong naging sheik, kahit ang rafa ko ay hindi alam kung anong criteria at kung paano magiging sheiks. Pero keep dreaming, who knows baka isang sheik ang nakabili sa inyo. Kapag rafa kasi, imposible ka nang maging sheik pa. Pero kung sheik ang bumili sa inyo, kahit lower level, pwede nya kayong gawing sheik din. Kung paano eh walang nakakaalam. Mga royal vampires lang ang may alam.” Myls passed through Vera’s isle, saw her bracelet, and looked at her from head to toes.  Then the marked slaves breathed in something near Vera that for a brief moment, worm-like bumps moved around Myls skin.  They disappeared as soon as the marked slave stepped away from Vera. "Ano naman ngayon kung Sheik ka o rafa, dugo lang naman sa katawan ang kaibahan nila.” “Pati itsura, tingnan mo nga.  Nakakatakot ang ngipin ng mga rafa…” The audience is talking among themselves. “Well, parang pinanganak lang naman na may gintong kutsara sa bibig ang isang Sheik. Yaman, lakas, kapangyarihan, respeto, at kasikatan sa society ang taglay ng isang Sheik. Ang mga rafa ay alipin rin lang ng Sheik, kaya tayong mga markado ay alipin lang ng isang aliping bampira.” The audience nodded their heads in understanding that there’s a hierarchy that they need to know about the vampires. "Anong dapat naming gawin para maging rafa kami" tanong naman ng isa.  Alam ng mga taong hindi lahat ay ginagawang immortal ng mga bampira.  “Depende kung gaano katindi ang sire bond ng amo mo sa iyo na ayaw ka nyang mamata.  Basta before 27 year-old mong pagkabuhay ay mag pag-asa ka pang maging imortal pero pag lampas ka na, ibig sabihin ay hahayaan ka nyang mamatay ng natural death.  Hindi gumagawa ang mga rafa ng sobrang bata or matandang bampira.  Gusto nila ay prime at fresh ang mga immortals." Then Myls stopped talking for a while as if thinking of something important. "Now here is the ugly part. Kapag kayo ay markado na, sisiguraduhin nyong walang rufus ang makakakagat sa inyo. Gaya ng mga bampira, bawal sa ating mga tao ang maraming uri ng lason mula sa kagat ng bampira. Ito ang magiging itsura nyo.” Naglabas si Myls ng larawan ng rufus na may tila ulong lumalabas sa tyan. Nanlaki ang mga mata ni Vera, yun ang nakita nyang palaging sumusugod sa community na dati nyang tirahan. "Bakit ganyan ang tyan nila?"  The crowd became noisy talking among themselves. "Ang mga markadong hindi pa bampira ay ginagapangan ng lason sa katawan nila mula sa kanilang among rafa. Kapag nagugutom na rin ang markado sa dugo, pilit gustong lumabas ng lason sa balat ng markado. Kaya parang may mala-uod na bukol-bukol na lumalabas sa aming balat.” Myls eyed Vera briefly, Vera avoided the marked slave’s eyes. “Kapag ang lason ng markado ay nahaluan ng lason ng rufus, magiging marked rufus sila na may ulo sa tyan.  Pinagsama-samang lason itong namuo sa isang markadong pinagsaluhan ng mga rufus.  Kung tao kang kakainin ng rufus, uubusin nito ang dugo mo at mamamatay ka.  Pero kapag markado ka na, hindi ka mamamatay - magiging markadong rufus ka." The crowd shuddered in fear when Myls showed another video of marked rufus and rufus.  Though they looked similar, the marked rufus appeared in greater decay especially the head coming out of their stomach. Biglang bumukas ang pinto ng silid, sumungaw ang isang markadong lalaki. "Myls, nasa kabilang kwarto ang mga ulila…" Sabi Nito. “Hmmm…ang bango naman dito.”  Dagdag ng markado na naamoy ang silid.  Umikot na dito ang amoy ni Vera. “Of course, lagi naman akong mabango.”  Myls is obviously flirting with the marked slaves. “Sige susunod na ako…”  sabi pa nito sabay hagikhik. "Speaking of mga ulila. Posibleng maging ulila kayo kung mamamatay ang inyong mga rafa o Sheiks nang hindi pa kayo nagiging ganap na bampira."  Muling nag-ingay ang mga taong nakikinig, interesado sa topic. "Alam naman nating lahat na walang kamatayan ang mga bampira pero sabi ko nga sa inyo si Kein ay walang vulnerabilities. Pero ang mga bampira kahit ang mga royals ay tinuturing nating mga nilalang ng dilim, kaya sa gabi lamang sila nalabas at masama sa kanila ang matamaan ng liwanag na nagmumula sa araw."  Patuloy ni Myls.  “Maliban sa araw ay wala naman nang reason para mamatay pa ang amo namin di ba?  