Chapter 3: The Booth

2136 Words
I just saw you yesterday When you were sitting down Head’s bent, smiles formed frown I just saw you yesterday Alone.. At peace Troubled in mind , you’re pissed I just saw you yesterday Eyes painful it looked like Lights never to it took a strike I just saw you yesterday When you slowly open a cup Not that one day full of nap I just saw you.. You dressed beautiful-gown remake You wore curved-lie on face not to shake But I just saw you this day You looked over.. You were glowing You were growing You are now sober Im happy for you -ley --- ‘Arj Rivera B.S. Architecture’ pag uulit ko sa pangalan na nakasulat doon. Ibinaba ko muna iyon sa study table at saka hinanap ang pangalan sa f*******:. Naalala ko na isa sa nai-confirm ko sa f*******: kanina sa kinainan namin. Dinig agad ang mabilis na pag iingay ng keyboard sa harap ko. Tumambad sa screen ang kaninang kaka-accept ko lang na account. Tinititgan ko ang profile picture niya at nakumpirma na hindi siya yung kaninang ka harap ko sa Cr.Maya maya pa, napansin ko na may message na nag-notif sa cellphone ko. From: Arj Rivera: Good evening! Hindi ba naiwan yung Id ko sa cr kanina? Nagbabakasakali lang -07:30 / 08-05-2020 / seen.- Nag-type naman ako agad at dali daling sinend sa kaniya. To Arj Rivera, Hi, good eve din. Yup actually nasakin yung ID mo. Claim mo na lang sa Radio booth tomorrow morning okay lang? -07:32 / 08-05-20 / sent- Naka receive naman ako ng ‘okay’ at ‘thank you’ mula sa kaniya. Dumapo ang mga mata ko sa oras na nakapaskil sa ibabaw ng cellphone ko. Dahan- dahan akong tumayo at saka binuksan ang fairy lights sa ibabaw ng higaan. Bago pa lumabas ng pintuan, pinatay ko ang ilaw ng kwarto para makapag conserve ng kahit kaunting kuryente. Matapos noon ay bumaba na ako para kumain. Inabutan ko si mama sa kusina nasaktong naglalabas palang ng tatlong pinggan habang si papa ay busy namang nanonood ng balita sa sala. Tumulong na ako sa paghahanda sa mesa dahil ilang sandali na lang ay mag hahapunan na. Ilang saglit lang ay sinaluhan kami ni Papa ng makitang maayos na ang lahat sa hapagkainan. Isa- isa kaming umupo at nag- abutan ng pagkain na nasa lamesa. May iilang putahe na naroon at may prutas din sa gitna ng hapagkainan. “Kamusta school Yna?” bigkas ni mama habang inilalapag ang piraso ng pagkain sa pinggan nito. Sumunod namang nagtanong si Papa. “Hindi na yata bumibisita dito sila Lexi, sabihin mo nga namimiss ko na sila at malapit nakong magtampo .” Dahan-dahan kong inubos ang pagkain na nasa bibig ko bago isa- isang sinagot ang tanong nila. “Medyo busy lang po sa school dahil midterms na. Hayaan nyo po at ikakamusta ko kayo” Ganito ang set up namin sa tuwing magkakaharap kami sa hapag kainan. Kamustahan tungkol sa maghapon, kwentuhan tungkol sa school at trabaho at iba pang mga bbagay. Medyo natagalan kami sa pagkain dahil masarap ang mga niluto ni mama kaya naparami ang kain namin ni Papa. Nang matapos naman kami sa pagkain, tinulungan ko si mama sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Maghuhugas pa sana ako ng plato pero sinaway ako ni mama dahil siya na raw ang bahala roon. Matapos noon, nagtungo ako sa sala para manood ng balita sa tv. Nakita ko naman na nakaupo na si Papa sa paborito niyang pwesto. Lumingon pa siya saglit sa akin. “Hindi rin ata napapadalaw si Sven dito? May kasalanan Si sakin. “ mahinahong bigkas ng nag- iisang lalaki sa tahanan. Agad naman akong sumagot, “Busy po siya sa Org Pa saka marami siyang hinahabol na requirements dahil napapadalas ang practice nila sa Volleyball, hula ko in-indian ka na maglalarong Chess no?” Tumango naman ito at natawa rin. Ilang sandali lanh ay dumating na rin si Mama para samahan kami sa panonood. Umupo siya sa tabi ko. Marahan niyang imenekaniko ang remote para ilipat sa paborito niyang programa. Hindi ko naman hilig ang action-drama na pinapanood nila kaya nagpasya na rin akong tumuloy sa kwarto ko. Naalala ko na hindi pa nga pala ako tapos sa mga assignments at reports para bukas. Hinarap ko sila at saka