Kung sa kabilang dulo ng beach meron beach wedding na nagaganap, dito naman sa pusod ng beach resort sa mismong pavillion meron pa isang magandang garden wedding na gaganapin pa lang ilang minuto mula ngayon.
Ang Pavilion ay gitnang bahagi ng Falcon Beach and Event Resort na pagmamay-ari ni Grae Joseph Falcon. Isang open-air structure na yari sa kahoy at salamin, magagandang halaman na namumulaklak. Nasa medyo mataas na bahagi ng isla na nakaharap sa dagat, eleganteng-elegante. Isang engrandeng kasalan na talaga hahangaan ng marami na sinadya ni Grae na pagarbuhin talaga ng sobra. Punông-puno ng bisita ang lugar.
Mga negosyante, mga eletista, mga taong sanay sa kapangyarihan at pera. Mga ngiting pilit pero kalkulado, mga mata na nag-oobserba, pero karamhihan hindi humahanga nag hahanap lang ng ikakapipintas ng event.
Nasa gitna ng lahat si Grae. Naka-itim na suit siya, simple pero mamahalin ang yari. Walang kaba sa mukha, walang ngiti para siyang estatwang nakatayo sa harap ng altar—isang lalaking naghihintay, pero hindi nag-aabang. Hindi naman kasi ito kasal ng pag-ibig. Ito ay kasal ng paghihiganti na walang nakakaalam sinuman.
Sa harap niya, sa first row ng nag sisilbing altar nakaupo ang pamilya ni Urielle. Ang pamilyang matagal na niyang hinihintay na makasama sa iisang eksena. Ang mga taong responsable sa bangungot na bumuo sa kanya.
It's been twenty years, bulong ng isip niya.
Dalawampung taon akong naghintay para sa araw na ito. Mariin na bulong niya saka bahagyang ngumiti na tumango sa pamilya ni Urie na ngumiti naman tumango din sa kanya. May narinig siyang bulungan sa paligid ng mga bisita.
“Ang swerte ni Urielle.”
“Power couple sila.”
“Grabe si Grae, self-made pero mas mayaman pa sa mga old money.” Kung alam lang nila ang pinag daanan niya bago niya narating ang buhay na ito. Kung alam lang nila na ang lalaking pinupuri nila ngayon ay minsang nalunod sa dagat at binabiwaan na ng buhay.
Dalawampung taon na ang nakalipas. Labing-apat na taong gulang si Grae noon. His real name is Grae Aldrin Schwarzberg
Nasa gitna sila ng dagat, sakay ng yate ng pamilya—isang selebrasyon para sa 14th birthday niya na sinabayan na din ng business deal daw kaya kasama nila ang business partner ng parents niya. May champagne, malakas na tawanan. Ang mga magulang niya ay nakangiti, puno ng pagtitiwala sa pamilyang kasama nila.
Business partners, kaibigan, kaalyado, kung tawagin ng magulang niya. Hanggang sa nagbago ang lahat. Naalala pa rin ni Grae ang araw na yun malinaw na malinaw. Nakatulog na siya sa roof deck ng yate nila ng marinig na lang niya ang sigawan sa baba kaya napapasilip siya.
Nag sisigawan na ang Papa niya at ama ni Urielle, ganun din ang mga mommy nila. Habang si Urielle ay deadma lang na nasa gilid ng yate na naka tingin sa mga matatandang nag-aaway na parang walang paki-alam. Ang galit na boses ng lalaking akala niya’y kaibigan ng ama niya ay nakakakilabot ang mga pinag sasabi.
“Dito na nagtatapos ang lahat ng partnership natin, salamat sa biyaya Aldrin." Kita niya ang takot sa mata ng nanay niya. Ang galit at desperasyon sa mukha ng papa niya. Hindi makakilos ang mama at papa niya dahil sa mga armadong lalaki na umakyat na sa yate nila na inalalayan pang ibaba si Urie sa maliit na yate na nasa tabi ng yate nila.
Ang lawak pa ng ngiti ng magulang ni Urie habang hawak ang asul na envelop na parang tuwang-tuwa ang mga ito at na realize nalang niya ng marinig ang sinabi ng ama ni Urie. Na lahat daw ng perang pinag hirapan ng ama niya mapupunta na dito lahat at walang mapupunta sa kanila kahit isang kusing dahil hindi na daw nila mapapakinabangan dahil ngayon gabi daw magiging pakain na sila sa pating. Pag kaalis ng mga ito nag mamadaling sumigaw ang ina niya na tumakbo pa akyat sa kanya.
“Grae!” sigaw pa ng ina niya habang may hinuhugot sa ilalim ng upuan. Isang life vest. Nanginginig ang kamay habang isinuot iyon sa kanya.
“My son, listen to me very carefully.” mabilis at putol-putol na sabi ng papa niya na umaagos ang luha sa mga pisngi nito na never niyang nakitang umiyak ito. Isang German nationality ang ama niya habang ang mommy niya ay half geman-half pilipina.
“No matter what happens you swim away. You have to survive, my son. You have to.” mariin na utos ng ama niya habang humahagolgol na ang ina niya.
“Papa—” hindi niya maintindihan bakit parang siya lang ang kailangan na mabuhay. Nag mamadaling hinubad ng ama niya ang suot nitong gintong kuwintas bago hinubad ang wedding ring nito at ganun din ang wedding ring ng ina niya saka nag mamadaling isinuot sa kanya saka ito mapait na ngumiti na hinaplos ang mukha nya saka mahigpit silang niyakap ng Mommy niya.
Hindi na siya nakapagsalita nakapag salit dahil isang malakas na pag sabog ang yumanig sa buong yate. Malakas na napasigaw ang ina. Sa gitna ng apoy at usok, naramdaman niya ang kamay ng papa niya—malakas, puno ng lakas at pagmamahal—hinagis siya palayo sa yate as in sobrang lakas na kahit siya nasaktan sa pagkakahawak sa kanya ng ama at kasabay ng pag-angat niya sa ere at pagtalon pa sana ng magulang niya sa dagat ang biglaan pag sabog ng yate na kinain ng apoy ang magulang niya. Pag bagsak at pag lubog niya sa dagat. Pakiramdam ni Grae naubusan agad ng hangin ang baga niya sa nakitang pangyayari.
Ang huling nakita niya ay ang pagsabog ng yate at ang huling narinig niya ay ang sigaw ng mga magulang niya. Nagising na lang siya palutang-lutang sa dagat. Sugatan ang labi, gutom at uhaw. Suot ang life vest na nagligtas sa kanya. Isang yate ang lumapit sa kanya pero hindi iyon pulis, hindi rin rescue team. Isang babae iyon, hubo't-hubad wala kahit isang saplot. Meron isang lalaking hubad na hubad din. At napag-alaman ni Grae isa pala itong bigtime p*rnstar at nag sho-shoot ang mga ito ng video na i-uupload sa isang po*nsite. Sikat ang dalawa, mayaman, walang pakialam sa reputasyon ng mundo. Tunay na mag-asawa mga ibang lahi at ang pagse*s*x ng mga ito bilang mag-asawa ang ginagawang ikinabubuhay ng mga ito.
Ang mga ito ang kumupkop sa kanya at dinala sa ibang bansa, inalagaan at itinuring na tunay na anak since hindi nagkaanak ang mga ito dahil baog pala ang asawa nito kaya ini-enjoy nalang ng mga ito ang pakikipagtal*k at i-upload.
