Nagising uli si Grae sa mas malinaw ang ulirat kaysa kanina, pero mas masakit ang katawan, mas dama niya ang sakit. May kakaibang amoy sa hangin. Mainit, mabango, masarap at malasa parang sinigang na may luya, o kaya arroz caldo na may toasted garlic. Kumulo ang sikmura niya at nakaramdam ng gutom, bago pa man siya tuluyang magmulat ng mata. Hindi niya namalayan kung kailan siya huling nagutom pero gutom na gutom siya ngayon as in. Pagdilat niya ng tuluyan, bumungad agad ang liwanag ng umaga na pumapasok mula sa bintana at kasunod noon, ang mas nakakainis na tanawin. Si Charmie. Nasa maliit na dining table sa loob ng suite, naka-loose shirt at walking shorts, abalang nag-aayos ng tray ng pagkain. May mangkok, may thermos, may plato. Para bang… para bang bahay niya ang lugar kung nasaan i

