"I'll see you in twenty minutes. Yes, tama ka. Sa San Francisco airport." Ibinaba agad ni Katarina ang tawag nang marinig niya ang papalapit na mga yabag. Nang mapalingon siya sa may pintuan, nakatayo na roon si Zech na basam-basa pa ang buhok na tila kakatapos lang nitong maligo. Nakapaa lang ito at ibinalik nito ang suot nitong T-shirt at faded jeans noong nag lunch out sila sa Monterey. Yong araw na binilhan siya nito ng necklace. At isa yon sa magandang alaala na sa tingin niya ay mahihirapan siyang makalimot. He propped his shoulder against the door jamb. "You're not going through with this." he said with so little inflection in his voice that she wanted to scream at him. What he said wasn't a question. But it was an order. Kinagat na lamang niya ang pang-ibabang labi upang hindi si