nagpaalam, “Akyat na po ako.” Tumango naman sila na naging hudyat para magpatuloy na ako sa itaas. Agad ko namang sinimulan yung mga naiwan kong trabaho. Ilang oras din ang nilagi ko sa study table bago napagpasyahang mag ayos ng mga notebook sa bag na gagamitin ko para bukas. Nakasanayan ko na magdala ng notebooks na ginagamit sa specific day, like for example, Literature, math at other minor subject, yun lamang ang mga notebook at libro na dadalhin ko, the rest ay iiwan ko na lang sa bahay dahil mabigat sa bag. Akto namang ilalabas ko na ang mga gamit ng makita ko ang hard case na ibinigay ng kambal kanina. Out of curiosity, kinuha ko ito at inilapag sa lamesa ko saka dahan- dahang binuksan ito. Ano pa ba ang ieexpect ko, bumalandra sa harap ko ang isang CD at namangha naman ako sa design nito. Mukhang pinagka- effortan ng sobra, ngumiti naman ako. Maya maya ay itinabi ko ito sa isa sa mga drawer ko. Pumunit din ako ng piraso ng papel atsaka isinulat ang mga kkatagang’Next Playlist’ saka itinusok sa to-do-list calendar. Tinuloy ko na ang pag aayos ng mga gamit. Matapos noon ay napag desisyunan ko na ring magpahinga. Kimaumagahan, dahil wala kaming schedule sa station ni Sven ngayon, dumiretso agad ako sa room namin. Inabutan ko ang iilan sa mga kaklase namin, nakatanggap ako ng mangilan- ngilan na bati mula sa kanila. Umupo ako sa assigned seat ko dahil tulad ng sabi ko eh alphabetical ang seating arrangement. “Wassup what’s poppin Dj Bells!” masiglang bati ni Lexi na ikinagulat ko. Hindi ko napansin na naroon na pala siya. Nagtawanan naman kami ng mapansin niya na nagulat niya nga ako. Maya-maya pa ay sunod- sunod pumasok si Sven at Sofia. “Hindi ka fresh, kanina ka pa sa school no?” Bati ni Lexi sa nag- iisang lalaki sa aming magkakaibigan. Kaniya- kaniyang lapag naman ng gamit ang mga ito bago pa nagtungo ulit sa pwesto ko. Stressed na sumagot si Sven, “Bells baka solo ka muna sa Monday ha? May conflict sa sched ko.” Mahahalata sa mukha niya na pagod ang expression nito. Kauma-umaga ay mukha ng pang hapon ang postura niya. “Care to share?” wika ni Sofia. Kung hindi niya naitatanong ay patago naming sini-ship ni Lexi tong dalawang to sa di namin maipaliwanag na dahilan. Ewan ko ba, basta may something sa kanila na hindi pa siguro napapansin at this moment. Not now but soon, mari-realize din nilang dalawa. Di naman nagtagal ay sumagot din si Sven, “Private matter. Pero Im good promise.” Agad din itong sinundan ng tanong ni Sofia “Sure ka dyan ha?” paninigurado niya. Nag tama naman ang tingin namin ni Lexi, maya maya pa ay nagtanguan kami pareho sabay angat ng kabilang side ng labi. Di napigilang tumawa ni Lexi, napairap naman ako dahil alam kong mao-awkward tong si Sofia sa reaction ni Lexi. Ilang sandali lang, tumunog naman ang cellphone ko, pag bukas ko ng notif ay naalala kong may dapat pala akong isauli ngayon. Tumayo ako at inasahan ko na ang reaksyon nung tatlo. Nagpaalam ako na may pupuntahan saglit. Tumango naman sila at sinabing hihintayin ako. Agad kong tinungo ang direksyon papuntang Radio booth na dalawang building mula sa kinaroroonan ko. Dinoble ko ang bilis ng lakad dahil ayoko namang malate sa klase, although maaga pa naman ng 1 oras. Matapos ang ilang minutong paglalakad at kabi-kabilang pagbati sa mga studyanteng nakakakilala sakin, narating ko naman agad ang booth. Naabutan ko na may nakatayo sa labas ng booth. “Napaghintay yata kita. Sorry, “ wika ko sabay maingat na dukot sa bulsa para kunin yung ID na inilagay ko kani-kanina lang. Mabuti na lang hindi ko nakalimutang dalhin iyon kundi mapapaasa ko siya at baka walang mapala sa pagpunta dito sa Booth, considering malayo-layo ang building nila mula rito. “N-not really. “ halata sa boses nito na kabado siya dahil halos hindi niya mabuka ang bibig nniya. Siya rin yung nasa Mcdo kahapon, sa ngayon ay may suot siyang ID na kapareho ng sa mga Architecture ang course mula sa CEA. Naconfirm ko naman na hindi nga talaga siya yun tulad ng iniisip ko kagabi. Inabot ko na sa kaniya ang ID. Nagsalita naman akong muli, “I guess, hindi sayo itong ID. “ tumango siya bago niya ito kinuha at hinawakan sa kabilang dulo. Tila iniiwasan ang pagdidikit ng mga balat namin. Okay? “A-uhm.. Nope. It’s m-my friend’s.”aniya sabay kagat sa kaniyany labi. Sandali akong napa titig sa reaksyong ibinalik niya. Maya maya pa ay isinantabi ko na iyon at saka pinagmasdan ang suot niya. Naka uniform ito at may maroon stripe sa bandang kwelyo na ibig sabihin ay taga-Architecture Department siya. Unlike any other student, mas bumabagay sa kaniya ang uniporme. I mean, hindi naman ganoon ka engrande, hindi rin naman ganun ka payak ang uniform pero may signature na dating siya na sa kahit anong suot ay nagmumukha talaga itong pang mayaman. Kahit siguro pag suotin ko ng band aid to magmumukha itong model. Malinis na nakayakap sa kaniya ang puting blouse at fitted slacks. Kung ibang tao nag suot ng bitin na pang ibaba ay pagtatawanan. Tulad kahapon ay malaya pa ring nakababa ang buhok niya na tumatawid hanggang sa siko. Ngayon ko lang din napansin na may iba pang kulay bukod sa itim ang buhok niya. Pakiramdam ko ay tila may kumurot sa loob ng tyan ko sa sandali na iyon. ‘Weird’ bulong ko pa sa sarili. Huminga naman ako ng malalim saka umayos ng postura. Pagsisimula ko muli sa kaniya, “By the way, sorry kahapon. Hindi ko sinasadya baka nasaktan kita. Grabe kasi yung pamumula mo, hindi ko na rin nagawang kamustahin ka dahil umalis ka agad. “ Iniangat naman niya ang tingin niya sakin saka umiling ng bahagya. “Sorry din… Kasalanan ko kasi I didn’t expect na kukunin mo yung towel.” Mahinhin niyang sagot. Hindi ko naman alam kung bakit napapahaba ang kwentuhan namin. Tila may humahatak sakin na mas patagalin pa ang interaksyon na meron kami at hindi ko rin gustong magpaalam na siya agad. “Uhmm.. So hindi ikaw si Arj?” tanong ko sa kaniya. Naalala ko naman yung ilang suspicious friend requests kahapon. Nagbabaka sakali na baka isa siya roon sa mga pangalang nabasa ko. Tanging yung kambal lang ang nagrehistro na mukha sakin dahil nameet ko na nga sila sa booth kahapon ng umaga, plus yung iba pang mga kabanda niya na nakalimutan ko na kung ano ang mga itsura. Hindi ko alam kung napatitig ba ako sa kaniya o ano pero bigla naman ay napaiwas siya ng tingin sa akin. Ano bang problema niya? “N-no.”maikli nitong sabi. Nakaka-intimidate ba ako masyado? Pero parang hindi naman. Nabaling ang mga mata ko sa kamay niya na halos nanginginig na. Hinayaan ko ito saka ibinalik ang tingin sa kaniya. “Then, anong pangalan mo?? Parang familiar ka kasi.”tanong ko sabay angat ng tingin sa kaniya. Nakuha naman ng camera na hawak niya ang atensyon ko. Sa may gawing strap noon ay may initials na L.B. at hindi ko na mabasa ang kasunod. Napansin naman niya kung saan ako nakatingin, napa buntong hininga pa ito. “U-uhm I have t-to g-go. “ pagmamadali nitong sabi at akmang aalis na sa kinatatayuan. Nagmadali rij akong hawakan ang kamay niya, sabay pa kaming nagulat. Huminto siya at napatitig sandali sa ganoong pwesto ng mga kamay namin. Nagpaumanhin agad ako sa naging aksyon ko habang bakas pa rin sa postura nito ang pagkanerbyos. Pagkababa ko ng kamay ko, tumitig siya sandali sa akin, akmang may sasabihin. Nagbago siguro ang isip at tuluyann na nga itong umalis sa pwesto. Napakunot ang noo ko sabay baling sa naiwang nakatiwangwang na pintuan. “Weird” bulong ko. Nanatili pa ako saglit sa pwesto ko. Napako ang mga mata ko sa loob ng booth. Mula rito sa pwesto ko ay tanaw ang pamilyar na anggulo ng litratong nakita ko kahapon. Nakarinig naman ako ng mahinang ringtone na nanggagaling sa bulsa ko. Dali-dali kong tinignan iyon. Tumambad sa screen ang message mula kay Lexi. From:Lexi Papunta kami sa food court. Dumiretso ka nalang. Wair ka namin Dj Bells. -07:30 / 08-06-2020 /- Hindi ko na iyon ni-reply-yan. Sa huling sandali, nilingon ko ulit ang anggulo mula sa pwesto ko papunta sa booth. Marahan kong isinara ang pintuan ng kwarto. Napasinghap pa ako bago tuluyang maglakad. “Any Kind of Happy?” bulong ko. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD