Kung kanina sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko, ngayon naman pakiramdam ko lalabas na siya sa sobrang kaba.
Nasa tapat na kasi kami ng restaurant kung saan magkikita sina Sunnie at Marco.
Bukod sa paulit-ulit kong inaalala iyong mga pinag-usapan namin ni Sunnie tungkol sa kanila ni Marco, ginugulo rin ako ng mga bulate ko sa utak na baka iyong lalaking soon to be boyfriend ng kambal ko at iyong lalaki na naka-one night stand ko ay... iisa lang.
"Mukhang bigatin ang future boyfriend ni Sunnie."
Napalingon naman ako kay Zendra. "Bakit mo naman nasabi?"
"Seryoso kaba? Riche Steakhouse kaya iyan. Don't tell me hindi mo alam iyan?"
Familiar sa akin iyon pangalan, parang narinig ko na before.
"Itatanong ko ba kung alam ko?" tanong ko pabalik.
"Sikat kaya ang restaurant na iyan. Mahirap kasi makakuha ng reservation diyan. Kahit mga sikat na artista kailangan pang mag-antay ng ilang buwan bago makapag dine in."
Nacurious naman ako sa sinabi niya. "Totoo ba?"
She rolled her eyeballs. "Mukha ba akong nagjojoke? Iyong mga international artist na pumupunta rito sa Pilipinas isa iyan sa palaging pinupuntahan."
"Six digit din ang bayad diyan, pero for reservation pa lang iyon," dagdag ni Ponnie.
Napanganga naman ako. "True ba?"
"Matagal nang sinusubukan ni mommy magpareserve riyan, pero laging puno."
Napatango na lang ako sa sinabi ni Ponnie.
"Bumaba kana, Summer." Kulang na lang itulak ako ni Zendra palabas ng sasakyan.
Hinarap ko siya. "Parang ayoko na tumuloy Zendra," pabulong na sabi ko.
"No way!" sigaw niya. Napatakip tuloy ako ng tenga ko sa lakas ng boses niya. "Tumigil ka nga Summer. Ilang oras kami nageffort na ayusan ka tapos magbaback out ka? Hindi p'wede!"
Napayuko naman ako. "Kinakabahan ako.."
"Ilang beses kanang nakipagsapakan sa mga lalaki tapos ngayon kakabahan ka? Ngayon ko lang 'ata narinig sa'yo iyan," natatawang sabi ni Ponnie sa gilid ko.
Tinignan ko naman siya ng masama. "Magkaiba naman iyon, 'no!"
"Enough na iyan, baka mainip iyong future boyfriend mo-- I mean ni Sunnie pala," sabat ni Zendra. Nang-asar pa talaga.
"Galingan mo Summer! Paibigin mo para sa'yo mainlove at hindi kay Sunnie," dagdag naman ni Ponnie at saka sila nagtawanan.
I raised my middle finger. "Hati kayo ni Ponnie," sagot ko bago nagsimulang maglakad.
Hindi ko na sila nilingon dahil baka mabato ko pa sila ng heels na suot ko. Naiirita pa naman ako ngayon. Hindi pa ako nakakarating sa loob ng restaurant pero parang gusto ko na kaagad hubarin itong heels na suot ko.
Bakit ba kasi ito pa ang pinasuot sa akin nila Zendra? Parang never naman nagsuot ng ganito si Sunnie. Trip lang talaga siguro ako ng dalawang iyon at gusto akong pahirapan. Tapos itong dress ang kati sa katawan, dapat nag pants na lang ako.
Sa sobrang daming reklamo sa utak ko, hindi ko namalayan na nandito na ako sa loob. Bumalik na naman iyong kaba ko, mas naging triple pa nga ngayon.
Saglit akong huminto sa paglalakad. Huminga muna ako malalim.
Bakit ba ako kinakabahan? P'wede namang magkamukha lang sila 'di ba?
Natigil ako sa pag-iisip nang salubungin ako ng isang waiter. "Ms. Sunnie?" tanong nito sa akin.
Tumango naman ako. "Yes, ako nga."
Ngumiti siya. "Kanina pa po kayo inaantay ni Mr. Marco sa exclusive room."
Kahit naguguluhan tumango na lang ako.
Inaasahan ko kasi na isa lang sa table na nandito ang puwesto namin, pero mali ako.
Habang naglalakad kami sa isang hallway nilibot ko na rin ang paningin ko sa paligid. Tama nga si Zendra, bongga nga itong restaurant na ito. Kahit kasi malaki ang lugar, konti lang ang tao. Siguro mga pili lang.
Ilang beses na akong nakakain sa mga high end na restaurant pero iba itong restaurant na ito. Feeling ko ang hirap ko.
Sa sobrang amaze ko sa mga nakikita ko hindi ko namalayan na nasa tapat ng pala kami ng isang pinto.
Pinagbuksan ako ng waiter, "Nasa loob na po si Mr. Marco kanina pa."
