“This is amazing!” laglag ang panga na sambit ni Gorgie habang papasok ang sasakyan na kinalalagyan nila sa loob ng kanilang mansion. Kunot-noo siyang napatingin dito. Napahawak ito sa sarili nitong dibdib pagkakita sa naging reaksyon niya. “Bakit, Emrys?” gulat nitong tanong sa kaniya kapagdako. “Ha? Anong ano?” walang ideyang tanong niya rin dito sapagkat tahimik lang naman siyang napalingon dito saglit. Napalabi ito at kinalabit pa talaga si Ruan para magpakampi. “Nakakatakot ang reaksyon niya kanina, ‘diba?” Kumunot lamang ang noo nito at tinalikuran sila ng upo. “Nope,” mariing tanggi niya rito. “Nagulat lang kasi ako sa naging reaksyon mo.” Natawa siya sa sarili. In-imagine niya ang sarili kung paano ito nagulat sa kaniya gayong nagulat lamang din s

