Jodie's POV "Are you ready jodie?" Tanong sa akin ni Mr. Russo Napatango naman ako at ngumiti ng malawak. Ngayong araw na nga ang alis namin at uuwi na kami nang maynila. Sa wakas makikita ko narin si tita sam at kenneth. Lumingon akong muli kay Nay Lucille at ngumiti sa kanya sabay kaway ko pa, medyo nalulungkot din ako kasi mamimiss ko din si Nay Lucille, sobrang bait niya kasi sakin. Una ng sumakay si Mr. Russo ng helipad at sumunod naman ako. At ilang segundo pa ay nakalipad nadin ito, mas madali kasi kaming makakarating ng maynila. Habang nasa himpapawid kami ay di ko mapigilang mamangha sa tanawin. "Grabe ang ganda.." Ngayon lang ako nakasakay ng helipad kaya di ko tuloy mapigilan ang sarili ko. Napasulyap naman ako sa katabi ko at mataman na pala siyang nakatitig sa akin

