Tulala si Charmie at kanina pa panay ang buntong hininga. Nakatayo siya sa may veranda, ang mga mata niya ay nakapako sa malayong tanawin—mga puno, langit, at katahimikan ng lugar na hindi niya kilala, pero pilit niyang tinanggap bilang pansamantalang kanlungan. Sa Tarlac, malayo, tahimik pero hindi sapat para takasan ang ingay sa loob ng utak niya. Mahigpit ang hawak niya sa maliit na papel, reseta iyon ng mga vitamin na kailangan niyang inumin. Ang papel na hawak niya ang sagot sa lahat ng tanong niya nitong mga nakaraang araw. She's pregnant, 5 weeks parang hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in. Sa utak niya, kanina lang nasa clinic siya. Akala niya simpleng pagod lang. Stress, overthinking, trauma at depression, lahat na ng dahilan na pwede niyang ikabit sa nararamdaman niya gin

