Hapon na nang magising ako. Pagmulat ko ng aking mga mata, I was not familiar at first sa aking paligid hanggang sa maalala ko na pinagtabuyan pala ako ng aking magulang. I was going to live at this hacienda with my stepuncles until further notice. Because I was such a spoiled brat na walang ginagawa sa buhay ko, kundu mag-shopping, mag-travel at lumabas kasama ang mga kaibigan ko, my father thought it was best to dump me here. s**t! Iniisip ko pa lang kung anong trabaho na ipapagawa nila sa akin, I am dreading it.
Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito para sa stepuncles ko? Nakita ko lang sila, nawala lahat ng plano ko na inisip ko sa plane. I have three ideas: 1) Pahiyain ko sila para sila mismo ang sumuko sa akin at ibalik ako sa aking pamilya, 2) manira ng kanilang mga gamit hanggang sa magsawa sila sa akin, and 3) Tatakas ako at hindi magpapakita sa kanila. Kokonsensiyahin ko ang aking ama hanggang sa hanapin niya ako at iuwi ulit sa states kung saan na kami nakatira. The last one was my last resort dahil wala naman akong dalang pera o kahit na anong valuables. But nagbago ang lahat ng ito nang makita ko sina Thiago at Cazpian.
Nang makita kong hawak nila ang banner na may pangalan ko, I was floored. Hindi ko talaga inaasahan ‘yon. Alam mo yong nakakita ako ng napakasarap na treat na gusto kong papakin. I was definitely horny lalo na nang rtumutok ang kanilang mga mata sa akin. Napatakip ako ng aking mukha at napatawa ng konti dahil sa kilig. So? Anong gagawin naten? Landiin sila, of course! No! No! I can’t be doing that. Kahit ba hindi kami magkadugo, uncle ko pa rin sila. At sa ngayon, sila ang guardian ko. I need to control myself. Kaya lang gusto kong manatili rito kasama nila, so I will do whatever it takes para satisfy sila. I am not promising na magiging good girl ako.
Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng katok. Bumukas ito at nakita ko ang isang matandang babae kaya napakunot noo ako. Ang alam ko isa siya sa kasambahay dito sa mansion. Bahagya itong ngumiti sa akin at nakatingin lang naman ako rito.
“Miss Linnea, handa na ang dinner. Pwede ka ng kumain.” sabi nito sa akin.
“Gano’n ba? Ang aga naman!” tuluyan na akong bumaba sa kama at naginat-inat ako.
“Ang sabi kasi ni Sir Thiago na hindi ka pa kumakain ng pananghalian. Siguradong gutom ka na, hija.” pagkasabi nito, biglang tumunog ang aking tiyan. Napatawa naman ako.
“Sige po, manang, bababa na ko.” nakangiti kong sabi. Natigilan ito saglit tapos ay tumango. Umalis na ito at pumasok naman ako sa bathroom. After kong maghugas at itali ang mahaba kong buhok, bumaba na nga ako. Naglakad ako papunta sa dining room at mula sa pinto naaamoy ko na ang masarap na pagkain. Nang makita ko ang mesa, punung-puno ito ng mga pagkain. Kaya lang, walang tao roon kundi ako lang. Umupo na ako sa harap ng mesa at hinintay ang aking mga uncle. Pero ilang minuto ang nakalipas, wala pa rin sila.
“Hija, bakit hindi ka pa kumakain?” sabi ng matandang babae na kinakausap ko kanina na bigla na lang sumulpot.
“Eh, ako lang ang nandito. Nasaan po sina Uncle Cazpian at Uncle Thiago?” tanong ko.
“Baka mamaya pa sila uuwi. Minsan, ginagabi na rin sila. Binilin nila sa akin na alagaan ka muna. At bukas daw kailangan mong agahan ang gising para makapagsimula ka na sa trabaho mo.”
“Wow! Agad-agad? Hindi ba pwedeng i-tour muna nila ako dito sa hacienda?” nagtatampo kong sabi.
“Sigurado naman ako na gagawin nila ito bukas. Hindi naman pwede na pagtrabahuhin ka nila agad. Ito lang naman ang binilin nila sa akin, hija. Kumain ka ng marami para marami kang enerhiya para bukas. Kung gusto mo, ipapasyal kita sa bubong mansion. Teka, nakapunta ka na ba rito?” tumango ako.
“Once! Pero hindi pa ganito kalaki ang bahay nila… Manang, may tanong ako.” lumapit siya sa akin, at sinalinan niya ako ng malamig na juice sa isang baso at ang isa naman ay tubig. Kumuha ako ng salad at nilagay ko ito sa aking plate. I also grab a garlic bread na nilagyan ko ng butter at kinain ito. Napaungol ako sa sarap at naubos ko ito in two bites.
“Anong tanong mo, hija?” tanong niya sa akin.
“Oh my gosh, manang! Ang sarap ng bread at salad!” tuwa kong sabi.
“Huwag mong sabihin na nagda-diet ka?” umiling ako tapos ay kumuha ng fried chicken at rice. Kinain ko ito at umungol ulit.
“Luh! Manang! Kung ganito rin naman kasarap ang kakainin ko, gaganahan na akong magtrabaho.” napatawa siya. Kinuha niya ang napkin at pinunas niya ito sa aking bibig. “Muntik ko ng makalimutan ang tanong ko… May dinala na bang babae ang mga uncle ko rito? Girlfriend? Partner?” curious kong sabi at natigilan ito.
