WADE
Pasado alas singko pa lang ng hapon pero sobrang dilim na ng langit sa labas. Mas malakas na kesa kanina ang buhos ng ulan na sinusundan ng malalakas na kulog at kidlat. Habang nagkakape ako sa sala ay hindi ko maiwasang isipin si Vince at ang lola niya. Mukhang malabong tumila ang ulan at kung sa jeep na `yon lang sila sisilong, siguradong mababasa sila bago pa man lumalim ang gabi. Maaari ring magkasakit si lola dahil sa lamig.
Hindi ko na inubos ang kape ko at kinuha ko lang ang susi ng bahay at tuloy-tuloy na `kong lumabas ng bahay. At dahil wala akong payong, wala akong ibang choice kundi ang suungin ang malakas na ulan. Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa marating ko ang tinutuluyan nina Vince.
Basang-basa na `ko nang marating ko ang kinaroroonan ng jeep kung saan kasalukuyang nagpapaulan ang binata habang inaayos sa pagkakakabit ang plastic na panakip ng bintana.
“Vince!” malakas na sigaw ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa direksiyon ko.
“Wade! Ano’ng ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong niya nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Tinulungan ko siyang itali ang mga dapat itali.
“Hindi kasi ako mapakali sa bahay at ang lakas-lakas ng ulan,” malakas pa rin ang boses na sagot ko. Kailangan kong lakasan ang boses ko para magkarinigan kami. “Sa bahay na kayo matulog ng lola mo. Makakampante lang ako kung sa bahay kayo matutulog. Ang lakas ng ulan, oh.”
Nakita kong nagliwanag ang mukha ni Vince sa sinabi ko. “Sigurado ka?”
“Oo,” tumatangong sagot ko. “Maghanda ka ng kahit ilang damit niyo ni lola. Papara lang ako ng tricycle,” sabi ko pa sa kanya.
Mabilis namang pumasok si Vince sa loob ng jeep para gawin ang pinapagawa ko habang nag-aabang naman ako ng tricycle. Kung maglalakad lang kasi si lola ay malaki ang chance na mabasa siya. Fortunately ay may bakanteng tricycle na dumaan.
Mabuti na rin lang at may lumang payong si lola kaya kahit paano ay hindi siya nabasa nang pasakayin namin siya. Ilang saglit pa ay nasa bahay na kami. Malakas pa rin ang ulan pero ngayon ay kampante na ako dahil alam kong mas ligtas ang mag lola.
“Okay lang ba kung doon ka na lang sa kwarto ko matutulog?” tanong ko kay Vince habang papasok kami ng sala. “Medyo maliit lang kasi `yong kama sa guestroom.”
“Naku Wade, hijo, huwag mo kaming isipin ng apo ko. Sanay kami sa maliit na higaan. Sobrang kaabalahan na nga itong pakikitulog namin dito sa bahay mo.”
Nginitian ko naman si lola. “`La, hindi po kayo abala sa akin. Sa totoo lang po, masaya nga ako dahil hindi ako matutulog na mag-isa ngayon. Huwag niyo pong isiping nakakaabala kayo, okay?”
“Salamat, hijo. Pero okay lang kami ni Vince sa isang kwarto. Nakakahiya naman kung makikitabi pa siya sa `yo,” wika ni lola.
“O sige po, lola. Bale, mauna na po kayong mag bihis dahil medyo nabasa po kayo ng ulan. Pwede rin po kayong mag shower kung gusto niyo.” Hinatid ko lang si lola sa magiging kwarto niya na totoo namang maliit lang ang kama. Matapos bigyan ng kumot, unan at tuwalya si lola ay bumalik na `ko ng sala kung saan naghihintay si Vince. Tumutulo pa rin ang katawan niya kagaya ko.
“Ligo lang ako saglit sa kwarto. Maligo ka na rin lang after ni lola mo,” sabi ko sa kanya habang naglalakad papunta sa kwarto ko.
“Sabay na tayong maligo. Pareho naman tayong lalaki, eh,” ani Vince na sumunod na sa `kin.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto pakiramdam ko bigla ay naging claustrophobic ako. Malaki naman ang espasyo ng silid na `to pero pakiramdam ko ay biglang sumikip.
Papasok pa lang kami ng banyo ay hinuhubad na ni Vince ang damit niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok dahil doon.
“Ayaw mo akong kasabay maligo?” mayamaya ay tanong ni Vince nang mapansin niyang nakatayo lang ako sa gitna ng kwarto. “Sige maya na lang ako. Una ka na.”
“Baliw, hindi!” sabi ko sa kanya at hinila na siya papasok ng banyo. Huli na nang maisip kong medyo mapangahas ang ginawa ko.
“Oops, easy-han mo lang. Masyado kang hot, eh,” natatawang sambit ni Vince habang isinasara ang pinto.
“Tarantado!” natatawang sagot ko sa kanya. Pero bigla ring nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kong ibinaba ni Vince ang shorts niya at kasama ng damit na hinubad niya kanina ay ipinatong sa may lavatory.
At dahil briefs na lang ang suot niya ay kitang kita ko ang umbok sa pagitan ng dalawang hita niya. Tumalikod ako para hindi niya makita ang sunod-sunod na paglunok ko. Hinubad ko na rin ang mga damit ko. At tulad ni Vince ay briefs na lang din ang suot ko.