Hindi sila masasaktan ng kahit anong weapons" “Nasasaktan pa rin sila at nasusugatan pero they heal fast, fix their bodies, and regenerate.  Dugo nyo lang ang kailangan at Mabilis silang gagaling.” "Sa umaga lang talaga mahina ang mga bampira..." sabi ng isa  "Sa digmaan din." Wala sa sariling sabi ni Myls. "May nakikidigma sa mga bampira?" Gulat na gulat ang mga tao. "Oo, ang mga taong liwanag..." sagot ni Myls. Nag-init ang tenga ni Vera sa narinig.  Bigla syang naging alerto. "Mga taong liwanag?" tanong nga mga tao roon, halatang ngayon lang nila narinig ang tungkol dito. "Hindi ba alamat lang iyun?" sabi ng isa. "Oo... tama... alamat lang... pasensya na... wag nyo nang intindihin ang sinabi kong iyun..." Parang nautal si Myls. Pero biglang may kumabog sa puso ni Vera, so totoo ang mga taong liwanag? Totoo ang kwento ng kanyang ama? Biglang parang nahiya si Vera sa sarili sa pagkakaroon nya ng doubt.  Gusto pa ni Verang malaman ang tungkol sa mga taong liwanag pero nagbago na ang takbo ng usapan. "May bampira ba na pumapatay ng kagaya nilang bampira rin?"  "Sa batas ng bampira, bawal ang pumatay ng kanilang lahi, lalo kung direktang descendants ng dugo nila. Mahigpit na batas iyun. Pero kung ang rafa at rufus ang maglaban, maaari. Para sa mga rafa ang mga rufus ay maduming bampira."  Myls was relieved that the audience did not pursue talks about the people of the light.   Discussion about them is forbidden during the orientation of unmarked humans. "Anyway, kapag naulila kayo, medyo kawawa kayo dahil wala na kayong bahay. Sino pang aampon sa inyo. Hindi na kayo magkaka- asawa at pamilya pa, may lason ang dugo ng sanggol na iluluwal nyo. Hindi na rin kayo pwedeng inumin ng ibang rafa dahil lason sa kanila ang dugo nyo." "Eh saan mapupunta ang mga ulila?" "Dinadala sila sa lugar na... basta ang alam namin dapat ay wag kang maging ulila. Kaya gagawin mo ang lahat para protektahan ang panginoon mong rafa at protektahan mo rin ang sarili mo dahil pwede ka pa ring maging rufus o shallit lalo kung mapupunta ka sa mga rafa na lumalaban sa mga ito.” "Saan galing ang mga shallit?” "Walang makapagsabi, sumulpot sila ilang daang taon matapos ang pagsulpot ng mga bampira. Sabi lang sa legend, sila ay uri ng ispiritu ng demonyong na-attract sa enerhiyang nilalabas ng mundo sa kalawakan." "Bakit sila dumadami, bakit hindi na lang sila lipulin ng mga bampira..." "Pulitika na yang gusto mong pag-usapan, lalayo na tayo sa topic." Tiningnan ni Myls ang relo nya. "Kumain na kayo ng tanghalian, pumasok sa inyong silid at matulog ng mahimbing. Mamayang gabi ay makikilala nyo na ang amo nyo." Yun lang at dinismiss na ni Myls ang mga naroroon. ****** At the frontdesk, Vera is given a different room number and code.  Her bracelet is also removed. "Vera, saan ka?" tanong ni Nato, kasama pa rin nito sina Andes at Cherilou. "Sa 45A?" "Wow, suite iyun ha..." "Sayang hiwalay na tayo..." Hinaplos ni Andes ang braso nya, bahagyang umiwas si Vera. "Gusto mo ba yung topic kanina tungkol kung Paano makipag-s*x sa amo nating rafa? Paborito ni Andes yun eh..." Tumawa pa si Cherilou. Vera is shocked by Cherilou’s question.  She’s wondering why those three are suddenly all over her, bullying her somehow.  It’s a relief that they would no longer share a room. "So totoo nga ang usap-usapan, you are the virgin Vera..." sabi ni Nato. Natawa ito ng malakas nang makitang namula si Vera at Ilang na Ilang.  Vera also stepped away from Andes when he started touching her arm again. “S..sige… mauna na ako..."  Vera hurriedly went to the opposite direction to go to her room.  The room is a penthouse but Vera couldn’t be impressed by how large and luxurious it is.  She is preoccupied by the thoughts of people of the light.  As she laid down on the bed feeling tired, she heard a voice on the intercom. "Mga huling paalala sa gagawin nyo pagkagising nyo mamayang hapon…”. Vera eyelids started to get heavy, she slept listening to last minute announcements. ****** Parang sinapak ng napakabangong amoy ang bampirang pumasok sa room 45A.  Sa kama ay bigla itong naglaway kay Vera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD