“Is she your daughter, Arya?” tanong no’ng ginang na nasa harap ko. Ngumiti naman sa kanya si mommy at tumango. “You’re right, she’s beautiful,” nakangiting dagdag pa nito.
Pasimple tuloy na napakunot ang noo ko, pero hindi ko na lang pinahalata sa kanila.
Paano niya nasabi na maganda ako samantalang wala nga akong ayos ngayon. Mabuti nga at maayos ang damit na suot ko ngayon kaya naman hindi masyadong nakakahiya sa kanila.
Paalis na kasi talaga ako papasok sa trabaho no’ng biglang tumawag si mommy kaya naman dito ako dumiretso. Hindi na nga ako nakapaglagay ng makeup o nakapag-ayos man lang ng buhok dahil sa pagmamadali.
Bigla tuloy akong na-curious kung anong mayro'n at kailangan pa nilang magbolahan. Hindi naman ako makapagtanong sa katabi ko dahil nasa kabilang gilid ko lang si mommy. Paniguradong maririnig niya kami pati na rin ng ibang nasa mesa.
Kahit wala silang sabihin ay ramdam ko na agad na tungkol sa negosyo ang agenda ngayon. Kasi kung hindi ay hindi naman sila magbo-bolahan ng ganito.
Napailing na lang tuloy ako sa isip ko. Iba nga naman kapag usapang negosyo, handa kang gawin ang lahat para sa pera.
Pero hindi ko rin naman sila masisisi dahil ito na ang kinalakahan nila.
Bata pa lang din kasi kami ay sinabihan na kami ng mga magulang namin na kami ang magmamana ng negosyo ng pamilya namin. Pero pare-parehas kaming magkakapatid na walang interest sa negosyo.
Kaya naman hanggang ngayon ay sina mommy at daddy pa rin ang nag-ha-handle ng mga business namin. Hindi ko lang alam ngayon kung sila pa rin dahil wala naman akong balita.
No'ng una talaga ay sa akin gustong ipa-handle nila mommy 'yong negosyo namin.
Pero tumanggi ako dahil gusto ko talagang maging flight attendant, kaya naman tourism ang kinuha kong course sa college. Hanggang sa naka-graduate naman ako. Ang saya ko pa nga nong time na ‘yon kasi excited akong mag-trabaho.
Akala ko pa ay magagawa ko na 'yong matagal ko nang gustong gawin. Bata pa lang kasi ako ay gusto ko na talaga maging flight attendant. Siguro kaya ko rin nagustuhan ‘yon ay dahil madalas din kaming umalis ng bansa dahil sa trabaho ni daddy.
Madalas kasi siyang may business trip no’n. At kahit na may nanny naman kaming kasama sa bahay ay hindi niya kami iniiwan, kaya ayon, lahat kami ay kasama niya. Tatlo lang naman kasi kaming magkakapatid.
Ang panganay namin ay si Ate Joy, sumunod ako at si Carl. Nag-medicine si Ate Joy no’ng college kaya naman doctor na siya ngayon habang si Carl naman ay college na. Kung titignan ay wala talagang kumuha ng business course sa aming tatlo.
“Arya, meet Lucas Hammington, your fiancé,” mommy said.
“What?” Gano’n na lang ang gulat ko nang sabihin niya 'yon.
Kinurot ko pa nga ang sarili ko dahil baka mamaya ay nananaginip lang pala ako. Pero nasaktan ako kaya naman totoong nangyayari ‘to ngayon.
“Arya! Mind your manners,” saway sa akin ni mommy.
At dahil hindi ko na kayang makipaglokohan pa sa kanila ay tumayo na ako para magpaalam. Hindi ako makapaniwala na matapos ang ilang buwan ay ito ang madadatnan ko.
Bago tuluyang umalis ay tumingin muna ako kay mommy. Ngayong araw na ‘to, hindi lang isang beses siya na nagsinungaling sa akin, kung hindi dalawa. Sa sobrang disappointmet ay umalis na lang ako ng hindi nagpapaalam.
Alam kong bastos ‘yong ginawa ko lalo na at may ibang tao pero wala na akong pakialam do’n ngayon. Narinig ko pa na tinawag ako ni Carl pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Wala rin naman na akong sasabihin pa sa kanya.
Alam ko na agad na pipigilan niya akong umalis at pababalikin sa loob para makinig kina mommy, pero hindi ito ang tamang oras para makinig ako sa kanya.