Ngumiti na lang ako bilang sagot at saka pumasok sa loob.
Napanganga naman ako sa bumungad sa akin. Parang isa pang restaurant sa loob restaurant, ang pinagkaiba nga lang nag-iisa lang ang lamesa rito. Made of glass din ang wall kaya kitang-kita ko iyong garden sa labas. May foundation at puno ng ibat-ibang ilaw.
"Sobrang ganda..." nasabi ko na lang.
Mukhang tama nga si Zendra. Hindi lang basta-basta si Marco. Reservation nga mahirap nang makakuha, paano pa kaya itong exclusive room? Tropa 'ata niya iyong may-ari nito.
"Sunnie.." Speaking of...
Para akong na-estatwa nang may magsalita mula sa likod ko.
Hindi ko namalayan na nasa likod ko na siya.
Shit, bawal na talaga ako umatras. Nandito na iyong lalaking ayokong makita.
Huminga muna ako ng malalalim bago dahan-dahan na lumingon. "M-Marco.." banggit ko sa pangalan niya nang magkaharap na kaming dalawa.
Kahit alam ko naman na magkamukha sila, hindi ko pa rin mapigilan na hindi magulat pero syempre hindi ako nagpahalata.
F*ck, sobrang magkamukha nga sila. The aura, the smile, the posture.. Feeling ko iisang tao lang sila. Malakas ang kutob ko, pero bakit parang hindi niya ako nakikilala?
Ngumiti siya ng malapad at saka dahan-dahan na lumapit sa akin. Kung nakakaubos lang ng oxygen ang sobrang kaba, baka bumulagta na ako ngayon sa harap ng lalaking ito.
Pilit akong ngumiti hanggang sa makalapit siya sa akin. Hindi ko naman inaasahan ang pagkuha niya sa kamay ko, para akong nakaramdam ng kuryente lalo na nang halikan niya ito.
Hindi p'wede... Ganito rin iyong naramdaman ko noong gabing iyon, sobrang pamilyar!
Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo.
"Finally, nagkita rin tayo, Sunnie. Matagal kong inantay ang araw na ito," nakangiting sabi nito.
"Oh, talaga ba?" Kusa na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. s**t, hindi ko na napigilan. Pabulong lang naman, pero mukhang narinig niya.
He chuckled. "Of course! Sobrang saya ko ngayon at nasa harap na kita. Matagal na kitang gustong makausap--"
"Nag-uusap naman tayo sa phone 'di ba?" pagpuputol ko sa kaniya.
"Ibig kong sabihin.. ang makausap ka ng personal.. Makasama at makita ka."
Grabe, kinikilabutan ako sa pinagsasabi niya.
Kung hindi lang ako nagpapanggap na Sunnie baka na-realtalk ko na ito.
Ngumiti ako ng pilit. "Ganun din naman ako." Hindi ko siya kayang tignan kaya binaling ko na lang sa plato ang tingin ko.
He giggles. "Sobrang ganda mo pala sa personal, Sunnie." Kahit hindi ko siya tignan alam kong nakatitig siya sa akin ngayon.
"Maganda talaga si Su-- ako, si ako, 'no."
Two strike kana Summer!
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Marco. "You're so cute."
Bakit parang biglang uminit?
Napansin ko naman tumatawa pa rin siya. Pinagtatawanan 'ata ako nito sa isip niya.
"May nakakatawa ba?" nakangiti kong tanong.
Nakangiti siyang umiling. "Nothing. May naalala lang ako. May nakilala kasi akong kamukha mo. I thought ikaw iyon, pero mali pala ako. Sobrang layo niyo sa isat-isa."
Napahawak ako nang madiin sa tinidor na hawak ko.
Napalunok ako. "Ibig sabihin nakikipagkita ka sa ibang babae?"
Mabilis siyang umiling. "It's not like that. Nakilala ko lang siya sa birthday party ng kaibigan ko."
Sa birthday party ni Leo.
"Tapos, anong n-nangyari?"
He smirked. "Natapunan niya ako ng alak sa damit. Nagkaroon lang kami ng konting sagutan kasi siya pa iyong nagalit sa akin."
Sinungaling! Napayukom ako ng kamao.
Sabagay, imposible namang sabihin niya kay Sunnie ang totoo. Cheating ang ginawa niya, kahit na sabihin nating hindi pa sila.
Isa lang ang sigurado ngayon. Totoo ang hinala ko, ibig sabihin, niloloko niya ang kambal ko. Nakipag one night stand siya sa akin habang nakikipag mabutihan kay Sunnie?
T*ngina pala ng lalaking ito!
Napahawak pa ako ng mahigpit sa gilid ng dress ko. Kailangan kong kumalma, baka masapak ko itong lalaking ito.
Tinungga ko iyong wine na nasa baso ko, at saka seryosong tumingin sa kaniya. "What if.. ako talaga iyon? Sabi mo nga kamukha ko iyong babae na iyon 'di ba?"
"I don't think so. Sobrang layo niyo sa isat-isa." Parang sure na sure siya sa sagot niya.
Kaya ba may nangyari nang gabing iyon dahil nakita niyang kamukha ko si Sunnie?
"P-paanong malayo?"
"Sa tingin ko she's your opposite," sagot niya. "Basta, ang mahalaga hindi ikaw iyon."
Then he smirked... The smirked that I saw before nang halikan ko siya sa party ni Leo.
Gusto kong lukutin ang pagmumukha niya. Paaano niya nagagawang magsinungaling ng ganiyan?
Lalo akong naiinis sa iniisip ko ngayon. Ibig sabihin sanay na siya sa ganun? gawain niya talaga makipag s*x sa kung kanino, pagkatapos kakalimutan na lang ang nangyari?
"Pero sabi mo nga magkamukha kami, hindi mo ba siya naisipang.. lapitan? o kahit makipag-usap lang sa kaniya?" Gusto kong mahuli siya sa kasinungalingan niya.
Naging seryoso ang mukha niya. "Siguro nga magkamukha kayo pero you are so much better. Ngayon lang ako nakakita ng ganiyan kagandang mukha. You're as good as perfect, I have nothing more to say." Bigla naman siyang tumingin sa labi ko.
Para naman akong kinilabutan sa ginawa niya.
Bakit parang sobrang layo niya naman sa description ni Sunnie.
"T-thank you," maiksing sagot. Hindi ko na rin kasi alam ang isasagot ko.
"So, what's make you change your mind na makipagkita na talaga sa akin?" pag-iiba niya.
Napractice namin ni Sunnie itong tanong na ito.
"Narealize ko kasi na ilang buwan na rin tayong nag-uusap online, comfortable na tayo sa isat-isa, nakilala na rin kita. Kaya bakit hindi pa ako makipagkita sa'yo, 'di ba? Sigurado naman na akong..." natigilan ako.
Hindi ko alam kung kaya kong sabihin itong word na ito, hindi naman kasi totoo.
"Sigurado kang ano?" Nakaabang siya sa susunod kong sasabihin.
Ngumiti ako ng pilit. "M-mabuti kang tao."
Bahagya naman siyang natawa. "Of course. Kaya hindi ka magsisisi na nakilala ako."
Grabe ang hangin! Sobrang confident.
Kung si Sunnie siguro ang kaharap nito ngayon, sobrang kilig na siguro ng kambal ko. Sunod-sunod siguro ang tango niya para sumang-ayon sa sinasabi ng lalaking ito.
Pero ako? sana hindi na lang siya nakilala na kambal ko. Manloloko na nga, mayabang pa.
Ngumisi ako. "Hindi nga ba? Baka naman you're just playing with me?"
Kakalimutan ko munang si Sunnie ako. Kapag ganito kasing klase ng lalaki ang kaharap mo, mahirap maging mabait. Isa pa iyan sa dahilan, ayokong isipin ng lalaking ito na kaya niyang paglaruan iyong kambal ko.
Naging seryoso ang reaksyon ng mukha niya, pero hindi naman siya mukhang naoffend sa tanong ko. "Why would I? Mukha ba akong hindi seryoso sa'yo? Ilang buwan ang inantay ko para lang mangyari ang araw na ito." Tinignan niya ako sa mga mata ko. "Kung hindi ako seryoso, I won't waste my time on you," dagdag niya pa.
Best actor talaga.
Uniwas ako ng tingin. "W-what do you want to talk about?" pag-iiba ko sa usapan.
"Let's just talk about us," diretso niyang sagot.
I cleared my throat. "Sure."
"I'm really happy na nagkita na tayo. Iniisip ko noon, you're not serious to me."
"B-bakit mo naman naisip iyon?"
"Ilang beses na kasi akong nakikipagkita sa'yo pero palagi kang tumatanggi."
"Sorry about that. First time ko kasi ang makipagdate kaya gusto ko muna makasigurado na seryoso ka sa akin bago ako makipagkita sa'yo," seryosong sambit ko.
"Like what I said, seryoso ako sa'yo."
"Let see. It's too early to say that."
Pasensya na Sunnie, pero mukhang hindi ko matutupad pangako ko sa'yo.
Hindi mo deserve ang lalaking ito.
"I didn't know na may side ka palang ganiyan."
"What do you mean?"
He chuckled. "Sa ilang buwan kasi nating pag-uusap through online, I thought si maria clara ang kausap ko."
"So, anong gusto mong sabihin? Kabaliktaran ako sa personal?"
"I didn't say that. I actually I like it. Nachachallenge ako."
Talaga lang, machachallenge ka talaga. Ilalabas ko ang totoo mong ugali.
I put my hand under my chin. "Ikaw ano pa bang side ang meron ka?" I smirked.
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. He's wearing his serious face habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.
"I love your lips. It makes me turn on... again."