Tumapat na `ko sa shower at binuksan `yon. Hindi nagtagal ay naramdaman kong nasa likod ko na si Vince. Napangiti pa ako nang halos sabay naming kunin ang sabon sa lalagyan.
“Sige ikaw na muna,” bulong ni Vince sa kabilang tenga ko na naghatid ng kakaibang sensasyon sa buong katawan ko.
Sinimulan kong sabunin ang buong katawan ko habang nagsha-shampoo naman si Vince. Nang ipasa ko sa kanya ang sabon ay bahagya pa akong napapitlag nang magdaiti ang mga balat naming dalawa.
“Sabunin mo naman ako sa likod, please?” mayamaya ay ungot ni Vince sa `kin.
“Sure,” sagot ko na kinuha ulit ang sabon sa kamay niya. Nang tumalikod si Vince sa `kin ay hindi ko napigilang titigin muna ang balikat niya pababa sa may puwitan niya. Malaki talaga ang potensiyal ng lalaking `to na mag modelo.
Sinimulan ko nang sabunin ang likod niya. At sa bawat haplos ng balat ko sa katawan niya ay nagdudulot iyon ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa dibdib ko. Pwede pala `yon? `Yong maging source of happiness ang paghaplos sa katawan ng taong gusto mo.
C’mon Wade, it’s just lust! kontra naman ng isang bahagi ng utak ko.
Nang matapos kaming maligo ay sabay rin kaming lumabas ng banyo at nagibihis. Ilang saglit pa ay nasa kusina na kami at nagkakape kasama si lola. Habang nagku-kwentuhan ay nag mop naman ako ng sala dahil nga tumutulo kaming pareho ni Vince kanina nang pumasok kami.
“Vince, kapag nagutom kayo ni lola or kapag may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang katukin ako sa kabilang kwarto, ha?”
“Salamat, hijo,” tugon ni lola na inalalayan na ni Vince papunta sa kwarto nila. Iginiit ni lola na okay lang sila sa iisang kwarto.
Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Pero ilang minuto nang nakalapat ang likod ko sa malambot na kutson ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Paano ka ba naman kasi aantukin kung alam mong nasa kabilang kwarto lang ang crush mo. Pabiling-biling na ako ng higa pero wala pa rin!
Nang masiguro kong hindi ako makakatulog ay nagpasya akong lumabas na lang ulit ng kwarto. Pumunta ako sa kusina at nagbukas ng beer in can. Pampatulog.
Nakakailang lagok pa lang ako sa iininom ko ay may narinig akong nagsalita sa likod ko—si Vince.
“Hindi ka rin makatulog?” tanong niya sa `kin.
“Yeah. Actually, medyo maaga pa naman talaga sa `kin `to at usually ay eleven or twelve na `ko natutulog. Ikaw, ba’t `di ka pa natutulog?”
“Nauhaw ako, eh,” nakangising sagot niya.
“Tubig o beer?”
“Beer,” sagot ni Vince. “Dadamayan kita kung ano man `yang problema mo.”
“Baliw, wala akong problema,” natatawang sagot ko sa kanya habang kinukuha siya ng beer sa ref.
Ilang saglit pa ay nagku-kwentuhan na kami tungkol sa mga buhay namin habang patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan at patuloy naman ang pagtungga namin ni Vince ng alak.
At dahil limited lang ang stock kong beer sa ref, napilitan na `kong tumayo para magpaala sa kanya. “Tulog na tayo. Wala nang beer, eh.”
“Okay,” sagot ni Vince na tumayo na rin. “Nga pala Wade, pwedeng sa kwarto mo na lang ako matulog? Medyo maliit nga `yong kama. Baka maipit ko pa si lola.”
“Sure, medyo malaki naman ang kama ko,” kalmadong sagot ko. Pero sa loob loob ko, nagwawala na ang mga internal organs ko dahil sa sobrang excitement.
Sabay na kaming pumasok ng kwarto at natawa pa ako nang patihayang binagsak ni Vince ang katawan niya sa malambot na kama. “Woooh! After ng napakahabang panahon, ngayon na lang ulit ako makakatulog sa malambot at malaking kama!” sambit niyang halatang masayang masaya.
Pinatay ko na ang ilaw matapos buksan ang lampshade at saka sumampa ng kama. “Good night, Vince,” sabi ko sa kanya na tumalikod na nang higa.
Pero matapos lang ang ilang segundo ay naramdaman kong umisod palapit sa `kin si Vince at idinantay ang isang kamay bewang ko. Siyempre ay biglang nagrebolusyonaryo ang katawan ko.
“Ba’t ka nangyayakap?” hindi na napigilang tanong ko kay Vince. Pero hindi ako humarap sa kanya.
“Hindi naman porke’t hindi mo `ko type, hindi na kita pwedeng yakapin. Nagyayakapan naman ang mag friends, `di ba?” sagot ni Vince sa may batok ko. Kakaiba ang dulot ng hininga niya sa katawan ko. Nakakabaliw!
Nang hindi ako sumagot ay mas lalo pang inilapit ni Vince ng katawan niya sa katawan ko at saka bumulong ng: “Good night, Wade.”
Yes, this is going to be a very good night.