“At bakit mo naman tinatanong?” nakataas ang kilay niyang sabi.
“Para naman prepared ako! Paano na lang kung biglang may dumating na babae rito na hind ko kilala tapos girlfriend pala siya ng isa sa mga uncle ko? Ayoko naman na mapahiya.” tumawa ulit ito. “So… Meron ba?”
“Wala silang dinadala na babae rito. Masyado silang abala sa kanilang trabaho rito sa hacienda. Kung meron man, hindi rito. Lalake pa rin sila kaya may pangangailangan sila. Nagtataka nga ako kung bakit wala pa silang asawa.”
“Manang, pag may narinig kang issue, sabihin mo agad sa akin. Oh, kaya naman may nabalitaan ka na may nililigawan sila.” at bahagya ko pa siyang tinulak.
“Itong batang toh! May pag-marites ka, ah!” tumawa rin ako. “Sige, pag may nabalitaan ako.” tinaas ko ang dalawa kong kamay at nag-hi-five kaming dalawa.
“Kailan ka pala nagtrabaho rito? Hindi kita nakita noong nagbakasyon ako rito.” nagtataka kong sabi sa kanya. Bumalik ulit ako sa aking pagkain.
“Noong isang taon lang. Maswerte nga ako at kinuha nila ako kahit matanda na ko. Sa isang taon ko rito, wala pa akong nakikita na babae na naging malapit sa kanila. Ang hacienda lang talaga ang nasa isip nila. Ni hindi ko nga alam na may pamangkin sila.”
“Hindi lang nila binabanggit dahil hindi nila ako gusto, Manang. Tingnan mo at hindi nila ako sinabayan na kumain. Oh, baka naman may nililigawan sila?”
“Tama na yan. Tsaka, bakit naman hindi ka nila gusto, hija?”
“Kasi maldita ako! Noong last na nandito ako, lagi akong nagrereklamo at sinabi ko sa kanila na boring sila at amoy kambing.” Natigilan ito, and napatawa naman ako. “Maldita pa rin naman ako, pero hindi na gano’n kalala. I am still a bad girl.”
“Hay naku… Ibang-iba na talaga kayong kabataan ngayon. Pero para sa akin, hindi ka maldita. Ang mabuti pa, huwag mong pahirapan ng masyado ang mga uncle mo para magustuhan ka nila. Malay mo, hindi ka nila pahirapan ng husto sa pagtatrabaho. Isa pa, abala lang talaga sila sa farm ngayon kaya huwag ka ring magtatampo.” tumungo lamang ako. “Kumain ka ng mabuti. Iiwan muna kita.” nagpasalamat ako rito at in-enjoy na lang ang mga nakahain na food.
Mukhang ayaw ng aking mga uncle na nandito ako. Akala ko pa naman okay kami dahil hindi ako naging pasaway kanina nang sinundo nila ako. Ha! Magpasalamat pa nga sila at hindi ako nagwala sa airport! Tapos ayaw nila akong in-entertain? Kung gumawa kaya ako ng bagay na ikagagalit nila? It will get their attention, right? Napangisi ako, at may namuong naughty idea sa aking isipan.
The dinner was delicious! Nang matapos ako, sinamahan ako ni Manang sa malawak na garden na nasa likod ng mansion. Namangha talaga ako dahil ang daming halaman roon at may malaki pang puno ng mangga. The most amazing thing is there is a natural swimming pool na may mini waterfall na dumadaloy sa dulo. Tumakbo ako palapit roon at nakita ko sa tubig na may mga isda.
“Manang! Pwedeng mag-swimming rito?” excited kong sabi sa matandang babae na nakangiti.
“Oo naman! Mas maganda yan kaysa doon sa ibang pool na puno ng chlorine. Uy! Huwag kang lulusong sa tubig, mapagalitan tayo ng mga uncle mo.”
“No worries, manang! Kung lulusong man ako, dapat naka-sexy swimsuit ako noh!” hindi ko matiis, at dinip ko ang aking isang paa sa malamig na tubig. Agad na may lumapit na mga isda and I giggled dahil nakikiliti ako. Binawi ko rin ang aking mga paa at nagptuloy kami sa aming paglalakad. Tumambay pa kami sa outdoor living room habang umiinom kami ng tea and bite-sized dessert na nakalagay sa tiered tea tray. It was cute and I happily ate all of them.
Hindi pa rin bumabalik ang aking mga uncle nang bumalik na kami sa loob ng mansion. Nagpaalam na ako kay manang at pumanhik na ako sa sarili kong kwarto. I sigh when I finish my bath and dry my hair. Nakatapis ako ng aking towel nang lumakad ako papunta sa maliit na balcony at tumingin ako sa labas. Nakita ko ang pamilyar na truck na papalapit hanggang sa tumigil ito sa harap ng bahay. Mula roon ay bumaba ang aking mga uncle. I glare at them. Sinadya talaga nilang late ng umuwi para hindi siguro ako makita at makaharap. Hmp! Bahala sila! If they want me to work, they will drag me from bed! Tingnan na lang natin kung kaya nilang gawin ‘yon!