Six Weeks Later
Mahirap palang itago ang sikreto. Lalo na kung araw-araw mong kausap ang salamin at hindi mo na matakasan ang repleksyon mo.
Buntis ako.
Hindi ito yung tipo ng breaking news na ikakasaya mo habang iniinom ang morning coffee mo. Hindi rin ito yung klase ng rebelasyon na pwedeng i-announce sa group chat. "Hi, guys! Fun fact: may baby ako, from a guy na ni hindi ko kilala." Hilarious, ‘di ba?
Kung may award ang malas sa pag-ibig, mananalo ako. With flying colors.
Umupo ako sa harap ng kama, hawak-hawak ang test kit na kanina ko pa tinititigan. Two lines. Malinaw. Walang kaduda-duda. Positive.
“Great. Just great,” bulong ko habang pinipilit ngumiti. Pero halatang pilit. Kasi kasabay ng linya sa test kit ang linyang tinawid ko sa sarili ko—ang linya ng ‘wala akong pakialam’.
Pero mali pala ako.
May pakialam ako. Lalo na ngayon.
Tumayo ako, naglakad papunta sa bintana ng condo. City lights. BGC skyline. Gabi na pero parang ako lang ang gising, habang ang buong mundo, tahimik at kampante.
Unlike me—hindi ako kampante. Ako ‘yung tipong gumising na lang isang araw at napagtantong hindi lang pala hangover ang naramdaman ko nung mga nakaraang linggo. Akala ko stress lang. Akala ko delayed lang.
Pero hindi.
At lahat ng ito, nagsimula sa isang gabi.
A night I’d rather forget… but can’t.
FLASHBACK
Tatlong shots. Apat. Lima. Hindi ko na mabilang. Basta alam ko lang, bawat tungga, parang binubura ko yung mukha ni Marco.
Oo, Marco. Ang lalaking sinabihan kong siya na ang "the one." Ang lalaking pinangakuan kong "forever." Ang lalaking nahuli kong may ibang katalik sa mismong kama na dapat sana ay magiging sa amin.
What a cliche.
Alam mo yung eksena sa mga teleserye? Yung bubuksan ng bida ang pinto, tapos slow motion makikita niyang may katalik yung fiance niya? Ganon na ganon. Except walang background music. Walang director na sisigaw ng “cut.” Real life ito. At masakit siyang panoorin.
Kaya heto ako ngayon. Umiinom na parang wala nang bukas. At kung totoo man ang sinasabi nilang “In vino veritas” na lumalabas ang katotohanan kapag lasing ka eh di ilabas na lang lahat.
Then nakita ko siya.
Hindi ko alam kung nakita niya akong malungkot o sadyang trip niya lang umupo sa tabi ko. Tall, tahimik, at may mga matang parang may alam tungkol sa sakit.
Si Mr. Tall-Dark-and-Brooding.
Hindi siya ngumiti. Hindi siya umupo agad. Basta tumingin lang siya sa akin na parang binabasa ang kaluluwa ko.
“Sigurado ka bang gusto mo yang ginagawa mo?”
‘Yun lang ang sinabi niya.
Napailing ako. “Wow. First line mo yan sa mga babae? Pang-therapy session agad?”
“Hindi kita nilalandi,” sagot niya. “Nagtatanong lang ako.”
“Seryoso ka?” Tumawa ako, mas mapait pa sa shot ng tequila. “May itsura ka naman. Pwede ka namang sumubok ng smooth pick-up line kahit papaano.”
“Hindi ako mahilig sa drama.
“Oh, great. Ako rin. But here I am, living in one.
Tahimik siya sandali. Tinitigan lang ako na parang may sinisilip sa likod ng lahat ng sarcasm ko.
“Alam mo,” sabi niya, “minsan, hindi kailangan ng bagong simula. Kailangan mo lang ng isang gabi para itapon lahat ng sakit.”
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Kasi totoo. Mas totoo pa sa lahat ng pinaniniwalaan ko kay Carlo.
“Gusto mo akong isama?” tanong ko, diretso.
Hindi siya sumagot agad.
Pero hindi rin siya umurong.
Hindi ko na alam kung paano kami nauwi sa hotel.
Hindi ko na rin alam kung paano kami napunta sa parehong kama. Basta alam ko lang, may mga kamay siyang marunong magtanong nang hindi nangungulit. Mga halik niyang malamig pero may init na parang gustong pumatay ng lungkot.
It was messy. Awkward. Intense.
Pero higit sa lahat, totoo.
For the first time in my life, I felt seen. Not judged. Not pitied. Just… held.
Pagkagising ko, wala na siya.
No note. No name. Not even a freaking phone number.