Sa loob ng dalawampung taon, naging maayos ang buhay niya. Ibinigay sa kanya ang lahat ng luho at lahat ng gusto niya. Pinag -aral sa pinakamagandang university sa US. At hindi niya sinayang ang bawat sentimo na ibinibigay ng mga ito. He made them proud at ngayon siya na si Grae Joseph Falcon ang sikat na may-ari ng malalaking isla at mga 5 star resort not just in the philippines maging sa ibang bansa din. Kaya ng mamatay na ang mag-asawang kumupkop sa kanya last 3 years ago namatay ang Papa Joseph niya at last year naman ang Mama Crizel niya. Hindi na naabutan ng mga ito ang paghihiganti niya na ayaw din naman ng mga ito pero desidido na siya. Ayaw ng mga ito na balikan pa nya ang mga taong nanakita sa kanila at hayaan na daw ang langit na mag parusa.
Pero hindi niya kaya, hindi niya makakalimutan ang mga mukha ng mga ito. Hindi niya nakalimutan ang mga salitang binitiwan ng mga magulang ni Urielle sa magulang niya. At hindi niya kailanman pinatawad o papatawarin.
At ngayon ang simula ng kalbaryo ng mga ito kahit matagal naman na niyang na simulan talaga hindi nga lang halata dahil unti-unti ng nalulugi ang mga negosyo ng magulang niya na ninakaw ng mga ito. Ilang mga shopping mall na ang nag sarado, ilang restaurant na ang na lugi. At bilang nalang sa kamay niya ang mga nakatayo, lingid sa kaalaman ng mga ito sa kanya na ulit nakapangalan ang mga ninakaw ng mga ito sa magulang niya.
Ngayon sa gitna ng Pavilion. Si Grae Joseph Falcon ay buhay na buhay, mayaman at makapangyarihan at hindi na naalala ng mga ito. At ngayon ikakasal sa anak ng mortal niyang kinamumuhian si Urielle.
Ang babae na ilang taon niyang niligawan hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa tiyaga. Dahil sa plano niya, dahil sa paghihiganti na kailangan niyang isagawa. Ang balak niya ay simple pero malupit. Sa harap ng altar, sa harap ng pamilya, kaibigan, at media— ibubunyag niya ang katotohanan. Na si Urielle ay buntis na hindi siya ang ama at meron siyang live video habang nakikipag talik si Urie sa mismong lalaki na anak din ng isang kilalang pamilya sa mismong bahay ng magulang nito na patunay lang na kinukunsinti ng mga ito ang kalandian ng anak sa kabila ng kaalaman na ikakasal na ito sa kanya.
Isang eskandalo, isang pagkawasak ng reputasyon at p**********e nito, isang paghihiganti na matamis pero mapanakit. Tahimik siyang ngumiti sa isip niya.
Perfect timing. Pero may isang bagay na hindi niya inaasahan na mangyayari napatingin siya sa rilo, wala pa ang bride. Walang dumating, lumipas ang ilan pang minuto, nag bubulungan na ang lahat. Wala si Urielle. Napatingin siya sa relo niya. Five minutes late palang pero ng umabot na ng ten minutes may tinawagan na siya para i-check si Urielle sa bridal suite nito. Nag simula na ang bulungan ng mga guest na pawang mga nagtataka.
Pero iba ang kutob ni Grae. Ilang sandali pa nakita niya ang 2 bodyguard niya na tumatakbo papalapit sa kanya. May ibinulong hanggang isang staff naman ang lumapit. Hinihingal, pawisan na halatang galing sa takbo.
“Sir Falcon…” nanginginig ang boses.
“May emergency po.” Hindi na siya nagulat sa sinabi nito.
“Ano?” malamig niyang tanong.
“Si Miss Urielle po… umalis.” Tumigas ang panga niya at napakuyom ang mga kamay.
“Paano umalis?”
“Tumakas po,” dagdag ng staff.
“Kasama po ang isang lalaki.” napamura naman sa galit ang ama ni Urie na nag mamadaling dinukot ang phone at may tinawagan na tumalikod na parang na tataranta ito. Nagkaingay ang buong pavillion parang huminto ang hangin.
"Ayun si Urie." sigaw ng isang bisita na sabay-sabay na ikinalingon ng lahat habang may itinuturong isang dock sa boardwalk bumaba ang mga ito sa kotse habang tumatakbo na magkahawak kamay patungo sa yate. Suot pa ni Urie ang wedding gown nito habang ang lalaking kasama nitong natakbo ay naka tuxedo din.
