“Kamukha talaga siya ni Aldrin.” "May hawig, oo. Iyan din ang una kong nakita sa kanya noon. Pero I already checked his backgroung malinis, Kuya." “Alamin mo kung nasaan ang nawawalang anak niya, hindi pwedeng basta na lang naglaho ang batang iyon noon." "Bakit ngayon mo lang pinapahanap?" "Kailangan,” "May mga bagay na dapat na nating ayusin bago pa lumala. Kung buhay pa siya, kailangan ko siyang makita." Ang usapan na iyon ang kanina pang laman ng isip niya mula pa kanina ng maunang umalis sila Charmie kanina sa restaurant. Sobrang tahimik ng buong palapag ng building niya, maliban sa mahinang ugong ng air-conditioning iyon lang ang maririnig mo. Nakatayo si Grae sa harap ng glasswall habang natatanaw niya ang kalawakan ng buong resort niya rito sa Palawan, from Manila he flew bac

