Damon’s POV Ang una kong naramdaman pagkagising ko ay ang init ng katawan ng asawa ko na mahigpit kong yakap, nakatalikod siya sa akin, para bang ayaw niya ring kumawala kahit tulog na tulog pa siya. Napangiti ako kahit nakapikit pa. Kung may ibibigay na medal para sa pinakamatamis at pinakawild na gabi ng buhay ko, walang duda kagabi ‘yon. Walang tatalo sa gabing ‘yon kung saan sa wakas… wala nang pader sa pagitan namin. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, bahagyang inangat ang ulo para masilip ang mukha niya. Nakahilig ang pisngi niya sa unan, mahimbing ang tulog, parang isang anghel na walang kamalay-malay sa lahat ng kasalanang ginawa namin kagabi sa kama. God… she’s perfect. Parang lahat ng sakit at takot na dala niya nitong mga nakaraang buwan, unti-unting binura ng bawat halik

