Chapter Seven

1254 Words
WADE Totoo nga pala ang kasabihang kapag nag e-enjoy ka sa buhay mo, hindi mo mamamalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw. Sa kaso ko, masyado kong nae-enjoy ang company ni Vince lalo na’t araw-araw siyang pumupunta ng bahay para linisin ang bakuran ng bahay. Kahapon ay natapos na niyang bunutin lahat ng mga damo at ngayon araw naman ay magtatanim kami ng mga bulaklak sa likod bahay. Sa bahay na laging nagtatanghalian si Vince dahil noong unang araw pa lang ay sinabihan ko na siyang before lunch na lang siya pumunta para makapag saing muna siya sa kanila at maibili niya ng ulam ang lola niya. Kaya usually ay ala-una na ng hapon kami nag i-start sa pag-aayos ng garden. Yes, kami ngang dalawa. Nakikitulong kasi ako kay Vince kahit sa pamamagitan lang ng pagwawalis ng mga natuyong dahon kahit na alam kong hindi naman na kailangan dahil parte `yon ng serbisyong binabayaran ko sa kanya. Mas maigi na rin `yon dahil mas napapalapit ako kay Vince at lagi ko pa siyang nakikita. At kung sinu-swerte pa, may mga pagkakataong sumasayad ang balat ko sa balat niya tuwing may iaabot akong bagay sa kanya. Tulad na lang ngayon… Kasalukyan kong binubungkal ang lupang siyang tataniman namin ng mga bulaklak sa pamamagitan ng rake na hawak ko nang biglang lumapit sa `kin si Vince at pumwesto sa likod ko. Bahagyang nanigas ang likod ko nang maramdaman kong hinawakan niya mga kamay ko na nakahawak sa rake. “Ganito ang paggamit dito,” aniyang demonstrate ang paggamit ng rake na nagpatayo naman sa mga balahibo ko sa batok. Ramdam ko kasi ang pagtama ng mainit niyang hininga sa may batok ko. “Ganyan nga. Dapat mas bigyan mo pa ng pwersa,” dugtong pa niya. Nang akmang bibitawan na ang mga kamay ko ay nagkunwari akong hindi ko ulit makuha ang tinuro niya para lang mag-extend pa ang paghawak niya sa mga kamay ko. Para-paraan sabi nga sa kanta ni Nadine Lustre… Ilang saglit pa ay magkatulong na naming itinatanim ang mga bulaklak na nakuha ni Vince mula sa kung saan. Siya ang gagawa ng maliit na hukay habang ako naman ang maglalagay ng tanim at pagkatapos ay sabay naming tatakpan ng lupa. At dahil halos sabay naming inaayos ang pagkakalagay ng lupa ay aksidenteng nahawakan ni Vince ang kamay ko. Mabilis na napatingala ako’t nakita kong nakatingin siya sa mukha ko. Pawisan na siya pero hindi pa rin napingasan kahit kaunti ang kagwapuhan niya. At bago pa man magbago isip ko ay itinaas ko ang isang kamay ko at pinahid ang pawis sa noo niya sa pamamagitan ng likod kamay ko. And for some reason, napangiti ako dahil hindi ko naramdamang tumutol siya sa ginagawa ko. Tinapos na namin ang ginagawa namin at pagkatapos ay sabay kaming naghugas ng kamay. Kumuha ako ng tuwalya na nakasampay sa laundry area at binalikan si Vince sa kusina. “Talikod ka,” sabi ko sa kanya. Mabilis naman siyang tumalikod kaya sinimulan kong pahiran ang pawis niya mula sa batok, pababa sa balikat hanggang sa may bandang bewang niya. Lumigid ako papunta sa harap niya at pinunasan rin ang mukha at dibdib niya. “Ayan, para hindi ka magkasakit,” dugtong ko pa nang matapos ako sa ginagawa ko. Kinuha naman niya ang tuwalya sa kamay ko at siya naman ang nagpunas ng pawis sa mukha ko. At dahil hindi ako naghubad ng sando ko ay ipinasok na lang niya iyon mula sa ibaba at saka pinunasan ang katawan ko. Hindi ko alam kung nararamdaman niyang napapaigtad ako tuwing masasanggi ng kamay niya ang balat ko. “Tara bili tayo ng snack natin?” yaya ko kay Vince. “Tara,” masayang tugon naman niya. Kumuha lang ako ng pera at pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng bahay. Nilakad na lang namin ang papunta sa bakery tutal malapit lang naman at hindi na gaanong tirik ang araw. “Salamat nga pala sa pagkuha sa `kin, ha? Malaking tulong para sa amin ni lola `yong kinikita ko sa `yo araw-araw.” “Ano ka ba? Ako nga dapat ang magpasalamat sa `yo kasi pinaganda mo ulit `yong garden ni lolo at lola. I’m sure sa mga susunod na linggo, kapag namulaklak na `yong mga tinanim natin kanina, mas lalo pang gaganda `yong likod-bahay.” “Oo nga, eh. Basta lagi mo lang pong didiligan araw-araw.” Siniko ko siya dahil sa narinig ko. “Bakit po?” “Ayan ka na naman sa ‘po’ mo, eh. Wade na nga lang kasi,” nakangiting saad ko. “Naku, sorry. Minsan makakalimutin talaga ako,” sagot niya saktong nasa harap na kami ng bakery. Bumili ako ng tinapay at coke para sa aming dalawa at para na rin sa lola niya. Bumalik rin agad kami sa bahay dahil mas gusto kong doon namin iyon kainin dahil mas makakapag-usap pa kami nang maigi. Pagkabalik namin ng bahay ay magkatabing naupo kami ni Vince sa may veranda—facing the street. Mangilan-ngilan lang ang mga taong nagdaraan at maririnig ang huni ng ga panghapong kuliglig. Malapit na rin kasing magtakipsilim. “Is it okay kung i-extend ko pa ang working days mo?” biglang tanong ko kay Vince habang nakatingin ako sa may kalsada. Ito na kasi ang huling araw na pupunta siya dito sa bahay dahil tapos naman niyang ayusin ang bakuran namin. Pero ayoko pang matapos ang ugnayan naming dalawa. I want to see him again. That’s why I’m taking this chance. “Kung ako lang ang tatanungin mo, gusto ko. Pero tapos na ang trabaho ko rito, `di ba?” Agad na nag-isip ako ng pwedeng idahilan sa kanya. “Marami pang dapat ayusin sa loob ng bahay. Hindi naman mabibigat pero I still need help. Kahit tuwing hapon ka na lang pumunta. Same rate pa rin naman ang ibibigay ko sa `yo.” Naramdaman kong bigla akong kinabig ni Vince sa balikat. “Talaga? Magandang balita `yan kung ganoon! Sige, babalik ako hanggang kailangan mo `ko.” Ang sarap pakinggang ng mga katagang ‘babalik ako hanggang kailangan mo `ko’ pero alam kong iba ang gusto niyang ipahiwatig sa bagay na `yon. Pero sa ngayon, sapat na sa `king magkikita ulit kami. Hindi ito ang magiging huli naming pagkikita. Sa pagitan ng kwentuhan ay natapos kami ni Vince sa pag i-snack. Tumayo na siya at nagpaalam matapos kong ibigay ang sahod niya para sa isang buong linggo. Lalabas na sana ng gate si Vince nang tila may maalala siyang sabihin. “Wade…” “Yes?” takang tanong ko. “Huwag ka sanang mao-offend pero may itatanong sana ako. Medyo personal `yong tanong ko, kung okay lang.” Biglang kumabog ang dibdib ko. “A-Ano `yon?” Tumikhim muna siya bago muling nagsalita. “Straight ka ba?” “Nope,” nakangiting sagot ko. “Pero huwag kang mag-alala, hindi kita type.” Umarteng parang nasaktan si Vince at humawak pa nga sa tapat ng dibdib. “Ouch,” pabirong sambit niya. “Joke lang. Sige uwi na `ko. Salamat ulit ha?” iyon lang at tuluyan na siyang tumalikod at lumabas ng gate. Hindi na ulit siya lumingon. Naiwan akong nakatayo sa may veranda habang inihahatid siya ng tanaw. Pag-akyat ko ng kwarto ko ay pinag-isipan kong mabuti kung tama bang sinabi kong hindi ko type si Vince. And honestly, I don’t think that the answer is yes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD