Hindi mapakali si Belle habang naghihintay siya sa waiting area ng ER ng Angelicum Hospital. Malakas ang pagtiktak ng orasan sa tainga niya. Nakikisabay iyon sa pagkabog ng dibdib niya. The past hour has been replaying in her mind in an endless loop. She was trying to recall any clue that could lead her to the reason of the predicament Zyrone was in. Subalit para siyang na-blangko. Wala siyang maalala maliban na lamang sa mga masasakit na sinabi niya kay Zyrone. And now she felt guilty for her words. She’s guilty and confused… and afraid. Afraid for the life of the man she loved and hate at the same time. Kanina, nang marating nila ang ospital, halos talunin niya ang palabas ng kotse. Zyrone has been groaning through gritted teeth the whole time of their travel. And she doesn’t know why!

