Ayaw sana niyang pumunta. Hindi pa talaga handang humarap si Charmie sa family niya sa totoo lang, kahit sabihin pang it's been a so many week past. Parang ayaw pa rin niyang humarap sa pamilya, bukod sa nahihiya pa rin siya, hindi niya kayang humarap sa mga ito habang nag sisinungaling siya about sa marital status niya ngayon. Pero ang linyang ng mommy niya kanina na... “anak, pamilya lang ‘to” ay sapat na para hindi siya makatanggi sa ina. Sa isang high-end restaurant sa Makati ang venue. Tahimik, elegante, sa isang sulat na private space ang naka-reserve. Pagpasok pa lang niya, ramdam na niya agad na hindi ito simpleng family dinner. Kompleto ang halos lahat kaya bigla parang gusto na agad niyang umurong. Nang makita ang mga kapatid ng Daddy niya. Mga kapatid ng Mommy niya. Mga tita

