Chapter 7

1330 Words
I was so tired nang makabalik na ako sa mansion. As usual, hindi ako sinamahan ng mga uncle ko na kumain ng dinner. Naiinis naman ako sa kanila, lalo na sa lahat ng pinagawa nila sa akin. Nagpahinga na ako kaagad pagkatapos kong kumain at hindi na kami nakapag-chismis pa ni manang. Mas gumaan ang pakiramdam ko nang magbabad ako sa bathtub with warm water enveloping my tired body. It was the first time na nagtrabaho ako ng gano’n. I have never ever gotten near chickens. Dahil sa turkey na ‘yon natumba ba naman ako, kaya napalibutan ako ng putik, poop at mga eggs. Then that Thiago, akala mo naman hindi siya affected sa alindog ko! Aba’y obvious naman ang pag-flare ng kanyang nose at pag-alab ng kanyang mga mata nang makita niya ang hubad kong katawan ulit. That was twice in one day. I think may point siya na kaya ko sila tinutukso para umiwas sa trabaho. That was not on my mind, but it was a good idea. But I shut it off dahil gusto kong makita nila na sincere ako sa ginagawa ko. Na hindi ko sila ginagamit para lang bumalik ako sa dati kong personality. Well, I am still a brat, pero nabawasan ang aking pagkamaldita when I set my eyes on my hottie uncles. My gosh! They look so stunning sa kanilang mga suot. Thiago has a cowboy hat, and Cazpian has a cap on his head, backward. Nakakagigil! But I need them to seduce me. Na ayaw nila na hindi ako nakikita, at hinahanap-hanap nila ako. Gano’ng level ang gusto ko! Kailangan nilang bumigay sa akin no matter what! Nakatulog ako kaagad nang humiga ako sa malambot kong kama. Parang ilang oras pa lang akong natutulog nang marinig ko ang alarm ng aking phone, na nasa tabi ng aking kama. Gods! It was so loud na parang mabibingi ako. Inis kong kinuha ang aking phone at pinatay ang alarm. I need to wake up so early para masimulan kaagad ang trabaho ko dito sa farm. After a few days sa hacienda, napapansin ko na lalo pang lumalayo sa akin ang aking mga uncle. Malimit din nila akong kausapin kahit sa breakfast lang kaming nagkakaharap na walang ginagawa. It was frustrating, pero tiniis ko. Tiniis ko lahat ng pinapagawa nila sa akin. Halos magkasugat-sugat na ang aking mga kamay, braso, mga binti at paa. Gusto ko na ngang maiyak sa kalagayan ko, pero wala namang mangyayari kung iiyak lang ako sa tabi. Sa pangalawang araw ng aking pagtatrabaho, may pinakilala sila sa akin na babae. Her name is Livia. Maganda siya, morena at mukhang galit sa akin. Hindi kami nagkakalayo ng edad, but I’m a bit irritated na baka may past siya with my uncles. Siya ang inatasan ng dalawa na mag-supervise ng aking mga trabaho. Kaya nga hindi ko gaanong nakikita ang dalawa. Although kahit feeling ko na galit siya sa akin, hindi naman niya ako pinapahirapan. In fact, tinutulungan niya pa nga ako. “Okay ka lang?” tanong niya sa akin habang nagpapahinga kami sandali sa ilalim ng malaking puno. We just finished planting some vegetables in the field. It was so hot, pero kailangan kong magtiis. Pinunasan ko ang aking pawis. Parang napapaso ang aking balat sa init. Naubos na rin ang aking sunscreen kaya alam kong sunburnt na talaga ako ngayon. “Ha? Oo naman! Salamat sa tulong mo, ha.” sabi ko sa kanya at bahagyang ngumiti. “Hmm… Utos sa akin ng mga boss ko, eh. Tulungan daw kita pag nahihirapan ka. Alam mo mas bumagal ang trabaho ko dahil sa’yo.” napa-roll eyes ako. “Pasensya na. It’s not like I do this every day of my life back in the states," masungit kong sabi. Uminom ako ng tubig at pinahiran ko ang aking labi. “Anong sabi mo? Huwag mo nga akong English-in at hindi kita naiintindihan. Kung hindi lang ako binabayaran ng mga uncle mo, hindi ko gagawin ito. Ang sabi ng iba, galing ka sa ibang bansa. Hindi ka ba nagtatrabaho roon? Maswerte ka at dolyar ang kinikita mo.” “Hindi ako nagtatrabaho roon. Maraming pera ang daddy ko, kaya hindi na kailangan, diba? May point naman ako.” napakurap siya tapos ay tumawa. “Oo, may point ka naman. Kung ako ang nasa pwesto mo, hindi na rin ako magtatrabaho. Kaya lang, nawawala rin naman ang pera. Paano pag naubos tapos wala ka pang alam na trabaho? Paano ka mabubuhay niyan?” “Eh, di magpapakasal na lang ako sa mayamang lalake.” tumawa ulit siya. Ngumiti naman ako at huminga ng malalim. “Galit ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya. “Hmmm? Nong una, ayoko talaga sa’yo. Ang sabi kasi ng mga ibang tao rito, masama raw ugali mo. Pero ilang araw na tayong magkasama, wala ka namang ginagawang kalokohan. Ni hindi ka nga nagsasalita ng masama sa mga tao rito.” nagkibit balikat ako. “Nakakapagod din na maging maldita. Isa pa, tinanggap ako ng mga Uncle ko rito. Wala na rin naman akong choice. Matagal ka na bang nagtatrabaho rito?” “Oo, simula nang kaya ko ng magtrabaho, nandito na ko. Kung hindi dahil sa mga uncle mo, hindi ako makakatapos ng pag-aaral ko.” bumuntong hininga siya. “Halika na at marami pa tayong gagawin.” tumango lang naman ako at sumunod sa kanya. Nang makabalik ako sa mansion pagkatapos ng lahat ng trabaho na aking ginawa, natuwa ako nang makasalubong ko si manang. Bigla siyang nag-alala sa itsura ko dahil para na akong lobster na pinakuluan dahil sa sunburn na natamo ko. Umiiyak na talaga ako na parang bata dahil sa hapdi. Pinakuha ko siya ng aloe vera dahil may nakita ako sa garden. Mabilis akong pumunta sa aking kwarto at pumasok sa bathroom. Hindi na ako nagtanggal ng damit. Tumapat ako sa shower at in-on ito. Bumuhos ang malamig na tubig sa akin. “Yes! Oh my gosh! That feels so good!” tuwa kong sabi. Napaungol ako sa sarap habang bumubuhos sa akin ang malamig na tubig. Maingat kong tinanggal ang lahat ng aking damit. “My poor skin. I’m so sorry! Wala naman kasi akong pera na pambili ng sunscreen! Damn it!” “Linnea, hija, ito na ang aloe vera mo.” Narinig kong sabi ni manang mula sa pinto. “Pwedeng ihanda mo yong bathtub, manang. Thank you!” sabi ko mula sa shower stall. Makalipas ang ilang minuto, lumabas ako ng shower stall. Nakahanda na ang tub at sinunod ni manang ang lahat ng instructions ko. Nagbabad na ako sa malamig na tubig at kinuha ko ang aloe vera. Tinulungan ako nito na maglagay ng namumula kong balat at tiniis ko ang hapdi nito. “Bakit naman kasi hindi ka pa tumigil sa pagtatrabaho nang maging ganito na ang balat mo?” Sabi sa akin ni Manang. “Ayoko na magalit sa akin ang mga uncle ko, manang. Hindi lang talaga ako sanay sa init. I’m okay," nakangiti kong sabi. “I can’t believe I am suffering like this at natitiis ko. Habang nong nasa states ako, ayaw kong mainitan. My nails are always clean and have the best nail extensions. Ngayon putikan na sila at may sugat na," reklamo ko sa aking sarili. Kung hindi lang ako attracted sa dalawang ‘yon at patunayan sa kanila na kaya ko, maglalayas na talaga ako! Oh well, magtatagal pa naman ako rito kaya masasanay rin ako. “Tinawagan ko ang mga uncle mo at sinabi ang nangyari sa’yo. Siguradong pauwi na sila.” napalingon ako sa kanya. “Manang, hindi mo na dapat ginawa ‘yon. Wala naman silang pakialam sa akin, eh.” nagtatampo kong sabi. “Mas may concern pa kayo sa akin.” “Intindihin mo na lang at marami rin silang ginagawa. Madaming buntis na alagang hayop ngayon. Pinaghahandaan nila ito.” Sasagot sana ako nang marinig na may tumawag sa pangalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD