C8 ALEXA POV “Ate gumising ka na wala ka bang paso?” napadilat ako ng making mga mata dahil sa paggising sa akin ni Sarah. “Wala akong pasok ngayon,” Wika ko habang nag-uunat ng mga braso. “Talaga ate!” tuwang wika naman niya sa akin, ganito kasi siya kapag wala akong pasok. “Oo, nasaan ang kuya mo?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko makita si Mark dito sa kwarto ko. “Nasa baba ate nagbabantay ng niluluto ko, kasi ginising kita, akala ko kasi may pasok ka ngayon,” wika ng kapatid ko. “Sige susunod na lang ako sa baba, dahil aalis tayo pagkatapos natin kumain,” ngiti kong wika sa kanya na siyang nagpabilog ng kanyang mga mata at kitang-kita ko ang pangingislap nito. “T-talaga ate! Saan tayo pupunta?” tuwang tanong nito sa akin. “Saan ba gusto ni'yo?” Ngiting tanong ko habang tumay

