“If you are going to treat them, hahatian kita sa bayarin.” Gulat siyang napalingon kay Gorgie. Seryoso pa talaga ito sa pagkakasambit sa kaniya niyon. Nilakihan ito ng mga mata ni Ruan. “Ang yaman mo… Pero hindi nga ba at nagpasabi na si Emrys na wala siyang malaking halaga panggastos?” Hindi agad ito nakaimik. “Emrys,” seryosong tawag sa kaniya ni Graza. Napalingon siya sa kaniyang kapatid nang isenyas nito ang hawak nitong cellphone. Inagaw niya agad iyon mula rito. “Sino ‘yan?” gulat niyang tanong. Awtomatiko sa paglawak ang ngiti nito dahil sa kaniyang tanong. “Si dad, nais ka niyang makausap.” Hindi niya iyon inaasahan. Agad siyang nagulat. Nagdalawang-isip agad siya kung sasagutin niya ba ang tawag o hindi wala na siyang kawala ngayon. Tinanguan siya ni Graza. Alam n