“Ate, wait!” rinig kong tawag niya pa sa akin.
Kahit hindi ako lumingon sa kanya ay alam ko na tumatakbo siya para maabutan ako kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad.
Kaya lang ay hindi ko alam na mas matangkad na pala siya sa akin kaya naman kahit tumakbo pa ako ay paniguradong maabutan niya pa rin ako.
“Bakit ka sumunod? Kung pababalikin mo lang ako sa loob, ‘wag ka nang magsayang ng lakas dahil hindi ako babalik,” seryosong sabi ko sa kanya ay tinalikuran na siya.
“Huh? Sino ba nagsabi sa’yong pababalikin kita? Sumunod ako kasi gusto kong sumama sa’yo,” he said.
Napalingon naman ako sa kanya at mukha namang seryoso siya.
Tatanggi na sana ako kaya lang ay nakatakbo na agad siya papunta sa kotse ko at agad din pumasok sa loob. Do’n ko lang din na-realize na hindi ko nga pala dala ‘yong susi dahil sa pagmamadali ko kanina.
Dahil wala naman na akong choice ay hinayaan ko na lang siya. Alam naman niya kung saan ako nakatira kaya naman do’n ko muna siya iiwan. Isa pa ay malaki na rin naman na siya kaya sigurado ako na kaya na niya ang sarili niya.
“Saan ka pupunta? Ihahatid na kita,” wika ko at pinaandar na ang sasakyan.
“Hmm, pwede ba akong makitulog sa bahay mo?” tanong niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
“Hindi pwede,” tanggi ko.
Sigurado ako na hahanapin siya nina mommy kapag hindi siya umuwi ngayong gabi. At ayaw ko munang makita sila ngayon kaya naman ako na muna ang iiwas.
“Ate, please,” paawang sabi niya pa.
Kung dati ay madadaan niya ako sa gan’yan-gan’yan niya, ngayon ay hindi na. This time ay sarili ko naman ang iisipin ko. Buong buhay ko ay sila ang nasusunod, na tipong kung anong gusto kong gawin ay isang pagsuway sa kanila.
“Ihahatid kita sa mall, do’n ka maghanap ng gagawin mo. Hindi ka rin pwedeng sumunod sa akin dahil may trabaho pa ako,” I said.
Alam kong nagpaalam na ako kay Miss Lopez na hindi ako makakapasok pero papasok pa rin ako. Hindi naman pala kasi emergency ‘yong pinunta ko sa bahay kaya walang dahilan para hindi ako pumasok.
Mas okay pa na masayang ang oras ko sa trabaho kaysa sa ibang walang kwentang bagay.
“Magpapakasal ka talaga sa lalaki na 'yon?” Carl asked kaya naman saglit akong napatingin sa kanya.
“Hell, no!” inis na sagot ko sa kanya. “Do you know who that guys is?” tanong ko pabalik sa kanya.
Hindi naman ako naiinis sa kanya. Naiinis ako sa isipin na gusto nila akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman kilala.
Ang mas nakakainis pa ay ‘yong lalaki. Parang wala man lang sa kanya na ikakasal siya sa babaeng never niya pang nakita.
“Don’t know who really he is. Ang alam ko lang, madalas ko siyang makita sa bahay no’ng mga nakaraang linggo,” he said.
So ibig sabihin ay alam na niya na ipapakasal siya, pero wala man lang siyang ginawa para tumutol sa magulang niya?
What a jerk.
“I don’t really like him,” dagdag niya pa kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. “I don’t know if it just me, but I can feel that something’s up. Hindi ko lang matukoy kung ano. But I think, he likes you, ate.”
“What the hell, Carl! Ano bang sinasabi mo?” gulat na sabi ko sa kanya.
Sa lahat ng sinabi niya ngayon, ayaw ‘yong hindi ako natutuwa na marinig.
Kung pwede ko lang siyang pingutin dahil sa biro niyang hindi maganda ay ginawa ko na. Kaya lang ay nagmamaneho ako kaya tinarayan ko na lang siya.
“I’m serious ate,” pagtatanggol naman niya sa sarili niya. “Sa tuwing pupunta siya sa bahay, lagi niyang tinitignan ‘yong mga pictures mo sa sala. Nakita na nga rin niya ‘yong album na may mga pictures mo no’ng bata ka pa lang.”
“What the hell, seryoso ba?” hindi ko mapigilang sabihin at tumango naman siya.
