JAYDA “HOY! BAKLA! Gising ka na diyan! Maaga ka pa ngayon…” rinig kong sigaw ni Basha sa akin sa labas ng kwarto ko. Nakatalukbong lang ako ng unan at pilit na pinagsasawalang bahala ang sinisigaw ni Basha doon. “Jayda Eunice! Gumising ka na diyan!” muling sigaw nito na hindi ko ulit pinansin at mas idiniin pa ang pagkakatakip ng unan sa ulo ko. Kulang na kulang ako sa tulog dahil nagising ako ng alas-kwatro! Binangungot kasi ako, well! Not totally bangungot dahil noong una naman ay maganda naman! Naging successful ako, nakuha ko ang mga gusto ko, natulungan ko sila papa! Nagkaroon kami ng tig-iisang bahay at ako ang nagpagawa ng lahat ng iyon. Napagtapos ko ng pag-aaral ang mga kapatid ko. At mas nakakatuwa dahil nagkaboyfriend ako– meaning, hindi ako mamatay na virgin! Hindi ko nam

