ANG first day ko sa Baguio na dapat ay kasama kong mag-iikot si Floro—na unang araw sa 'getting to know week' daw namin—ay si Rush ang kasama ko at hindi siya. Sa Mall ang unang stop namin ni Rush. Bumili ako ng mga damit pang-lamig, medyas at guwantes pati toiletries. Lahat ng pinili ko, si Rush ang nagbayad. Huling pinuntahan namin ay sa supermarket. Bumili ng groceries si Rush. Mga kulang daw sa kusina na inutos ni Manang Lumeng na bilhin nito. Pinipigilan kong ngumiti habang sumusunod kay Rush. May hawak siyang lista ni Manang Lumeng at isa-isang hinahanap ang produkto. Ang laking tao na tulak tulak ang push cart. Mga fifteen minutes yata ang lumipas na nanood lang ako. Sa huli, hindi ko na rin natiis na hindi tumulong. Nag-volunteer na akong maghanap ng ibang nasa lista para mapabilis