Hangga’t maaari sana ay ayaw kong magmura o magsabi ng masasamang salita sa harap niya dahil ayokong ma-adopt niya ‘yon, kaya lang ay hindi ko mapigilan ang sarili ko.
So all this time ay matagal na pala nilang plano na ipakasal kaming dalawa at ako na lang ang hindi nakakaalam.
Ilang sandali lang ay nakarating din kami sa pinakamalapit na mall kaya naman huminto agad ako para maibaba ko siya. Napansin ko pa nga na nagtataka siyang nakatingin sa akin kaya naman pasimple kong tinuro ‘yong labas.
“Huh?” takang tanong niya pa.
“Sabi ko sa’yo ibababa kita sa mall. Nandito na tayo,” wika ko.
“Seryoso ka? Wala akong dalang pera kasi hindi ko nakuha ‘yong wallet ko. Cellphone lang ang mayro’n ako, paano ako uuwi?” sabi niya pa at ipinakita ang cellphone niya.
“Ito, pamasahe mo pauwi,” at binigyan ko siya ng one thousand. “Kung kulang sa’yo ‘yan tumawag ka sa bahay para magpasundo, marami namang driver do’n.”
“Ate!” inis na sabi niya pa.
“Ano? Pagtataasan mo ako ng boses?”
“I'm sorry,” mahinang sabi niya. Akala ko pa naman ay hindi na siya isip-bata dahil binata na siya.
Kaya lang ay mukhang ‘yong physical na anyo niya lang ang nagbago, hindi ang ugali niya. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako sa kanya o maiinis.
“Bakit ka ba kasi sumunod sa akin? Wala ka bang klase ngayon?”
“Wala. Ayaw ko naman sa bahay dahil pipilitin ako nila mommy na makipag-close ro’n sa lalaki na ‘yon. Hindi rin naman ako makakatakas dahil ang daming nagbabantay sa akin, kaya sumunod ako sa’yo. Hindi naman na ako bata para bantayan pa,” reklamo niya pa.
“May bodyguard ka?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
“Wala! May mga nakabantay lang sa akin sa bahay para hindi ako umalis. Pati sa school ay may nakaabang sa akin pagtapos ng klase. Nakakahiya tuloy sa mga kaibigan ko.”
“Ano ba naman kasing ginawa mo para higpitan ka nila ng gan’yan,” naiiling na sabi ko na lang.
No’ng nag-aaral pa ako ay hindi naman nila ako pinaghigpitan ng gan’yan.
‘Yon nga lang, no’ng college ako ay hindi ako masyadong suportado nila mommy, pero pinag-aral pa rin naman nila ako. Kaya nga akala ko that time ay ayos lang sa kanila ‘yong kinuha kong course.
‘Yon pala ay may iba siyang plano pagka-graduate ko. Dahil ayaw ko nang maalala pa ‘yon ay ibinaling ko na lang sa kasama ko ‘yong atensyon ko.
Plano ko pa sanang pumasok ngayon dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay. Kaya lang ay mukhang ito na ang sign para mag-unwind ako kahit sandali. At dahil nandito na rin naman na kami sa mall ay naisipan ko na sumama na lang sa kanya.
“Saan tayo pupunta?”
“Mall,” maikling sagot ko sa kanya at saka dumiretso sa parking lot.
Hindi na rin naman na siya nag-reklamo dahil alam niya na kapag iniwan ko siya rito ay aalis talaga ako.
Sana lang din ay walang makakita rito sa amin na katrabaho ko dahil kung hindi lagot ako kay Miss Lopez. Ang paalam ko kasi ay may emergency dahil akala ko talaga may emergency sa bahay.
‘Yon nga lang ay sumama pa sa akin ‘tong makulit na kapatid ko kaya wala rin akong choice.
Pagtapos kong mag-park ay dumiretso na rin kami sa loob ng mall. Medyo kampante rin naman ako na walang makakakita rito sa amin dahil malayo 'to sa office namin. Isa pa ay wala naman kaming event na malapit lang ang venue rito.
“Kumain ka na ba?” tanong ko.
Nagugutom na kasi ako. Dahil nga nagmamadali ako kanina ay hindi ako nakapag-breakfast. Hindi rin naman ako nakakain sa bahay kahit na ang daming pagkain sa mesa kanina.
