“Have you checked everything?” seryoso ang tono na tanong niya kay Diomar. Nakaupo ito sa pinakaunang baitang ng hagdan sa stage habang nagpapaypay. Tumango ito sa kaniya. “I think I am starving, crown alpha…” “Stop whining,” puno ng iritasyon ang boses na sinaway ito. “Puro na lamang pagkain ang iniisip mo. Aba’y napapansin ko, kanina ka pa nga lamot nang lamot.” Tinatamad na napasimangot ito. “Hindi lang naman ako, crown alpha.” Inginuso nito ang iba niyang mga bodyguards. “Mas malala pa nga ang iba.” Nanlaki ang mga mata niya pagkahuli niya sa isa na kumakain. Napamaang ito nang mapagtanto na nakatingin sila rito habang kumakain ito ng burger. “Crown Alpha, this is my snack earlier. Ngayon lamang ho ako natapos kaya ngayon ko lamang uubusin…”

