"Ikaw ba lang talaga ang mag-isang nakatira rito?" bungad kong pagtatanong nang makapasok kami ni Asher sa magarang bahay niya. Matapos maitabi ang payong ay saka pa lamang ako nito binitawan, napahinga ako nang maluwag, kahit papaano ay nagbabalik ang normal kong paghinga. "Oo, ako lang," sagot nito bago nagtungo ng kusina kaya sinundan ko siya roon. "Sure ka? Bakit parang kanina ay may nakita akong babaeng nakaputi habang kumakain ako rito?" Sa sinabi ko ay sandali siyang natigilan sa tangkang pagbukas nito ng refrigerator saka ako sinipat ng tingin, kunot ang kaniyang noo kaya pinagkrus ko ang dalawang braso sa dibdib. Well, that was a lie. Gusto ko lang makita ang reaksyon nito, gusto kong malaman kung takot ba ang isang Asher Cooper sa mga multo. "Ah, oo," panimula niya kaya uma

