Pagbalik nila ng Maynila sakay ng helicopter pa rin na si Grae pa rin ang piloto, parang mas maingay ang mundong binalikan nila ngayon. Mula sa katahimikan ng Polillo Island, bumalik sila sa lungsod na hindi natutulog mga ilaw, mga headline, mga taong laging may opinyon. Bigla parang napagod siya kahapon lang ang saya nila ni Grae na para bang nalimutan nila kahit pansamantala kung sino sila, basta nag enjoy lang sila sa company ng isa't-isa na parang hindi sila nag-aaway sa maraming bagay. Tahimik ang buong biyahe nila mula helipad ng resort papunta sa condo. Hindi awkward, hindi rin overly sweet. Just… processing what they shared yesterday. After ng halos isang oras nakarating na ulit sila sa tunay nilang nilang mundo. Sa rooftop helipad ng condo, maayos na nag-landing si Grae. Smooth,

