"HE WANTS TO PAY ME five thousand dollars for two weeks works! My Goodness, that's ridiculous." ani Katarina matapos niyang basahin ang kontratang binigay sa kanya ni Marty upang pirmahan. Napahalakhak naman si Marty. "I told you, he's a generous employer." Ayon nga ang problema eh, sa isip ni Kat. Kaya ibinalik niyang muli kay Marty ang kontrata na hindi man lang niya pinirmahan. "I can't sign it. That's too much money." Napatitig saglit sa kanya si Marty saka ito malapad na napapangisi. "Alam mo kung anong nakakatuwa? Sinabi rin niya sakin yan. Naisip kasi niya na baka hindi mo raw tanggapin ang trabaho na to dahil sa malaking pasweldo niya sayo." "Sinabi niya yon?" Kaya ba hindi si Zech mismo ang nagpapirma sa kanya sa kontrata ay dahil ba sa kung ano na naman ang magiging interpre

