Chapter 2

1665 Words
Isang sampal ang natanggap ng kaliwang pisngi ko nang makaharap ko sina Mommy at Daddy. Narito ako ngayon sa bahay at dito naisipang umuwi upang makahingi rin ng tulong. Ngunit iyon pa ang bumungad sa akin— ang pagsampal sa akin ni Mommy nang walang pakundangan. Wala sa sariling napahawak ako roon nang maramdamang ang paghapdi ng pisngi ko. Ilang beses akong napakurap bago muli silang hinarap, nakatayo ang mga ito sa harapan ko. Si Daddy na hawak ang newspaper habang walang emosyon na nakatingin sa akin, hawak din nito sa isang kamay si Mommy na siyang galit na galit ang mukha. "Ano'ng ginagawa mo, Krisha, huh?" palatak ni mommy, amba siyang sasampalin ulit ako nang pigilan na ito ni Daddy dahilan para matigil sa ere ang kamay niya. "Mom, let me explain, okay?" mahinahon kong sabi, pinipigilan ang totoo kong emosyon na gusto itong sigawan. Ang akala ko na maiintindihan nila ako ay nagkamali ulit ako. Mali na ako sa parte na nilapitan ko si Axel dahil pinagtabuyan lang ako nito, ngayon ay sila naman? Hindi ko pa nga nasasabi ang side ko, heto at hinuhusgahan kaagad ang pagkatao ko. Naiiyak ako sa sariling katangahan, ang bobo ko at parang gusto kong isumpa ang sarili. "Explain what? Hindi kita pinalaking ganiyan, Krisha. Hindi kita nakilalang ganiyan kaya bakit ganito, huh?" Galit itong napatitig sa akin habang nanlalaki ang parehong mata, kita ko pa ang pagtataas-baba ng dibdib nito dahil na rin sa pinaghalong gulat at galit sa akin. "Mom, kung nag-aalala man kayo sa career na mayroon ako ay ako na ho ang bahala roon—" "Sa tingin mo ay ano'ng pakialam ko riyan sa career mo? Hindi ko ibig ingatan mo iyang career na mayroon ka, kung 'di ikaw mismo, Krisha!" sigaw niya na pinuputol ang nais kong sabihin. "Tama na, Tyra," anang Daddy ngunit pinatigil lang din siya ni Mommy. Marahas nitong hinablot kay Daddy ang dyaryong hawak saka padarag na ibinato sa dibdib ko. Hindi ko na iyon tiningnan pa at nag-abalang basahin dahil alam ko naman na kung anong nilalaman nito. Yes, I am in a big scandal right now. I was so f*****g messed up! Mabuti na nga lang at nagawa kong makatakas doon kanina sa A&D Tower bago pa man ako dumugin ng mga tao, sabay kuha sa akin ng mga litrato, animo'y mga uhaw sa issue. Kabi-kabilaan ang mga paratang nila sa akin— na malandi ako at walang delikadesa. Ang iba pa sa kanila ay pinagsasalitaan ako ng masama at minumura like they all know the f*****g truth. Naalala ko pa iyong nangyari sa gabing iyon, yes, I maybe drunk but they didn't know I had been drugged with the alcohol I was drinking. They put sildenafil, a kinds of s*x drug. And who knows who the f**k put it in my drink. Maybe the bartender? Maybe some stranger whom I had a small talk? Some of my co-ramp models, or maybe it's Hazill Legaspi? That motherfucker! Kapag naalala ko ay sumasakit lang ang ulo ko ngunit hindi rin naman maitatangging kakaiba ang pakiramdam na naramdaman ko noong kasiping ko iyong lalaki— marahil dala ng gamot at parang sirang plaka iyong nag-materialize sa utak ko. "Hey, beautiful! Are you alone?" Ngumiwi ako nang may maramdamang presensya sa katabing upuan ko, hindi ko nga lang alam kung ako ba ang kausap niya o may iba pa. Narito ako sa Black Alley, been busy drinking my tequilla. Hindi ko na mahagilap sina Hazill at ang ilang ka-ramp models ko, malamang ay naroon na sila sa dancefloor at nagsasayaw. Ako na lang naiwan dito sa bar counter habang masayang pinapanood ang bartender na siyang nagpapakitang gilas ng kaniyang skills sa bartending tricks and such. Katatapos lang ng ramp walk namin na ginanap sa Mall of Asia, featuring H&M latest and newest fashion design. Syempre nagkatuwaan at madalas naman namin itong ginagawa kaya heto at nagce-celebrate kami. "Do you mind if I join you?" dugtong pa ng lalaki na nag-oder na ng kaniyang inumin. Pagak na lamang akong natawa sa sarili. Ano pang saysay ng pagtatanong kung pala-desisyon naman ito? Wala sa sariling napairap ako, hindi pa rin nililingon ang pwesto niya. I don't care, kahit sino sigurong gwapo pa ang iharap sa akin ay tatanggihan ko. Sarado na ang utak ko para makipaglandian pa sa iba. I'm faithful alright, sapat na sa akin si Axel. Nang maisip si Axel ay napangiti ako, nababaliw na nga siguro ako sa pagmamahal ko rito. Axel is my first boyfriend, my first kiss with passionate hug and yet— not my first experience. I mean, wala pang nangyayari sa amin so truthfully speaking, I'm still fresh and virgin. Bilin kasi ni Mommy na ano man ang mangyari ay kailangan kong ingatan ang p********e ko hanggang sa maikasal ako sa tamang tao. Iyon ang natutunan ko kaniya, she has been throught a lot, been experiencing a life and death situation. Kaya hanga ako rito, she's my idol the moment she gave birth to me. "You're thinking deeply," pahayag ng lalaki, hindi pa rin ako tinitigilan kaya ngumiwi ako. "Who are you? Did I gave you the permission to talk to me?" palatak ko sabay lingon dito. Tumaas ang isang kilay ko nang mapagtantong kanina pa niya ako tinititigan. To be honest, I was quiet surprised he look simple but stunning wearing only a white v-neck shirt. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang cargo shorts and moutain slipper. Saang bundok ba ito galing? Infairness, marunong siyang magdala ng sarili despite for being simple ans effortless. "Eyes up here, woman," baritonong sambit niya. Wala sa sariling nag-angat ako ng tingin sa kaniyang mukha. He has deep brown eyes, samantala ay mayayabong ang natural na buhok sa pilikmata nito. Matangos ang ilong at may mapupulang labi. Meanwhile, that f*****g jawline is obviously eating my sanity! Napakurap-kurap ako nang kumaway sa pagmumukha ko iyong lalaki, tipong kinukuha ang atensyon ko. God damn it! Napansin kaya niyang pinagpapantasyahan ko ito? My bad, nadala lang sa mala-perpekto niyang panga. "Are you deaf?" aniya na siyang ikinapantig ng tainga ko. "Aren't you stupid talking to me. Hello? We don't know each other," naiiritang saad ko, "Wait, do you even know me?" "That's why I am here, want to know your name, young lady." Nalaglag ang panga ko dahil sa narinig mula rito. So, hindi niya ako kilala? Hindi ba ako nito nakikita sa mga billboard na nagkalat sa lansangan? Sa mga drama and commercials? Even in a single piece of magazine? Baka totoo ngang tagabundok ito at nakakaasar lang na hindi niya ako kilala. For pete's sake, hindi lang ako isang business woman. I'm an actress, model and endorser and yet he don't know me! Naglalayag ang pangalan ko sa iba't-ibang industriya, I'm a well known woman with dignity and reputation. Tch, nakaka-highblood ang isang 'to. Mali talaga na kinausap ko pa siya. Hinawi ko ang mahaba at kulot kong buhok bago ito inirapan, hindi na siya pinansin pa at nag-iwas na lamang ng tingin. Sakto naman ang pagdako ng tingin ko sa hindi kalayuan, malapit sa dancefloor. Kung saan naroon nakatayo si Hazill, nakatanaw ito banda sa pwesto ko at kung tama ang pagkakaaninag ko ay may tinanguan ito, hindi ko lang alam kung ako ba iyon pero kibit ang balikat ko. "Here's your another drink, Ma'am Krisha." Ngumiti na lamang ako sa gawi ni Hazill at binaling na ang atensyon sa harapan. Tinanggap ko ang basong inilapag ng bartender sa tapat ko saka inisang lagukan ang laman no'n. Matapos ay nakita ko pa ang pagsenyas ng bartender sa kung saan ngunit hindi ko na iyon pinansin. Muli kong nilingon ang lalaki sa tabi ko na ngayon ay nakakarami na rin pala ng nainom na alak. "You're drinking as if there's no tomorrow," pagpuna ko sa sunud-sunod niyang pag-inom. "And now, you're talking to me," palatak nito sabay pagak na natawa. Ngumuso naman ako at bahagyang inilapit ang sarili sa kaniya, nangingiti akong humarap dito dahilan para mahulas ang emosyon sa mukha niya. Bakit kaya ang gwapo ng isang 'to? "By the way, my name is Krisha Nicole Yu," pagpapakilala ko, saka pa inilahad ang kamay ko rito ngumit umiling lang siya. "No thanks. I've lost my interest," malamig niyang sabi kaya naglalambing na humilig ako sa balikat nito. "Aww, you're so cute." Nagulat naman ito sa inaakto ko, samantala ay tumatawa akong lumayo bago ito nginisian. Laki ng epekto sa'kin, ah? Baka lasing na rin ang isang 'to. "Kidding aside, hindi pa ako lasing, so don't take advantage on me," pahayag ko. Iyon ang akala ko, ilang minuto lang ang lumipas nang maramdaman kong umiikot ang paligid ko. Wala sa sariling napahawak ako sa ulo ko nang kumirot iyon. Kasabay nito ay ang mabilis na pagdaloy ng kung anong init na nanggagaling sa hindi ko malaman kung saan, para akong kinukuryente at tila binubuhay ang bawat kalamnan ko. "Hey, are you okay?" maagap na sambit ng lalaki nang mapansin ang pagkabalisa ko. Gusto kong tumayo kaya iyon ang ginawa ko ngunit hindi sinasadyang ma-out of balance ako dala ng pagkahilo. Nagulat pa ako nang mapatayo ang lalaki saka ako mabilis na hinila upang yakapin. Bumagsak ang kabuuan ko sa katawan nito at doon animo'y mas lalong sinilaban ang nag-iinit kong katawan, mas lalo akong nahihibang at gustong may mailabas sa katawan— marahil iyong init na nararamdaman ko. Nang mag-angat ako ng tingin dito ay halos maduling ako nang mapagtantong ilang dangkal lang ang pagitan ng mukha namin, ramdam ko ang paghinga nito sa pisngi ko. And why the f**k I have this urge to kiss him? Before I could react for more, natagpuan ko na lang ang sarili na hinila ang batok nito para halikan siya sa labi na labis niyang ikinagulat. Marubrob ang mga halik ko at parang mauubusan ng bukas. Holy s**t! My core is soaking wet!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD