Malakas na ingay ng palakpakan at hiyawan ang tumatagos sa pader mula sa loob ng malawak na gymnasium ng kanilang paaralan. Rinig na rinig nila iyon mula mismo sa backstage kung saan sila naroroon. Dumagdag pa iyon sa kaniyang kaba. She’s a performer ngunit hindi pa siya nakakapag-perform sa school. Hanggang special occasions lamang ang talent niya. Ayaw niya namang isipin kung gaano kadami lahat ng mga estudyante sa kanilang paaralan kapag pinagsama-sama sa loob ng gymnasium nila. Hindi pa man nag-uumpisa’y nahihinuha niya nang napakalaki na aral ang pagkakataon na ito sa kaniyang buhay. “Scared?” Napalingon siya kay Gila pagkatapos siya nitong tanungin. Nakatayo ito sa kaniyang likod habang prenteng nakasandal sa pader at nakapamulsa ang dalawang kamay. He looks so