Ang naiwan lang, ang amoy ng kanyang pabango sa hotel pillow at ang alaala ng isang gabing hindi ko alam kung gusto ko bang kalimutan o yakapin.
PRESENT DAY
At ngayon, mahigit isang buwan makalipas ang gabing iyon, heto ako. Hindi ko pa rin alam kung sino siya.
At hawak-hawak ko ang test kit na nagsasabing may parte siya sa akin… sa loob ko.
"Fantastic, Camille. From heartbroken to knocked up. Talented ka, girl."
Umupo ako ulit sa kama, this time hinawakan ang tiyan ko. Flat pa rin. Pero ngayon, may tinatago na.
Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa. Pero isa lang ang sigurado hindi ko ito pwedeng itago habang buhay.
At kung balak ng tadhana na paglaruan ako, then game. Pero sana naman, ibigay din niya ang pangalan ng lalaking iyon. Hindi dahil gusto ko ng closure. Hindi rin dahil gusto ko siyang panagutin.
Gusto ko lang malaman… kung may karapatan ba siyang malaman.
At kung handa siyang bumalik sa mundo kong ni minsan, hindi naman talaga niya gustong tahakin.
Still me. Still pregnant.
Still clueless kung paano haharapin ang lahat ng ito.
I was supposed to attend a supplier meeting that morning, but one call changed everything. Si Chelsea, bestfriend ko at marketing head ng kumpanya, ang nagsabing kailangan ko raw sumama sa isang surprise walkthrough para sa isang bagong investor. Apparently, big deal. Confidential. Ayaw pa niyang sabihin kung sino.
Akalain mong kahit buntis na ako, ginugulantang pa rin ako ng buhay.
Kaya heto ako ngayon. Nakapila sa elevator, suot ang navy blazer na pilit kong pinagkakasya sa katawan kong parang iba na ang pakiramdam. God, parang mas dumulas pa yata ang sapatos ko sa kaba. Iba ang kaba ngayon. Mas malalim. Mas matalim.
Ding.
Pagbukas ng elevator, andun na agad si Chelsea, sumalubong.
"Come on, girl. Ready ka na ba ma-meet ang bagong investor?"
Napairap ako. “Chelsea, kung yan na naman yung tipong matandang mayabang na gustong magpa-importante.”
“Shh!” Tinakpan niya ang bibig ko. “Trust me. You’re gonna want to see this one.
Chelsea's stiletto heels echoed beside me like clock ticks before judgment day.
“You good?” tanong niya habang sabay kaming lumakad papunta sa boardroom. “Investor’s inside. Big fish. Breathe, Camille. Baka matulala ka mamaya, guwapo raw.”
At sa puntong yun, hindi ko pa alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
I snorted. “As if looks can pay rent.”
“Eh kung looks na may billions?”
I rolled my eyes, adjusted my blazer, and walked in.
Pagkapasok namin sa Altamirano building.
naramdaman kong may malamig na hangin na tila humugot ng kaluluwa ko palabas ng katawan. Hindi dahil sa aircon. Kundi dahil sa presensiya ng lalaking nakatayo sa tapat ng bintana.
Parang may bumagsak na granite sa dibdib ko.
He turned slowly, calmly like he owned the room, like he owned the air.
Tall. Composed. Dangerous in a way that felt too familiar.
Our eyes met.
He froze.
But I didn’t react.
Because unlike him, I didn’t recognize him.
Not even a flicker.
“Miss Ignacio,” he said, voice low, rich, unmistakably restrained. “Nice to finally meet you again.”
"Again?
Chelsea turned to me, confused. “You’ve met?”
I blinked. “I don’t think so...”
His jaw visibly clenched, though his smile didn’t falter. “Of course. My mistake.”
But it wasn’t.
Because in his eyes those stormy, unreadable eyes I saw something.
Not confusion.
Not irritation.
Just… recognition.
He knew me.
Not from LinkedIn.
Not from Chelsea’s endless corporate gossip.
He knew me. Intimately.
But I had no clue who he was.
I offered my hand, businesslike. “Nice to meet you, Mr...?”
He stared at me for one second too long.
Then, with a half-smile: “Damon Cedric Altamirano
I shook his hand.
His grip was warm, firm. My stomach tightened like it remembered something my mind didn’t.
Something dangerous.
He held my gaze as if trying to unearth something buried.
And then said, almost too softly to hear,
“Hindi kita makakalimutan kahit gusto ko pa.”
“Sorry?” I asked.
He stepped back and gave a polite nod. “Nothing.”
Chelsea cleared her throat. “Shall we start the walkthrough?”
I nodded, but my thoughts were spiraling.
Why did that man look at me like I broke something in him?
And why did it feel like I was the one who should remember?
Itutuloy...