Jodie's POV 7am na nang natapos akong maligo at nakapag bihis na din nang tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin, naka suot lang ako ng simpleng dress na red ang kulay na hanggang tuhod ang haba naka suot din ako ng flat sandals, lantad din ang balikat ko dahil may manipis lang ang straps nito. Kinuha ko ang bag at coat ko pagkatapos ay lumabas na din ako ng kwarto, pababa na ako ng hagdan at nakasalubong ko si tita sam na mukha pupuntahan na rin sana ako sa kwarto. "Oh, hija pupuntahan na sana kita, halika kana at naka handa na ang almusal." Nginitian ko lang si tita sam at nag goodmorning na din at sumunod na sa kanya. "Tama may bisita pala ang papa mo andoon din sa dining area." bago pa ako makapag tanong kay tita ay nakita ko na kung sino, kumunot ang noo ko. "Hi goodmornin

