"Nay Puring, ako na ho riyan," sambit ko rito nang maagap niyang ligpitin ang mga pinagkainan namin. It's already past six at katatapos lang namin kumain, nagpaalam na lalabas sandali si Asher kaya kami na lang ang naiwan dito ni Nanay Puring sa kusina. She's kinda old pero hindi maitatatangging maganda siya noong kabataan niya. Maikli ang buhok nito na umabot lang sa kaniyang leeg, may ilang puti na rin at bakas na sa magkabilaang mata ang wrinkles. Totoo ngang every weekend lang ito nagpupunta rito para sa gawaing bahay. Ngunit kapag wala naman siya ay madalas akong tumulong kay Asher, gaya na lamang ng pagluluto at paghuhugas ng plato. Isa iyon sa mga natutunan ko rito na noo'y ayaw kong gawin sa bahay. He would let me learn things and gladly teaching me with every single details. N

