“Ma’am… mukhang nagpa-panic na po si Sir.” Napatingin si Charmie sa driver niya nang marinig ang sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone nito sa tabi. Halos hindi na tumitigil ang pag-ring. Si Grae ang caller again, and again and again. Bahagya siyang napangiti, isang mapanuksong ngiti na halatang may balak na gawin. “Let him,” malamig niyang sagot, saka ibinalik ang tingin sa bintana pero sa totoo lang nararamdaman niya na yung biglang kabog ng dibdib niya. Yung adrenaline na unti-unting umaakyat. Alam niya kung anong ginawa niya at alam din niya kung anong magiging reaksyon ni Grae. “Diretso na sa bahay, Kuya.” utos niya sa driver, mas kalmado na ngayon ang boses. “Yes, ma’am.” nanahimik na ulit ang loob ng sasakyan ng ilang segundo pero tuloy pa rin ang tawag ni Grae, maingay na din

