~Sebastian~ Pangatlong araw na namin dito sa bahay bakasyunan. After what happen that night lalo ko pang tinatagan ang pagtitimpi sa ginagawa ni Alex, sino ba namang hindi! Paano kung hindi na din ako makapagpigil sa mga kalokohan n'ya di ba? "Hon, di ba sabi ko sayo gusto kong mag firing session today." Pababa ito ng hagdan habang sinasabi yun. Nakabihis na rin ito at nakapaligo. Magkahiwalay ang aming tulugan na sinadya ko, kahit ayaw n'ya ay wala naman s'yang magawa dahil iyon ang gusto ko. "Marunong pa naman siguro akong humawak ng baril baka nga lang nangangalawang na, alam mo na matagal akong nakapahinga." anas n'ya habang taas baba ang kilay para kumbinsihin ako. Kung ako lang masusunod hanggang maaari ay ayaw ko na s'yang pahawarin ng baril, ngunit alam kong kailangan din n'ya