“Hindi pa. Hinihintay ka kasi naming dumating kanina, tapos bigla ka naman nag-walkout kaya hindi ako nakakain. Nagugutom na ako,” reklamo niya.
“Oo o hindi lang naman isasagot mo, dami mo pang sinabi,” inis na sabi ko sa kanya.
Para kasing sinasabi niya na ako ang may kasalanan kung bakit hindi pa siya kumakain. Hindi naman siya maarte sa pagkain kaya naman kung saan may kaunting tao ay do’n na kami pumunta para hindi na kailangan pang pumila ng mahaba.
“Mag-order ka na,” sabi ko sa kanya pagpasok.
“Huh? Wala bang waiter dito?” takang tanong niya habang nililibot ang tingin sa loob.
Napailing na lang tuloy ako nang maalala ko na na-spoiled nga pala ang batang ‘to kaya hindi pa nakakakain sa fastfood.
“May mga crew pero self-service talaga rito. Um-order ka na lang, nagugutom na ako,” wika ko at binigyan siya ng pera.
Hindi ako sigurado kung makakapag-order siya ng maayos pero malaki naman na siya kaya alam kong kaya na niya ‘yan.
Iniwan ko naman na siya ro’n sa counter at naghanap na ako ng bakanteng upuan. Hindi naman gano’n karami ‘yong tao rito kaya nakahanap din ako ng pwesto.
Naghintay pa ako ng ilang sandali at maya-maya lang ay dumating din siya dala-dala ‘yong pagkain namin. Akala ko pa naman ay tatawagin niya ako para magpatulong, mabuti na lang at hindi.
Dahil parehas din kaming gutom ay nagsimula na akong kumain, gano’n din naman ang ginawa niya kaya binalot kami ng katahimikan.
Habang kumakain ay napansin ko na parang kanina pa may tumitingin sa akin kaya naman pasimple akong nag-angat ng tingin. Saka ko napansin na nakatingin pala sa amin ‘yong dalawang babae na nasa kabilang table lang.
Medyo kinabahan pa ako dahil akala ko ay may nakakita na sa akin na kakilala ko pero wala naman pala.
“Ano ba ‘yan, Ate, ang kalat mo naman,” inis na sabi ni Carl at inabutan ako ng tissue.
Tinarayan ko na lang siya at kinuha ko ‘yong tissue. Tumulo kasi sa mesa ‘yong ice cream na nasa kutsara ko.
Nakatingin kasi ako sa kabilang table kaya naman hindi ko napansin, isa pa ay hindi naman ako makalat kumain. Nagkataon lang talaga na occupied ang isip ko.
Muli naman akong napatingin do’n sa kabilang table at hindi inaasahan na nagtama ang tingin namin no’ng dalawang babae kaya naman agad silang nag-iwas ng tingin.
“Hey, kilala mo ba ‘yong nasa kabilang table?” mahinang tanong ko sa kanya.
Sasabihin ko pa lang sana na ‘wag siya masyadong pahalata dahil baka mapansin siya kaya lang ay bigla-bigla siyang tumingin do’n sa kabilang table. Mabuti na lang at hindi siya napansin no’ng dalawa.
Umiling naman siya bago sumagot. “Hindi, bakit?”
“Wala lang, akala ko kilala mo,” sabi ko na lang at tinapos na ang kinakain.
Pagtapos kumain ay saglit pa kaming nag-usap para lang makapagpahinga. Maya-maya kasi ay pauuwiin ko na rin siya bago ako pumunta sa trabaho. Maaga pa naman kasi kaya kahit mag-half day na lang ako sa trabaho ngayon.
“Let’s go, marami pa akong tatapusin na trabaho,” I said at nauna nang tumayo.
Hindi naman na siya umangal pa at sumunod na rin sa akin. Habang papalabas ay nadaanan namin ‘yong dalawang babae na kanina pa tingin nang tingin sa amin. Hindi naman ata ‘yon napansin ni Carl dahil parang wala naman siyang pakialam.
“Ay, girlfriend niya nga ata,” narinig kong bulong no’ng babae sa kasama niya.
Kung gano’n ay si Carl pala ang tinitignan nila kaya pala kanina pa sila palingon-lingon sa table namin.
Akala ko pa naman kung ano.
Pero hindi ko rin naman sila masisisi dahil gwapo naman talaga ‘tong kapatid ko, matangkad pa. Kaya nga nagulat talaga ako na ang tangkad na niya, parang dati lang ay ang liit niya pa.