Napaka sweet pa ng mga walanghiya at magkahawak kamay pa na akala mo e you and me against the world. Tumatakbo at inililipad pa ng hangin ang belo ni Urie. Saka sumakay sa yate niya. Ang yate na dapat sana’y gagamitin nila para sa post-wedding cruise nila para sa honeymoon.
Isang mabagal na tawa ang lumabas sa labi ni Grae ng palihim na napatingin sa ama ni Urie na halatang nag panic na napatakbo nalang at sinenyasan ang driver na samahan ito. Hindi dahil masaya siya sa kinalabasan ng plano niya, nakakairita pero kundi dahil ironic.
“Sir, hahabulin po ba natin?” tanong ng bodyguard niya, tinitigan niya ang yate habang papalayo na ito sa pier. Sa loob ng yate, alam niya kung ano ang naroon. Kaya nag mamadali ang ama ni Urie na habulin ang anak nito. Isang maliit na bagay, tahimik na nailagay ng walang ka ingay-ingay. Isang time bomb na tulad ng ginamit sa yate ng magulang niya 20 years ago. Naka-set within 24 oras para sumabog ng walang nakakaalam.
Hindi iyon inilagay para kay Urielle. Iyon ay bahagi ng mas malaking plano—insurance, leverage, kontrol ng ama nitong mukhang pera. Na may balak na patayin siya right after ng kasal nila ni Urie dahil para kapag na matay siya automatic mapupunta kay Urie ang lahat ng kayaman niya. Pero malas ang mga ito marami siyang mata sa paligid dahil nga alam niyang maduming maglaro ang mga ito kaya pinagagalaw niya ng gusto ang pera niya para tiyakin ang kaligtasan niya gaya ng bilin ng mga taong kumupkop sa kanya. Gamitin daw niya ang pera niya para mabuhay ng masaya at masagana. At gamitin din niya upang protektahan ang sarili laban sa mga taong ganid.
"Ang boring," bulong ni Grae sa isip niya. Nagbago ang laro nasira ang plano niya, umiling si Grae.
“Huwag,” sabi niya, kalmado.
“Hayaan mo sila.” Napatingin sa kanya ang lahat ng bisita.
"Hindi ako para mag habol sa babaeng hindi marunong makontento." mayabang at malamig na komento ni Grae, sabay tumalikod na sa altar. Sa harap ng mga taong naghihintay ng kasal—iniwan niya ang Pavilion. Hindi bilang groom na iniwan. Kundi bilang lalaking handang harapin ang alaala, ang galit, at ang kapalaran na hindi niya inaasahan na magtatagpo sa parehong araw.
Sa parehong resort.
Sa parehong dagat.
Hindi niya alam na ilang minuto lang ang pagitan, may isa ring babaeng iniwan—naka-wedding gown, sugatan ang puso, at sakay ng karwahe na itinakas lang nito palayo sa sarili niyang bangungot.
At sa pagitan ng dalawang nasirang kasal, doon magsisimulang magbanggaan ang dalawang pusong sugatan ng nakaraan at ng kasalukuyan na hindi dapat nagtagpo— pero itinadhana ng dagat.
"Woooooooooooooooh!" malakas na sigaw ni Charmie na hinila ang renda ng kabayo na mabilis na tumakbo ng bigla isang lalaki sana ang tatawid pero napaatras at natumba nalang sa pagkagulat.
"Tatanga-tanga ka naman e! Sorry." sigaw pa ng babaeng umiiyak habang sakay ng karwahe na patuloy ang mabilis na pagtakbo na hindi man lang huminto. Napasunod naman ng tingin si Grae sa babaeng sakay ng humahagibis na kabayo na may hilang kalesa at naka wedding gown din ang babae. Natawa naman si Grae, uso ba ngayon ang runaway bride.